19-Kalmado

876 27 0
                                    

NAKALIPAS na nga ang ilang araw at nakabalik na muli sa eskwelahan si Ella. Ngunit hindi tulad nang dati, parang lalong dumilim ang paligid niya. Dati pa ma'y nandidiri, natatakot, at naaasiwa na ang mga estudyante sa kanya, ngunit tila mas malala na ngayon. Sa tuwing may makakasalubong siya sa hallway ay pilit gumigilid ang mga ito, ni hindi man lang magawang magtapon ng tingin sa kanya. Minsa'y may mga naririnig pa siyang mga bulungan. Pilit man niyang paniwalain ang sariling hindi siya dapat magpaapekto, hindi niya maitago sa sariling nasasaktan siya. Ang tanging nagagawa na lamang niya'y itaas ang nakabalot na balabal upang maikubli na ng tuluyan ang kanyang peklat.

"Ella..." Wika ni Joseph sa kanya. Tinapunan siya nito ng isang bahagyang ngiti. Ikinagulat pa niya ang biglaang paghagap nito sa kanyang mga palad. Tila kakaibang sensasyon ang dumaloy sa kanyang balat. Pakiramdam niya tuloy ay biglang nag-init ang kanyang mga pisngi. Gusto man niya na sanang bawiin ang kanyang palad, ngunit tila may sarili itong utak na ayaw naman nitong kumawala. Hindi naman niya maitatago sa sariling masaya siya kapag nandyan si Joseph. Kapag nandyan ito, pakiramdam niya'y ligtas siya.

"Ah...sige, Joseph." Tanging 'yon lang ang naisagot niya sa binata. Na nangangahulugang kailangan na muna nilang magpaalam sa isa't isa dahil magkaiba sila ng iskedyul ng oras na iyon.

"Sorry," nasambit na lang ni Joseph nang hindi niya agad naintindihan ang ibig sabihin niyon. Napatawa at napahiya na lang din si Joseph sa kanyang sarili kaya bigla tuloy niyang nabawi ang mga kamay.

Naiwan sila sa eksenang iyon na halos tumagal rin ng sampung segundo. Sampung segundo silang nakaharang sa gilid ng hallway. Sampung segundong walang anumang salitang namagitan sa kanila. Sampung segundong wirdong hangin ang bumalot sa kanila hanggang-

"Sige,magkita-

"Itetext-

"O, sige ikaw muna-

"Mamaya na lang." Turan na lang ni Joseph para tapusin na ang 'nakakailang' na eksenang iyon. 'Ok' na lang din ang naging matipid na sagot ni Ella saka ito tumalikod at nag-iba ng daan. Naiwan roong nakatayo lang si Joseph, pinapanood ang papalayong si Ella, iniisip kung ano iyong kakatapos lang na pangyayari na nag-iwan sa kanya sa ganoong kalagayan. Samantala, bagama't natatakpan ng balabal ang kanyang pisngi, hindi pa rin maikukubli niyon ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Ella.

"SOBRA naman pala talagang lumandi kay Joseph ang freak na 'yon! Kadiri!" Nanggagalaiting komento ng mga kaibigan ni Katrina na sina Greta at Nathalie na animo'y mga ispyang nakamasid hindi kalayuan sa kinatatayuan ng dalawa.

"Katrina, bakit kasi hindi pa natin isumbong sa students' affairs office 'yan si Ella? Para mapatalsik na 'yan dito sa university?" suhestyon ni Natalie.

"No. Ayaw ko namang madamay dito si Tita Milagros, lalo na si Joseph. Ang mahalaga, nalaman ko na ang totoo. I know that freak still has secrets na kahit si Joseph, hindi niya alam. Isa na lang ang kailangan kong gawin, show them there's a devil in town. At tutulungan nyo ako sa plano ko." Sambit ni Katrina sa mga kaibigan. Sa pagkakataong iyon, kalmado siya.

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now