18-Pagtanggi

914 33 2
                                    

INIANGAT pa ni Katrina ang suot na sunglasses para makumpirma kung iyon na nga ang kanyang pakay sa lugar na iyon. Saka siya lumapit sa mga kumpol ng batang naglalaro sa school playground. Pagkakita ng mga ito sa kanya'y nagtakbuhan na ang mga bata palayo sa kanila at naiwan lamang doon ang isang batang lalaki.

"Kamusta ka na, David?" sinikap niyang magbigay ng isang awtentikadong ngiti sa bata. Napatulala lang si David dahil sinikap niyang kilalanin kung sino ang babaeng nasa harapan niya. "Ako 'to, si ate Katrina. Remember? We used to play before..."

Biglaan na lang sinunggaban ng yakap ni David ang dalaga at sinagot naman iyon ni Katrina. Kung gaano kasinsero ang damdaming ipinapakita ni David ng mga sandaling iyon, siya namang kasalungat ng kay Katrina. Oo, napamahal na sa kanya si David dahil lagi niya itong dinadalaw at kinakalaro noong mga panahong nasa maayos pa ang lahat sa pagitan nila ni Joseph. At hindi nga siya nagkamali, umaayon ang lahat sa plano niya. Gagamitin niya si David para muling makalapit kay Joseph at makakuha ng impormasyon tungkol sa totoong pagkatao ni Ella. At iyon ang gagawin niyang paraan para mapasakanyang muli ang puso ni Joseph.

"Wow, ate Katrina, hindi ko alam na umuwi ka na pala. Namiss kita at 'yong paglalaro natin dati sa bahay," wika ni David sa kanya. Ginulo niya nang bahagya ang buhok nito. "Oh, forgive me, baby, ngayon lang ako nagkaro'n ng chance na dalawin ka rito. Busy rin kasi ako sa studies e. Tapos hindi pa pala kinukuwento sa'yo ni Kuya Joseph mo na umuwi na ako. Pero don't worry, babawi ako sa'yo." Nakuha pang maghigh-five ng dalawa. "O, ganito na lang, para makabawi ako sa'yo, I'll give you a treat. Libre kita ng ice cream. Para naman makapagkuwentuhan tayo?"

"Pero, ate..." nag-aalinlangang sagot ni David. "Hinihintay ko na lang po si kuya. Uuwi na rin kami."

Pinatulis ni Katrina ang kanyang mga labi na animo'y isang inosenteng batang nagtatampo. Tila tinalaban naman si David kaya pumayag na ang bata. "Sige na nga po, ate, basta mabilis lang po, a! Papagalitan ako n'on ni kuya!"

"Sure!"

Dinala ni Katrina si David sa isang malapit na grocery store. Binilhin niya ito kung anong ipinangako niya saka inaya itong maupo muna sa isa mga table na nasa gilid. Iyon na ang tamang pagkakataon para maisakatuparan ang pakay niya. Sa una'y kinumusta pa niya ito sa mga nangyari, hanggang sa inintrada na niya ang tanong na:

"E, si ate Ella mo? Bakit hindi naman siya nakukuwento ni Tita Milagros o ni Joseph dati? Pinsan n'yo ba talaga 'yon? How come?", pang-iintriga ni Katrina.

"Ah, eh,..." nag-alangang sumagot si David. Naalala niya kasi ang bilin ng kanyang ina na huwag sasabihin ang kung anumang may kinalaman kay Ella. Muntikan na siyang nadulas. "Opo. Pinsan po."

Matalino si Katrina. Ramdam niyang nagsisinungaling ang bata dahil parang may pinagtatakpan ito, base na rin sa ikinikilos ni David.

"David..." mahaba at may diing bigkas ni Katrina sa pangalan ng bata. Tinitigan niya pa ito nang diretso sa mga mata, kaya't napapaiwas tuloy ito ng tingin. "I know you're not telling the truth. Sige na...sabihin mo na sa akin. Please." Pamimilit ni Katrina.

"Pero hindi po pwede e. Magagalit sa akin si Mama." At nadulas na nga ang bata. Gumuhit ang nakatagong halakhak sa himaymay ng utak ni Katrina. Nahinuha nga niyang may itinatago ang pamilya ni Joseph.

"Why? Wala ka bang tiwala kay Ate Katrina mo? We're like siblings already. Saka ano ka ba? You're secrets, are my secrets. At saka, malay mo, makatulong pa ako sa inyo...kung ano man ang problema n'yo di ba?" para-paraan si Katrina.

"Promise po? Wala kayong pagsasabihan?"Dahil sa inosenteng taglay ni David ay madali agad siyang nabitag sa patibong ni Katrina. Kunwari'y mabait at matulungin, ngunit may nakatago talagang balak.

Itinaas pa ni Katrina ang kanyang kanang palad na animo'y nanunumpa: "Promise, Cross my heart," dagdag pa nito.

"Ano po e..."

"Oh, ano?" wika ng atat na si Katrina.

"Hindi po talaga namin pinsan si ate Ella."

'Sinasabi ko na nga ba, e' bulalas ni Katrina sa kanyang isipan. 'Paano nga naman kayo magkakaroon ng kamag-anak na halimaw? E, ang tanong, sino ba ang walanghiyang babaeng 'yon?'

"Ha? Oh my God...I knew it! Pero bakit kayo nagsisinungaling? 'Di ba bad 'yon?"

"Ano po e...meron pong gustong manakit kay Ate Ella. Kawawa po siya n'ong makita ni Kuya..." paglilitanya ni David.

"Ha? Sinong mga gustong manakit sa kanya? Bakit sino ba talaga 'yang si Ella? Kriminal ba 'yon?" sunod-sunod pa ang mga tanong ni Katrina at halos hindi na nga makain ni David ang biniling ice cream nito. Ngunit hindi na iyon nasagot pa ni David dahil sa biglaang pagdating ng kanyang kapatid. Nakasimangot itong lumapit sa kanya.

"David! Kanina pa kita hinahanap! Kung saan-saan ka nagpupunta. Ako ang papagalitan ni Mama sa ginagawa mo e." Pagsasalaysay ni Joseph. Lalong hindi gumanda ang pakiramdam ni Joseph nang makitang si Katrina ang kasama ng kanyang kapatid.

"Joseph...wag ka namang magalit sa kapatid mo. It's on me. Niyaya ko siya dito," sabad ni Katrina. Hindi siya pinansin ni Joseph.

"Sorry po, kuya." Lumapit na si David sa kapatid. "Oh, sige na. Tara na."

Binitbit na ni Joseph ang bag ng kapatid at hinawakan ang kamay nito. Tumalikod na siya at humakbang na parang hindi napapansin ang presensya ni Katrina.

"Joseph, wait-ano ba? Bakit ba hindi mo ako pinapansin. Why are you doing this to me?" paglilitanya ni Katrina. Medyo malakas pa namang magsalita si Katrina kaya halos matawag ang atensyon ng mga nakarinig.

Napabuntong-hininga si Joseph saka hinarap ang dalaga. "Please, Katrina. Huwag kang gumawa ng iskandalo dito. Nakakahiya. Saka sinabi ko naman sa'yo wala na tayong dapat pag-usapan pa. Everything's over between us. Nandito ako para sunduin ang kapatid ko."

"Oo, tapos na tayo...noon. I admit, niloko kita noon. I'm just tempted. But I realize na ikaw talaga ang mahal ko. Kaya ako bumalik rito. To work out our relationship again. Please, pagbigyan mo naman akong itama ang mga mistakes ko. I...still love you, Joseph." May mga luhang namuo sa mga mata ni Katrina. Halos kiligin na nga ang mga taong nakarinig sa pag-uusap nila. Napahinto pa nga ang mga ito na animo'y nanonood ng love story movie. Kung hindi nga lang palabas iyon ni Katrina.

Hindi pinansin ni Joseph ang pagmamakaawa ni Katrina at mabilis ang kanyang mga hakbang papalabas ng grocery store. Halos nahirapan na ngang humakbang si David na halos kaladkarin na ng kanyang kapatid. Ngunit parang tangang patakbong humabol si Katrina. Sa pagkakataong iyon ay nagbagong anyo na si Katrina. Ang kaninang paawang mukha nito ay napalitan bigla ng galit. Mataas na ang boses nito.

"Bakit, Joseph? Bakit ayaw mo na sa akin? Dahil kay Ella? Dahil may gusto ka sa impaktang 'yon?"nanggagalaiting wika ni Katrina.

"Please, Katrina, huwag mong idamay si Ella sa problema mo. Wala siyang kinalaman dito. At saka bakit ba galit na galit ka sa kanya? Wala siyang ginagawang masama sa'yo..."

"Galit ako sa kanya dahil isa siyang impakta. Isang mang-aagaw! Inaagaw ka niya sa akin!"

"Nababaliw ka na talaga...pinsan ko si Ella," pagdidiin ni Joseph sa relasyon nila ng dalaga. Ngunit tumawa lang nang mapait si Katrina.

"Hanggang ngayon ba paninindigan mo 'yang pagsisinungaling mo? I know the truth, Joseph." Malamig na bigkas ni Katrina. At dinugtungan pa niya ng pagbabanta. "And I will not hesitate to reveal your dirty secrets. I will do anything...'wag ka lang niyang maagaw sa akin."

"Sorry po, kuya." Halos pabulong na lang na wika ni David sa kanyang kapatid. Hindi kasi akalaing maiipit sa ganong sitwasyon ang bata.

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Joseph. Hindi iyon maaaring mangyari. Lalo pa't nakasalalay roon ang kaligtasan ni Ella. Ngunit paano niya ito nalaman? Saka niya nahinuha ang nadatnang eksena sa pagitan ni Katrina at David kanina. Dahil doon, bigla siyang nakaramdam ng takot. Kilala niya si Katrina. Alam niya kung ano ang mga kaya nitong gawin para lang makuha nito ang gusto. Isa lang ang kailangan niyang gawin. Protektahan si Ella.

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now