8-Panghuhusga

1.9K 59 15
                                    

HUMANGA si Ella sa kabuuan ng unibersidad. Naglalakihan ang mga gusali doon ngunit napapangalagaan pa rin ang matatandang puno na daang-taon na rin ang gulang. Isang Catholic Dormitorian University ang St. John University, kaya't kumpleto na rin ito ng mga pasilidad at serbisyong kinakailangan ng mga estudyanteng naninirahan sa loob. Masasabi ngang isa na itong maliit na siyudad sa gitna ng kagubatan.

Halos limang minuto rin silang naglakad bago marating ang lugar kung saan ang enrollment para sa kanilang mga incoming first years. Namangha si Ella sa dami ng mga taong nasa paligid niya. Ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya sa tuwing mapapansin niyang may mga estrangherong mga matang nakatitig sa kanya.  Pakiramdam niya'y nanliliit siya sa mga mapanuring mga paningin na nakatuon sa kanya.  Marahil nga'y nagtataka ang mga ito kung bakit ganoon ang ayos niya. Pero mas mabuti na rin iyon, kaysa naman makita nila ang kanyang 'itinatago' sa likod ng balabal na iyon.

Sa gitna ng mahabang pila ay isang boses ang bumasag sa paghihintay nina Ella at Joseph. Tinatawag nito ang ngalan ng huli.  Nasilayan ni Ella ang isang balingkinitang dalaga na tumitingkad sa 'mapangahas' nitong suot. Maikli ang suot nitong skirt na halos gusto nang isiwalat ang itinatagong katotohanan. Buti na lang talaga't bumagay roon ang suot nitong violet blouse na butas-butas ang laylayan. Umiindayog pa sa paglalakad ang dalaga dahil sa suot nitong sapatos na may 'tore' sa ilalim. Biglang kinabahan si Ella dahil sa dalaga.

"Joseph."

Nangibabaw kay Joseph ang pagtataka ng mga sandaling iyon. "Excuse me, Miss. Kilala ba kita?"

"Ikaw naman Joseph oh? Have you already forget me?" tinanggal ng dalaga ang suot nitong sunglasses kaya't lumantad sa kanila ang kabuuan nitong mukha. Ikinagulat ni Joseph kung sino iyon. Umaarko pa talaga ang ngiti ng dalaga. " Hindi ko akalaing ganito na pala ako kaganda kaya hindi mo ako agad nakilala."

"Katrina?"

"Yes, ako nga. Wala nang iba."

Napasinghap ng hangin si Joseph. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa Maynila ka?"

"Of course! I am here to enroll. Dito na ako mag-aaral. Ayaw ko na sa Manila eh. I can't take the pollution anymore." Maarte nitong sagot.

"Ah, gano'n ba." Matipid na tugon ng binata para putulin na ang konbersasyon sa pagitan nilang dalawa. Nag-iwas na nga ng paningin si Joseph ngunit sadyang makulit si Katrina.

"Oh, so, kamusta ka na? Anong year mo na? And what's your course by the way?"

"BS Mathematics. Freshman."

"Oh? What a coincidence! I'm sure we gonna be classmates. I'm going to shift kasi eh. At 'yan ang napili kong course. Ayaw ko na kasi sa psychology." Pagpapaliwanag pa nito. "It's gonna be fun." Malalagkit na titig ang pinakakawalan ni Katrina kay Joseph kaya't di maiwasang mailang ng binata. Tatalikod na sana siya at hahatakin si Ella ngunit naunahan siya ni Katrina.

"Oh, sorry. Hindi ko agad siya narecognize. Kasama mo pala ang girlfriend mo." Puna ni Katrina matapos magisnan ang mahigpit na pagkakahawak ni Joseph sa mga palad ni Ella. Magpapaliwanag pa sana si Joseph ngunit lumapit na agad si Katrina sa harapan ni Ella.

Nakaramdam ng kaba at pagkailang si Ella dahil sa ginagawa nito sa kanya. Malagkit at malisik ang pinakakawalan nitong titig na tila inieksamin ang bawat detalye ng kanyang mukha. "You had a beautiful sexy eyes. Maganda ang nose mo." Napuna ni Katrina ang telang tumatabing sa mukha ni Ella. "Ahem, bakit ka naman may ganito?"Pipigilin pa sana ito ni Ella ngunit huli na ang lahat. Nahila na nito ang suot niyang balabal at lumantad sa lahat ng mga nakamasid sa kanila ang itinatago ni Ella sa likod niyon.

"Oh my God!" bulalas ni Katrina at nanlaki pa ang mga mata nito dahil sa pagkabigla sa nakita. Natakpan pa nga nito ang sariling bibig at napaatras pa mula sa kinatatayuan dahil diring diri ito sa nasaksihan. "Yuck..."

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now