58-Mga Nawaglit na Alaala

706 18 4
                                    

"AY DOON tayo dali! Walang nakapuwesto! Bilis! Baka maunahan tayo! Bilisan mo, Nestor! Mabilis pa sa alas-kuwatrong umupo ang isang ginang na nakasuot ng bulaklaking bestida na hapit sa baywang nito.

"Saglit lang, Milagros, hawak ko itong si David. Hindi naman tayo mauubusan, e. "

Wala nang nagawa kundi ang sumunod ang ginoong may suot na kupas na maong at checkered na polo na sumunod sa asawa. Ngunit maingat pa rin ang pagkakahawak sa sanggol.

"Ako na ang hahawak kay David." Bumaling si Milagros sa batang lalaking walang kaemo-emosyon ang mata ang nakatayo lang sa gilid, katabi ang isang batang babaeng may suot na 'mickey mouse' headband, at kasalukuyang sumisipsip ng lollipop. "O, Joseph, ano pang ginagawa n'yo d'yan! Huwag mo nang paghintayin ang photographer. Pumunta na kayo dito ni Mary Rose!"

"Mama, 'wag na. Umuwi na tayo. Masama daw ang pakiramdam ni Mary Rose," wika ng batang si Joseph na hindi iniiwan ang kapatid na babae.

Umirap si Milagros. "Bilis na! madali lang 'to! Family Picture nga,e, kaya dito kayo! Uuwi na rin tayo!"

"Mama, hindi pa ubos itong lollipop ko..."

"Ayos lang 'yan! Sige na! Umupo na kayo dito, tabi-tabi tayo." Wala nang nagawa ang dalawang bata at sumunod na lang sa ina at umupo na sa bench.

"Uy! Kuya, gandahan mo ang kuha, ha? Ipapa-frame ko 'yan! Ayusin mo, ha?"

Napangisi na lang ang maglilitrato sa kakulitan ni Milagros. "Okey po. Ready, Say cheese! 1,2,3!"

Sa pagtunog ng shutter ng camera ay siya ring pagpusikit ng panandaliang liwanag mula sa camera. Sa pamamagitan ng liwanag na iyon, naiguhit ang larawan ng isang masaya at kumpletong pamilya.

Kahuli-hulihang larawan.

"MISIS, mayroon pong cancer sa dugo ang inyong anak, acute lymphoblastic leukemia," pagpapaliwanag ng doktor.

Natutop ang sariling bibig at napisil nang mahigpit ni Milagros ang braso ng asawang si Nestor dahil sa narinig mula sa doktor. Huminto sa pagpintig ang puso niya at parang nabingi siya. Nanginig ang mga labi niya at hindi alam kung paano sasagutin ang doktor. Gusto pa nga niyang tawanan ang doktor dahil baka nagbibiro lang ito. Pero hindi niya magawa. Dahil natunaw na siya sa 'dagok' na iyon.

"Paano ho nangyari 'yon! Malusog na bata si Mary Rose! Baka ho nagkamali lang ng resulta! Ngayon lang naman ho ito nangyari!" Pinipilit na pababain ni Nestor ang boses niya kahit na sa totoo lang ay gustong-gusto na niyang sigawan ang doktor dahil sa mga 'kabaliwang' sinasabi nito.

"Pasensya na ho, pero ang ganyan pong kondisyon ay hindi na talaga nadi-diagnose in its early stage."

"Dok, hindi pa naman ho huli ang lahat, 'di ba? Dok, nagmamakaawa kami, gawin n'yo pong lahat magamot lang ang anak namin!" Tuluyan nang bumuhos ang luha ni Milagros.

"Tatapatin ko na po kayo. Hindi ko po maigagarantiya na gagaling ang anak ninyo. Mahaba-habang gamutan po ang pagdadaanan niya. At hindi rin po birong halaga ang kakailanganin n'yo."

Kahit pa higpitan ni Nestor ang pagkakayakap kay Milagros, hindi niya ito mapatigil sa paghagulhol sa dibdib niya. Sa tagpong iyon, bigla silang pinagbagsakan ng langit at lupa. Sa araw na iyon, gumuho na ang mundo nila.

"NESTOR, magtiwala lang tayo sa Diyos, gagaling si Mary Rose...gagaling siya. Malalampasan natin ito. Pakiusap, huwag kang susuko." Hindi na naman napigilan ni Milagros ang mga luhang iyon na bumaha. Paga na nga ang mukha niya sa kakaiyak at nanlalalim na ang mga mugtong mga mata dahil sa kakulangan ng tulog at pahinga.

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now