29-Desisyon

812 30 6
                                    

NAKATUTOK ang mga mata ni Ella sa siwang ng putting venetian blinds na tumatakip sa bubog na bintana. Hindi niya iniinda ang pusikit na liwanag na pilit sumisiksik sa siwang na ginawa niya. Mula sa pagkakadungaw niya roon ay mas pinalalapad pa niya ang pag-aangat sa siwang ng venetian blinds upang mas makita nang malinaw ang imahe sa labas.

Limang oras.

Mali, Limang araw.

Limang araw na niya iyong paulit-ulit na ginagawa. Nagmamasid. Naghihintay. Umaasa.

Nagbabakasakaling sa isang saglit man lang, dumating na nga ang pinakahihintay niya.

Ngunit wala.

At alam naman ni Ella na imposible siyang dumating. Imposibleng magkita muli sila pagkatapos ng mga naganap. Pagkatapos ng mga nagawa niya. Pagkatapos ng mga kaguluhang naidulot niya. Bakit nga ba pilit niyang sinasaktan ang sarili, at pinaniniwala ang sariling may pag-asa pa?

Malaki. Napakalaking kasalanan ang nagawa niya at wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili niya. At pilit na sumisiksik sa kanyang gunita ang mga kasalanang iyon. Dahil sa kanya, muntik nang mapahamak ang pamilyang pinakaiingatan at pinoprotektahan niya. Dahil nagpatalo siya sa takot at pangamba. Dahil sa kanya at sa pilit niyang tinatakasang tadhana.

Napapitlag si Ella nang bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa kama. Saka lamang iyon tumunog ulit sa loob ng limang araw. Nabuhayan siya ng loob at dali-daling kinuha ang cellphone. Umupo siya sa gilid ng kama. Humugot ng isang malalim na hininga upang ihanda ang sarili mula sa mababasang mensahe. Ngunit ang pag-asang iyon ay bigla na lang naglaho matapos mabasa ang mensahe at kung kanino galing ang text message:

FREE LOAD ADVISORY.

Mag-load lang ng...

Kasabay ng pagbagsak ng cellphone sa kama ay ang paglaylay ng kanyang balikat. Bumalik sa kanyang gunita ang reaksyon ni Joseph nang makita nito ang tunay niyang anyo. Takot. Matinding takot ang pumaibabaw dito.

Kaya bakit nga ba pilit pa siyang naghihintay kahit na alam naman niya sa sariling wala naman talagang darating? At kung may himala mang mangyari at dumating nga si Joseph, may mukha nga ba siyang ihaharap rito, matapos ang lahat ng pagsisinungaling, at gulong naidulot niya rito at sa pamilya nito? May puwang pa nga ba ang umuusbong nilang damdamin para sa isa't isa, kung sa simula pa lamang ay alam niyang hindi naman talaga sila ang nakalaan para sa isa't isa? May dahilan pa nga bang lumaban kung wala ka nang ipinaglalaban?

Pumatak ang masasagang luha mula sa mga mata ni Ella patungo sa puting kobre kama. Wala siyang magawa kundi madakot lamang iyon ng kanyang nanginginig na mga kamay. Upang sa kahit ganoong paraan, maibsan niyon ang sakit na kanyang nararamdaman.

Masakit. Masakit na doon na lang magtatapos ang lahat sa pagitan nila ni Joseph. Ni hindi man lang siya nakapagpaliwanag dito nang harapan. Hindi man lang siya nakahingi ng tawad sa lahat-lahat. Ni hindi hindi man lamang siya nakapagpasalamat. Ni hindi man lamang siya nakapagpaalam. Ni hindi man lamang niya ito magigisnan kahit sa kahu-hulihang pagkakataon. Kahit sandali lang.

Hihikbi-hikbi man ay pinunas ni Ella ang mga luha niya gamit ang sariling mga palad.Humugot siya ng hininga at sinikap na pakalmahin na ang sarili. Masakit man, ngunit napagtanto niyang kailangan na niyang huminto. Sa pagkakataong iyon, alam niyang kailangan na niyang gumawa ng desisyon.

Para sa ikabubuti ng lahat.

Nasa ganoong ayos si Ella nang biglaang bumukas ang pinto Si Damarkus, hindi na nakuha pang kumatok. Halatang maraming sasabihin na hindi na puwedeng ipagpabukas. "Ella, nawawala pala ang ibang pahina ng aklat sa Katuparan! Tiyak na may kinalaman ito sa'yo at sa Asul na Araw. Nakasisiguro akong si Haring-

"Marco..." wika ni Ella sa kanyang kaibigang diyablo. Ngunit tila hindi siya nito narinig at patuloy pa rin sa pagsasalita.

"...Lucifero ang may kagagawan nito. Tiyak na may itinatago-

"Damarkus!"

At sa pagkakataong 'yon ay napahinto na sa pagsasalita si Marco. Napahugot siya ng buntong-hininga matapos mapatitig sa dalagang nasa kanyang harapan. Ang mukha nitong hindi niya nakita nang matagal hanggang sa sandaling iyon.

Si Devila.

"Handa na ako. Handa na akong harapin kung anuman ang dapat kong harapin."

"Prinsesa-

"Oo. Wala nang dahilan para takasan ang aking kapalaran. Panahon na para lumabas sa pagtatago. Para sa ikabubuti ng lahat. Gagawin ko na ang dapat na ginawa ko noon pa."

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now