39-Ilusyon

658 19 0
                                    

"OH MY God, Katrina! Gumising ka! Katrina..." hindi maintindihan ni Gretha ang gagawin niya nang madatnan niyang nakahandusay sa gilid ng kalsada ang kaibigan niya. Nilapitan niya agad ang kaibigan, pero maingat pa rin siya sa paglalakad dahil baka malagyan ng putik ang kanyang bagong biling stilletos. "Tulong! Oh my God!"

Sa gitna ng paghuhuramentado ni Gretha ay laking gulat niya nang biglang walang anu-ano'y bumukas nang napakalaki ang dalawang mata ni Katrina. Saka ito nagsalita. "Gaga! Bakit ka nagsisisigaw dyan! Tulungan mo na lang akong bumangon dito!"

Wala man sa huwisyo ay naging sunud-sunuran na naman si Gretha kay Katrina at tinulungan itong tumayo. "Ano ba kasing nangyari sa'yo? Ba't ka nahimatay?"

"Kinagat-

Kinapa ni Katrina ang kanyang leeg para masalat ang sugat at sinikap na tingnan 'yon sa repleksyon niya sa tinted na bintana ng kotse ni Gretha. Nagulat siya nang walang anumang sugat o kahit dugo man lamang na naiwan roon. Makinis pa rin ang balat niya at ni walang bakas ng pangil roon. Lumingon siya sa paligid ngunit wala na roon ang malaking ahas.

Nagtaka siya. Kung tutuusin ay dapat patay na siya dahil sa matinding kamandag ng ahas. Ngunit ni hindi man lamang siya nakakaramdam nang masama, kahit pagkahilo. Bagkus, pakiramdam niya, lalong luminaw ang paningin niya. Kakaibang sigla ng katawan ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya mas lalo pa siyang lumakas.

Ano bang nangyari sa kanya? Totoo nga ba ang nangyari o nag-ilusyon lang siya?

"Hoy, Katrina, anong kinagat? Anong kumagat sa'yo?" pagtatakang wika ni Gretha nang mapansin nito ang kanyang ikinikilos.

Umirap lang si Katrina. "Kinagat ako ng KATANGAHAN mo! Sa sobrang bagal mo, inantok na ako rito! Saka, bakit ba ang dami mong tanong? Tara na nga! Pumunta tayo ng mall. Kailangan kong magpalamig!"

Gaya ng inaasahan, wala nang nagawa pa si Gretha kundi pagbigyan ang kahilingan ng kanyang 'amo'. Nagreklamo pa nga si Katrina sa mga uri ng tugtugin na pinakikinggan niya sa kanyang sasakyan kaya hinayaan niya na lang si Katrina na mamili kung ano ang gusto nito. Pinaharurot ni Gretha ang kanyang sasakyan kahit medyo maputik ang kalsada roon, huwag lang siyang maismiran ng kanyang 'bestfriend'.

Lingid sa kaalaman nila, isang nilalang ang lihim na nagmamasid sa kanila kanina pa-tumago lamang ito sa ilalim ng kotse. Nakuha pa nga sila nitong ihatid ng tingin papalayo-ang malaking ahas. Pagkalipas ng ilang sandali'y bigla na lang itong nagluno. Ngunit sa halip na matanggal ang kaliskis, nagliyab iyon, pati na ang buong katawan nito. Hanggang sa tuluyan na itong magbagong-anyo.

Inferno's HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon