62-Bangungot ng Nakaraan

983 17 1
                                    

NAPABALIKWAS si Aling Milagros nang marinig ang mga pagsisigaw ni David habang nagpupumiglas sa higaan. Minadali niyang hinigit ang switch ng lamp shade upang magisnan nang malinaw ang lagay nito. Sila lamang dalawa ni David ang nasa bahay ng mga sandaling iyon kaya sa kuwarto niya ito pinatulog.

Nagpaiwan si Joseph sa Maynila para asikasuhin ang ibang 'bagay'. Pinagbigyan niya ito para sa ikabubuti na rin ng anak, pagkatapos ng lahat ng mga masasakit na pangyayaring dumaan sa buhay nila. Para sa pagsisimula ng bagong buhay.

"Anak, panaginip lang 'yon. Tahan na. Tahan na."

Niyakap ni Aling Milagros si David habang hinahagod-hagod niya ang likod nito upang kahit papaano'y mapakalma niya ito. Pawis na pawis ito kahit na nakatutok sa kanila ang bentilador. Tumigil na ito sa pag-iyak sa wakas ngunit marahas pa rin ang paghikbi.

"Ano bang napanaginipan mo?" pagtatangka niyang tanong sa bunsong anak. Hinawi niya ang mga buhok nito na dumikit sa noo dahil sa pinaghalong pawis at luha. Bakas niya sa bata ang matinding takot na nararamdaman.

Nahihikbi pa si David ngunit sinikap nitong magkuwento sa ina. Sisigok-sigok itong nagsalita. "M-may lalaking may sungay...tapos...tapos..." Napakapit pa si David sa braso ng ina habang inaalala ang mga nangyari sa masama niyang panaginip. "...Kinuha niya ako...tapos...tapos...dinala ako sa apoy...tapos binigyan ako...ako ng sungay at pakpak..."

Tuluyan na namang napaiyak si David dahil sa matinding takot. Buti at niyakap muli ni Aling Milagros ang anak para damayan ito. "Walang kukuha sa'yo ha? Nandito si Mama. Walang kukuha sa'yo. Panaginip lang 'yon."

Pinilit ni Aling Milagros na pakalmahin ang anak, kahit pa sa mismong narinig niya rito ay pinangibabawan siya ng takot. Lihim siyang nanghilakbot sa utak niya. Hindi na lamang niya ipinahalata kay David para sa kapanatagan na rin nito.

Nagtaka siya. Ginamit ni Damarkus ang isa sa mga engkantasyon nito kay David upang hindi na nito maalala pa ang mga nasaksihan nito. Lalo na at tapos na ang Asul na Araw, at ayon pa mismo kay Joseph, wala na ang demonyong si Lucifero.

Dapat ay malaya na sila sa 'bangungot' na iyon. Pero bakit? Bakit patuloy pa ring nananaginip si David tungkol sa mga bagay na 'yon?

Kapwa napapitlag sina Aling Milagros at David nang bigla na lamang may kumakatok sa labas ng kanilang bahay. Pagtingin ni Aling Milagros sa orasan niya sa pulso ay pasado alas-onse na ng gabi. Lumakas ang kabog ng dibdib niya.

Sigurado siyang hindi iyon si Joseph, dahil hindi pa naman ito uuwi. Wala naman siyang inaasahang bisita na darating. Isa pa, sinong mangangahas na pumunta sa liblib nilang bahay sa ganoong oras?

Pinakiramdaman nila ni David ang paligid. Bagama't takot na takot na ang anak ay inutusan niya itong huwag gagawa ng anumang ingay. Hindi na sana nila papansinin pa ang mga pagkatok, sa pag-asang maiinip na rin ito sa paghihintay, at kusa nang aalis.

Ngunit mali siya.

Mas lalong naging malakas at sunud-sunod ang mga pagkatok sa kanilang pintuan. Binilinan niya si David na kahit anuman ang mangyari, huwag itong aalis sa kinalalagyan at huwag gagawa ng anumang ingay. Napakagat na lang sa labi si David para mapigilan niya ang napipintong muling pag-iyak dahil sa takot. Wala na itong nagawa pa nang iwan ng ina sa loob ng kuwarto.

Nanginingig ang mga daliri ni Aling Milagros nang pindutin niya ang switch ng ilaw sa sala. Huli na ng mapagtanto niyang mali ang ginawa niyang iyon. Nang sumulpot ang liwanag ay siya ring pagtigil ng mga pagkatok. Lalo siyang kinabahan. Kung sinuman iyon, tiyak na alam na nitong mayroon talagang tao sa bahay nila dahil sa kanyang ginawa.

Tumahimik ang paligid. Tanging naririnig na lamang niya ay ang sarili habang humihigop ng hangin. Pinilit niyang hanggang maaari ay huwag gagawa ng ingay ang kanyang mga paa, kahit pa wala na ngang silbi iyon.

Inilinga-linga niya ang mga mata sa kabuuan ng sala. Kailangan niyang maging handa kaya kailangan niyang maghanap ng kahit anong bagay na maaaring ipandepensa sa sarili kung sakali. Dahil sa kawalan ng sapat na panahon para mag-isip at magdesisyon, nahagilap na lamang niya ang walis-tambo na nakatindig kasama ang dust pan malapit sa pintuan.

Nanginginig ang kaliwang kamay ni Aling Milagros na pinihit ang door knob, habang ang kanang kamay ay nanginginig rin at nakahandang ipanghampas ang walis. Dahan-dahan niyang binuksan ang lumalangitngit na pinto, at nang akmang ihahampas na niya ang walis ay—

Nabitawan niya ito.

Dahil tumambad sa kanya ang isang hindi pamilyar na ginang na magara ang suot, ngunit walang tigil sa tahimik na pagluha.

"I-ito po ba ang bahay ng mga Ramirez?"

Gulat pa man at bago pa lang nakakabawi sa bugso ng mga pangyayari, sinikap ni Aling Milagros na sumagot sa ginang. " Ito nga ho. Sino po ba sila at gabing-gabi na kayo? Ano ho bang kailangan ninyong hindi na puwedeng ipagpabukas?" Dahil nga sa nagkahalo-halong emosyon ay hindi na napili pa ni Aling Milagros ang tamang mga salitang sasabihin sa kanyang hindi inaasahang bisita.

"P-pasensya na po. Matagal ko na po kayong hinahanap," paliwanag ng babae. Humugot ito ng isang malalim na hininga para pigilin ang pag-iyak, saka nagpakilala.

"A-ako po. Ako po ang tunay na ina ni—

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now