27-Dumudurog sa Puso

820 25 2
                                    


NAGISING si Ella sa hindi pamilyar na lugar. Pagmulat ng kanyang mga mata, nasilayan niya ang isang puting kisame. Sinubukan niyang ipilig ang ulo ngunit halos puro puti ang nakikita niya at halos wala ring mga gamit na naroon. Nakaramdam siya ng sakit ng ulo nang sinubukan niyang bumangon. Ngunit 'di niya 'yon ininda.

Aalis na sana siya sa puting kama ngunit nang akmang tatayo na siya ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Nanghihina pa rin ang kanyang katawan. Nawalan siya ng balanse kaya't napatimbuwal muli siya sa higaan. Nagulat si Ella sa biglaang pagpasok ng isang binata sa kuwarto. Bakas sa mukha nito ang galak. Si Marco.

"Prinsesa...kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. Ngunit sa halip na sagutin iyon ay isang tanong din ang ibinalik ni Ella.

"N-nasaan ako?"

"Nandito ka sa apartment ko."

"Ano?" bulalas ni Ella. "Kailangan ko nang umalis! Sina Aling Milagros. Si Joseph! Kailangan ko silang iligtas! Sasaktan sila ni Ama!" Pinilit ni Ella na tumayo gayunman ay talagang bumabagsak siya. Gaano man niya gustuhing lisanin ang lugar na iyon ay sinasalungat naman siya ng kanyang pisikal na katawan.

"Ella, huminahon ka! Kailangan mong magpahinga para bumalik ang lakas mo," pagpipigil sa kanya ni Damarkus.

"Pero paano sila? Hindi puwedeng-

"Ella! Huwag kang mag-alala,napigilan ko si Haring Lucifero sa balak niya,"pagpapakalma ni Marco. "Nasa ospital sila ngayon. Ngunit ligtas na sila."

Nanghilakbot si Ella sa narinig. "Si Joseph! Nakita na niya ang tunay kong anyo. Alam na niya kung ano ako! Kailangan kong magpaliwanag. Kailangan-

"Ella, huminahon ka. Oo, alam na ni Joseph ang buong katotohanan. Tungkol sa'yo. Tungkol sa atin. Sinabi ko na sa kanya ang lahat-lahat ng nalalaman ko. Pero mas makabubuti kung hindi muna kayo magkikita. Ang kailangan mong gawin ay magpahinga. Magpalakas. Para sa kanila."

"Marco, hindi mo naiin-

Magmamatigas pa sana si Ella sa kahuli-hulihang pagkakataon ngunit wala na siyang nagawa nang masukol na siya ng binatang diyablo ng mga bisig nito.Lumapat ang kanyang mukha sa matipunong dibdib nito. Wala na siyang nagawa kundi ipikit na lamang ang kanyang mga mata. At sa pagpikit na iyon, nagsimula nang madiligan ng kanyang mga luha ang manipis na sandong tumatakip sa dibdib ni Marco.

Hindi iyon pinansin ng binatang diyablo at lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Ella, pinipigil din lamang nito ang mga marahas na paghikbing pilit kumakawala sa mukha ng binata. Habang naglalakbay sa isipan ni Marco ang pinakamasakit na kaisipan: 'Kung ako na lang sana ang pinili mo, hindi mo na kinakailangan pang umalis ng impyerno. Kung ako na lang sana ang minahal mo, hindi ka na sana nasasaktan nang ganito. Kung puwede nga lang. Sana ako na lang. Sana ako na lang ang minahal mo.'

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now