Prologo-Ang Impyerno

5.9K 154 5
                                    

UMAALINGAWNGAW ang nakabibinging pagmamakaawa at pananangis ng mga kaluluwa habang unti-unti silang nilalamon ng nagbabagang apoy ng impyerno. Mistulan silang mga bilasang isda na piniprito sa maladagat na kumukulong mantika. Wala itong pakialam sa kanilang pagsusumamo habang unti-unti sa kanilang ipinaparamdam ang walang hanggang sakit na siyang dumudurog sa kanilang mga makasalanan.

Iyon lamang ang kanilang nakakayang gawin sa pagtanggap sa kanilang kaparusahan. Ang ibang hindi makayanan ay basta na lamang naglalaho. Ganoon kalupit ang nararanasang pagdurusa ng mga kaluluwang napupunta sa bahaging iyon ng impyerno, ang Kawala. Doon napupunta ang mga taong may malalaking pagkakasala gaya ng murder, corruption, at pangangalunya.

Sa kabilang panig naman matatagpuan ang Kawakas. Doon napupunta ang mga taong hindi gaano kabigatan ang kasalanan gaya ng panibugho, tsismis, at panonood ng porn movies. Doon ay walang humpay silang magtatrabaho para sa kanilang panginoon.

Ang sinumang mapagod at sumuko ay makakatikim ng humahagupit na latigo mula sa mga Lakaw, ang mga demonyong kawal na may mga hawak na higanteng tinidor. Walang sinuman ang sa kanila ang makapagrereklamo at pakikinggan.

Sa itaas na bahagi ng Kawakas ay nakahugis ang isang silyang gawa sa nagbabagang apoy at inornamentuhan ng mga bungo at mata ng mga diyablo. Mula roon ay maririnig ang malakas na paghalakhak ng isang nakakatakot na nilalang habang pinapanood ang eksena sa kanyang ibaba. Gwapo naman ang mukha nito, at matipuno ang kanyang pangangatawan, tulad ng mga kalalakihang pinapantasya ng mga babae at nagpapakababae sa daigdig. Lumilitaw ang magandang kalamnan nito sa tiyan at prominente ang matitigas nitong dibdib.

Ngunit maglaway pa kaya sila rito kung malaman nilang naaagnas ang namumula nitong balat, at mayroon itong sungay at buntot gaya ng isang kalabaw? Siya ang kanilang kinikilalang panginoon, Si Lucifero.  "Sige pa! Iparamdam n'yo sa kanila ang 'sarap' nang mapadpad dito sa aking kaharian!" Sinundan pa iyon ng kanyang mga paghagulhol dahil sa kaligayahan.

Ngunit sa gitna ng pagdiriwang ng mga sakim na demonyo, isang matapang na tinig ang nagpatigil sa kanila. Ang tinig na nagbigay ng pag-asa sa mga nauupos na kaluluwa.

"Tama na!"


**

Nagustuhan n'yo po ba ang simula ng ating kuwento? 'Wag n'yo pong kalilimutang mag-vote bago dumiretso sa susunod na kabanata! Thank you!

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now