36-Kapatid

756 22 5
                                    

A/N: Hello, reader(s)! Haha. May bago tayong karakter. May bisita. Hahaha. May nakikiepal na naman. Salubungin natin siya ng mga higanteng tinidor! Hahaha. Kakampi ba siya o kaaway? Ewan. Hahaha. Enjoy! Maraming salamat pa rin sa lahat ng mga nagbabasa ng Inferno's Heiress! Love you all! :-)

***

PAGBALIK ni Damarkus sa impyerno ay sinalubong agad siya ng mga sandata ng mga Lakaw. Itinutok ng mga ito sa kanyang mukha at katawan ang dala ng mga itong higanteng tinidor. May mga nakaamba na rin sa kanyang mga latigo ng mga ito. Nakapalibot na rin ang mga ito sa kanya na talagang wala siyang malulusutan. 'Yong tipong isang maling kilos lamang niya ay tagpas na ang kanyang leeg at sungay. Akmang susugod na ang mga ito sa kanya nang marinig niya ang isang boses na nagpatigil sa mga ito. Maya-maya'y nagbigay daan ang mga ito sa nagsalita at lumapit 'yon kay Damarkus.

"Magsitigil kayo! "Ano't lumipas lamang ang maikling panahon ay hindi n'yo na agad nakilala ang Kalihim ng ating Hari?"

"Patawad, Heneral."

"Sige, iwan n'yo muna kami!" Tumalima naman ang mga Lakaw matapos magbigay-galang sa kanila.

"Dayab..."

Si Dayab.

Ang punong-heneral ng mga Lakaw at siya ring punong-tagapangasiwa ng Kawakas. Isang makisig na diyablo, higit na mas matangkad kaysa kay Damarkus. Pareho silang iisa lamang ang sungay na matatagpuan sa gitna ng noo-pagkat iisa lamang ang kanilang pinanggalingan. Kung sa patakaran ng mga mortal, matatawag silang magkapatid.

Subalit noon pa man ay karibal na niya ito sa halos lahat ng bagay. Sa pakikipagtunggali, Sa kakayahang gumamit at bumasa ng mga engkantasyon sa Aklatan-at sa pag-ibig ni Devila...noon. Ngunit lalong tumindi ang namamagitang 'lamig' sa pagitan nila nang siya ang gawing Kalihim ni Lucifero at hindi ito. Gayong mas maituturing na nakalalamang ito sa kanya sa aspeto ng pakikipagtunggali, at halos sanggang-dikit din ito kay Lucifero. Dahil sa mas magaling siyang gumamit ng engkantasyon kumpara rito kaya siya ang inatasan ni Lucifero na maging kanang-kamay nito.

Alam niyang noonpaman ay mataas na ang paghahangad ni Dayab sa Katungkulan at Kapangyarihan. Kaya halos umikot ang buntot nito sa galak nang iatas ni Lucifero ang pansamantalang pamumuno sa buong impyerno habang nasa mortal na mundo sila.

"Damarkus..." Sinipat siya nito ng tingin mula paa hanggang ulo saka ngumisi. Ng mayroong panghahamak. "Aaminin ko, halos hindi nga rin kita nakilala. Masarap ba talaga ang pagkain sa mundo ng mga mortal? Parang...tumataba ka yata," palasak nito. Kung may dugo nga lamang ang wangis-diyablo niya ay tiyak na tumaas na rin ito. Pinakalma na lamang niya ang sarili.

"At ang sungay mo...pumupurol na yata."

Oo, aminado naman siya. Ipinagtataka rin ni Damarkus kung bakit halos nawawala na ang tulis ng kanyang nag-iisang sungay. At pansin niya ring mas umikli ito kumpara sa dati. Ngunit 'di na lamang niya ito pinansin.

Hindi na siya umimik at akmang iiwas na ngunit napigilan siya ni Dayab. "At saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap!" Naharangan siya nito ng sibat ngunit ibinaba rin nito agad. "Ano't bigla ka na lamang sumulpot dito? At bakit hindi mo kasama ang Panginoon?"

Base sa malalagkit na titig at tono ng pananalita nito, hindi maitatanggi kay Dayab ang pagdududa sa kanya. Gayunpaman ay panatag siya. Nahinuha niyang wala pa itong alam sa ginawa niyang pagtataksil kay Lucifero. Samakatuwid, hindi pa nga nakakabalik ang Hari sa impyerno matapos ang ginawa niyang ingkantasyon dito nang magharap-harap sila.

Kung ganoon ay may panahon pa siya para maisakatuparan ang pakay. Ngunit hindi pa rin siya dapat makampante at dapat pa rin siyang mag-ingat sa mga kilos niya. Lalo na kay Dayab. "Abala siya sa paghahanap kay Ell-kay Devila." Napahinto siya dahil muntik na niyang masabi ang pangalan nito. "At may mahalaga siyang ipinagagawa sa akin dito."

"At ano 'yon?"

"Wala ka nang pakialam do'n!" singhal ni Damarkus. "Kaya kung puwede, umalis ka na sa daraanan ko? Hindi ako dapat nag-aaksaya ng panahon."

Pinagbigyan siya nitong makaalis. Mukhang kahit papaano'y kinagat nito ang pagpapanggap niya. Hindi pa siya masyadong nakakalayo ay lumingon muli siya. Nakita niya pa rin doon si Dayab na nakatayo at hindi pa rin umaalis sa puwesto nito. Inihahatid pa siya talaga nito ng pupuntahan. Sinisigurado kung nagsasabi talaga siya nang totoo. Malalim ang mga titig nito.

Kailangan niyang magmadali.

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now