34-Pagbabanta

753 30 6
                                    


ABALA si Aling Milagros sa pagliligpit ng mga gamit nang makarinig siya ng mga katok sa pintuan. Inutusan niya si David na tingnan kung sino iyon dahil abala siya sa pagpupunas ng mga nabasang gamit dahil sa tumulong ulan mula sa butas nilang bubong. Ipinagtaka pa nga niya kung sino ang maaaring bumisita sa kanila gayong halos katitigil pa lang ng ulan.

"David, tingnan mo nga kung sino 'yon. Baka nandyan na ang Kuya mo."

Tumalima naman ang bata. Ngunit pagbukas nito sa pintuan ay hindi inaasahang tao ang iniluwa niyon. Hindi si Joseph. At lalong hindi si Ella.

"David!" pagsunggab nito sa bata sabay yakap. Dahil sa ibang boses na narinig, itinigil ni Aling Milagros ang ginagawa at nagtungo sa sala. At gaya ng anak ay nagulat rin siya sa nadatnan.

"Katrina."

Kumalas ang dalaga sa pagkakayapos sa bata at hinarap si Aling Milagros. Nagulat pa nga si Katrina nang makitang naka-wheel chair ang ina ni Joseph. Lumapit siya rito at nagbeso. "My God, Nanay Milagros! What happened to you?"

"A, wala, naaksidente lang. Nadulas ako. Pero ayos lang naman ako," pagsisinungaling ng matanda. Ngunit gaya ng inaasahan kay Katrina, hindi niya ito kinagat.

"Talaga, o baka nabiktima ka rin ni Ella?" pasaring ni Katrina. Buti nga lamang at nakapgtimpi si Aling Milagros at 'di na 'yon pinatulan pa. "E, nasaan po pala si Ella? Si Joseph, nasaan? Ilang araw na din silang hindi pumapasok."

"Wala sila rito ngayon...magkasama sila," sinadyang bigyang diin ni Aling Milagros ang mga huling katagang 'yon para makaganti kay Katrina. At mukhang nagtagumpay naman siya dahil nag-usok ang ilong at tenga nito dahil sa pagkainis sa narinig. Ni hindi ito makapagsalita pagkarinig niyon.

"David, anak...ikuha mo ng maiinom ang ate Katrina mo," utos ni Aling Milagros. Ngunit ang pangunahing layunin talaga niyon ay paalisin ang anak doon.

"Ano ba talagang sadya mo rito, Katrina? Pareho nating alam na hindi ka basta-basta susulpot dito kung basta bibisita ka lang," diretsahang tanong ni Aling Milagros.

"Nandito ako para hingin ang kamay ni Joseph. Magpapakasal na kami."

Hindi alam ni Aling Milagros kung maiinis o matatawa siya sa mga pinagsasabi ng dalaga. Seryoso si Katrina pero sa sinabi nito'y para itong napakawalang kuwentang biro. Napakasamang biro.

"Anong sabi mo? Nagpapatawa ka ba talaga, Katrina? Nababaliw ka na yata talaga."

Ngunit sa halip na magalit ay ngumisi pa si Katrina na parang nang-aasar." Baka nga baliw na ako. But I will not stop doing everything I can hangga't di ko nababawi ang anak n'yo."

"Katrina, please...maawa ka sa sarili mo. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa anak ko dahil ayaw na niya sa'yo."

Umirap si Katrina. "At sino ang gusto niya? Ang hilaw mong pamangkin? Na isa palang demonyo?"

Kinabahan si Aling Milagros sa tinuran ni Katrina na baka may alam na si Katrina sa totoong katauhan ni Ella. Gayunman ay hindi siya nagpahalata.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo..."

Natawa-tawa pa nang pagak si Katrina. "So you will deny it, too? Alam ko na ang sikreto n'yo. Alam kong hindi mo totoong pamangkin ang babaeng 'yon. At alam ko ring pineke nyo lang ang mga papeles ni Ella-o kung sino man talaga siya. I can report you to the university for document falsifications. Anytime, puwede kang mapatalsik sa university or the worse...makulong ka."

Bagama't nambabanta si Katrina ay hindi nasindak si Aling Milagros. Kahit papaano'y naging panatag siya dahil baka nga wala pa talaga itong alam sa totoong pagkatao ni Ella. Pero akala niya lang pala 'yon. "At alam ko ring may tinatagong kababalaghan ang babaeng 'yon. At papatunayan ko sa lahat ng tao na totoo ang sinasabi ko!" hamon ni Katrina. "Maliban na lang..."

"Maliban na lang kung ano?"

Mula sa kanyang bag ay may dinukot na puting papel si Katrina at iniabot 'yon sa matanda. "Maliban na lang kung pipirmahan mo 'yan." At talagang nag-abot pa si Katrina ng ballpen kay Aling Milagros para hindi na ito mahirapan pa. "When you agree na ipakasal sa akin si Joseph, hindi ko na sisirain ang buhay n'yong lahat."

Sa isip ni Katrina ay nagdiriwang na siya. Naipit na niya ang matanda, at malaki ang tiwala niya sa sariling pipirma ito. Nakasisiguro siyang sa pagkakataong 'yon, sa kanya na ang tagumpay!

Pero akala niya lang pala 'yon.

Dahil sa mismong harapan niya-

Pinunit ni Aling Milagros ang papel saka ginasumot. Nanlaki pa nga ang mga mata niya nang itapon ito ng matanda sa may paanan niya. "Sa tingin mo ba, gano'n-gano'n ko na lang isusuko sa'yo si Joseph o si Ella? Puwedeng-puwede mong sirain ang buhay ko. Pagbantaan mo ako ng kung anu-ano. Hindi kita pipigilan. Pero hindi ako baliw na papayag na sirain ng katulad mo ang buhay ng anak ko. Kaya Katrina, kung ako sa'yo tumigil ka na. Makakaalis ka na, Katrina."

Umuusok na nga ang ilong at tenga ni Katrina dahil sa ginawa ng matanda. Namumula na ito dahil nagngingitngit sa galit. Nasisiraan na nga yata talaga sa ulo si Katrina at nakuha pa nitong duruin ang ina ni Joseph. Gayunman ay nanatili pa ring matapang si Aling Milagros. "H-hindi pa ako tapos! Hindi ako papayag nang ganito!"

Siyang pag-alis ni Katrina ay sakto namang paglabas ni David mula sa kusina. Dala nito ang isang tray na may dalawang baso ng juice. Gumawa pa nga ito ng sandwich para sa dalaga. Walang kaalam-alam na nagtanong si David. "Mama, nasaan na po si ate Katrina?"

"Umalis na, e."

"E, paano po ito?"

Ngumiti na lang si Aling Milagros. "Ikaw lang din naman ang naghanda niyan, ikaw na lang ang kumain."

Napasuntok sa hangin si David. "Yes! Ayos!"

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now