Chapter 55- Let's Start

319 9 7
                                    

Lessie's P.O.V

Nakahiga kami ngayon ni Gray sa kama nya at nasa mga bisig nya ako ngayon. Sarap sa pakiramdam na ganito lang kami lagi. 'Yung  bang  walang problemang dinadala ba?

Kasi, sino naman bang  gusto ng problema diba? Pero kung lagi lang tayong masaya, hindi natin magagawan ng reflection ang mga bagay-bagay na dumaraan sa ating buhay.

Hindi natin maikukumpara na ganito pala kapag malungkot kaysa masaya. Ang lahat ng bagay na dumaraan sa buhay natin ay may ambag sa atin, may purpose kung bakit sila bigla-biglang pumapasok at lumalabas.

Tinututuran tayo nyan kung paano maging matatag, sinusukat kung hanggang saan mo kayang dalhin ito at higit sa lahat kung kailan mo ito mareresolbahan.

Binibigyang importansya neto kung gaano nga ba kahalaga ang mabuhay. Ang maging masaya at kung paano nga ba natin dapat dalhin ang problemang ito. Huwag tayong sumuko, sa halip ay harapin natin ito na may takot sa Diyos.

"Okay kana ba talaga?" Pang sampung tanong ko sa kanya na sobrang naiinis na syang sagutin.

"I'm fine, nakakailang ulit kana Lessie, hmmm.." inis na sabi nya.

Hinaplos ko ang pisngi nyang sobrang lambot. Napatingin naman sya sa akin. Kinikilig ba sya sa mga hawak ko? Nakakataba naman ng puso.

"Nanlalamabing ka ba? HAHAHAHA" tumatawang sabi nya kaya agad ko naman inalis 'yung kamay ko sa mukha nya. Kainis!

"In your face! Kainis ka!" Sigaw ko sa kanya sabay palo sa dibdib nya.

"Sorry na nga." Paglalambing nya.

"Alam mo, ikaw hindi na kita kilala. Paiba-iba ka ng mood swing Gray! Kainis ka!" Inis na sabi ko.

"Sorry na nga. HAHAHAHA" tumatawa pa ang Demon.

"Sapakin kita dyan, eh." Nagpa cute naman sya sa akin. Kainis!

"Sorry about my Dad."

Biglang nagiba ang ihip ng panahon.  Talagang hindi maiiwasan na maging masaya. Pinilit kong huwag namin 'to mapag-usapan pero nagkamali ako.

At ang nakakapagtaka ay gising sya? Gising sya at narinig nya lahat ng iyon? I'm so grrrr. Lamunin na ako ng lupa now!

"Are you awake?"

Nabibiglang tanong ko. Tumango naman sya but why? Bakit nagising sya sa ganoon pagkakataon? Sobrang nakakahiya.

"Yes, and I heard everything. Sorry." Tsaka sya yumuko.

"Why are you sorry?" Tanong ko sa kanya.

"Because, I couldn't protect you. I couldn't protect you to my Father. I did nothing."

Iniharap ko ang mukha nya para magtama ang mukha namin. Hindi ako nagagalit sa kanya at alam kong may rason kung bakit nya ginawa 'yun.

Ngayon ko natututuhan na makilala ang isang Gray Wattson. Ang dami nyang sekreto sa buhay at mas inuuna nya ang iba kaysa sa kanya at sobrang nakakalungkot 'yun.

"No. I know you had your reasons. Okay lang naman ako eh. Tanggap ko 'yung sinabi ng Ama mo and totoo naman talaga iyon. Na hindi tayo pwede, na ikakasira mo lang ako."

Unti-unti ng pumapatak 'yung luha sa mga mata ko at bigla-bigla na lang ulit bumalik 'yung sakit. Nakikita ko sa mga mata nyang nahihirapan sya sa kung anong meron kami ngayon, mahirap talaga. Sobrang hirap.

"Shhhh... Don't say that. No matter what happens I will choose you. I will choose you over the Mafia, over my Father and over everything. Cause you're my life Lessie and please don't leave me again."

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now