CHAPTER 10-Bloody Month

2.7K 96 5
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!



LESSIE MAY'S P.O.V

Katabi ko ngayon sa upuan si Gray at sa kaliwa ko naman si Clark, kaharap naman namin ngayon sina Darcy, Jerri, Martha and katabi ni Martha si Andrey.  Si Kiah naman nakatayo sa right side ni Gray.

''Oh? Ikaw saan ka naman pupunta?'' maarteng tanong sa kanya ni Martha.

''Kakain dito'' Maarte ring sagot neto.

''Ops.. Baka inaakala mong pagbubuhatan ka pa ng upuan ni Gray?'' taray ni Martha kay Kiah.

''Hindi ah.'' Sigaw neto.

''Itong--'' tatayo na sana si Martha, pero napigilan sya ni Gray.

''Stop it, Martha!'' may halong command na sabi neto.

''Sorry.'' hingi nya ng paumanhin.

''Just eat!'' dagdag pa neto.

Buti na lang ako tahimik ditong kumakain. Maya-maya pa ay nandyan  na si Kiah. Inilapit nya yung upuan nya kay Gray na sobrang lapit na.

Tumayo naman si Gray at INILAPIT DIN YUNG UPUAN NYA SA UPUAN KO! Kaya tuloy hindi ako makagalaw ng maayos dahil matatamaan ko yung kamay nya. Hindi naman pu-pwedeng lumapit ako kay Clark, dahil wala na syang lamesang pagkakaininan pa.

Sobrang siksikan na kasi kami rito ngayong. Dapat anim na tao lang naman kasi ang kasya dito, hindi walong tao! Nasisikipan na tuloy ako, lalo na't katabi ko pa ngayon si Gray, kaya talagang no move ako ngayon.

''Lessie, try mo 'tong Ampalaya kainin. Masarap to' at pampadagdag nf dugo pa ito.'' si Clark. Sabay abot ng Ampalaya sa Food Box ko.

''Ah?'' naiilang na sabe ko.

A-ano bang gagawin ko? Eh? Bawal  ako neto? Pagkinain ko to ngayon, patay na naman ako neto. Bubuhatin na naman ako ni Gray at dadalhin sa bahay, tsaka ron na ako mamatay. Char. Assuming lang teh'?

Ano ng gagawin ko?

Mabilis naman  :yung kinuha ni Gray at inilagay sa plato nya at tsaka kinain. Wow, talaga?

MY SAVIOUR?

SUPPER MAN LANG?

Lagi nya na lang akong inililigtas.

Gulat namang napatingin sila sa akin.

''Gray, bakit mo kinain?'' Tanong ni Clark.

''Alergy kasi sya dyan.'' Seryosong sagot nya habang ngumunguyang nakatingin sa akin. Gray ano na bang nangyayari sayo?

Hindi na kita maintindihan. Matagal bago may nagsalita sa amin.

''Oh my God, Lessie. Bakit hindi mo sinabing Alergy ka dyan sa pagkaing yan? Hindi namin alam jusko, ipinakain pa tuloy namin  yun sayo, sorry talaga Lessie.'' Halatang-halata naman talaga sa kanya na sobra syang nagsisisi.

Tumayo pa nga sya ng upuan at lumapit sa akin  at tsaka niyayakap nya pa ako ngayon. Kaya hindi malabong masiko ko to' si Gray Wattson na katabi ko. Paghindi ka dyan tumigil Jerri, masisigawan kana netong katabi ko.

Tinitigan naman ako ni Gray Wattson na parang kakain na ng tao. Kailangan ko na syang patigilin, dahil kung hindi pareho kaming masisigawang dalawa.

''Ah, Jerri okay na. Okay na ako. Sige na,  balik kana sa upuan mo at kumain kana, baka pa malate pa tayo.'' nakangiting sabi ko sa kanya.

''Ah, okay, kain ka ng marami ah?'' nakangiting sabi nya.

Ashton Academy  School Of Mafia Onde as histórias ganham vida. Descobre agora