CHAPTER 27- Last Day

626 19 3
                                    

Warning: This Story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

GRAY'S P.O.V

Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa Dorm. Hindi ako mapakali kakaisip na meron  na lamang akong pitong araw para makasama sya at pagkatapos non iiwanan ko na sya. 'Yun yung hiling sa akin ng Lolo nya , ang tulungan syang makumbinsi si Lessie na umalis ng Ashton Academy.

After kong maligo ay agad akong nagbihis, pupuntahan ko pa sya sa dormitory ng mga Girls, sabay kasi kaming mag-be-breakfast. 

''Saan ba punta mo, Gray?'' tanong ni Clark. Di ko sya kinibo.

''Ang arte naman neto kay aga-aga.'' tiningnan ko lang sya sabay sabing,

''Kita na lang tayo sa Caferia.'' tsaka ako umalis. 

''Pupuntahan lang neto si Lessie eh.'' dinig kong sabi nya napangiti na lamang ako.

Pagdating ko ron sakto namang palabas na sila ng mga kaibigan nya. Agad naman akong lumapit sa kanila, tinukso naman sya ng mga kaibigan nya. Pabulong naman akong nagsabing ''Good Morning Babe'' sa kanya.

''Ayilelele Lessie. Ikaw ah, wala kang sabi sabi dyan na may something na pala sainyo ni Gray. '' kinikilig na sabi ni Jerri. Kiniliti pa sya neto sa bewang.

''Hoy, magsitigil nga kayo dyan, kay aga-aga issue agad kayo.'' naiinis na sabi nya.

''Tara na nga gutom na ako'' nakatingin sya sa akin at naunang naglakad. 

''Ang arte talaga neto!'' sigaw ni Darcy, lumingon sya sa amin at dinilaan kami.

''Pabebe.'' sabi ko. Tumawa naman sila ng marining nila yun.

Pagdating namin sa Cafeteria agad na kaming nag order at pumunta  sa table namin. Sakto namang nandoon na mga kaibigan ko. 

''Upo na kayo Ladies.'' nakangiting sabi ni Clark sabay lahad sa table. Kinikilig namang umupo si Jerri samantalang si Darcy parang wala lang.

''So, ano ng balita Gray? Kayo na ba?'' agad-agad na tanong ni Martha na ikinabulunan ni Lessie.

Pasimple na lang akong natuwa dahil sa reaction ni Lessie. Biglang tingin tuloy sa kanya lahat, ako naman kumain lang ako. Ang sabi nya kasi Private kaya Private.

''Oi Lessie, bakit nabulunan  dyan?'' tumatawang tanong ni Martha.

''Ewan ko nga, siguro dahil buhay pa tong Chicken na kinakain ko? '' tawanan naman lahat sa sinabi nya. Nagiging funny natong taong 'to.

''HAHAHAHA. Mapagbiro kana ngayon Lessie ah?'' sabi ni Clark. Tinanguan lang sya ni Lessie.

''Kumain na nga kayo, ang dami nyo pang issue.'' sabi ko sa kanila at tsaka kumain ng bread. Tiningan silang lahat sa akin.

''Wow? Iwas kayo ng iwas dyan eh.'' sabi ni Martha. Tiningnan ko sya ng masama.

''Oo na po, kakain na kami.''

After naming kumain ay inihatid ko na si Lessie sa klase nya. Hindi ko sya kaklase sa subj nya ngayon.

''Bye-bye na. Aral ka ng mabuti dyan. I love you.'' nakangiting sabi ko sa kanya.

''Ayoko nga. Sarap kayang matulog kaysa mag-aral. Sige na  I love you too.'' nakangiting sabi nya sa akin at tsaka ko sya hinalikan sa noo.

''Susunduin kita after Class nyo, hintayin mo ko.'' tumango lang sya.

Umalis na ako sa Building nya, naglakad na ako papuntang building ko. Pagdating ko sa klase ko nagsisimula na agad si Prof magturo, dere-deretso lang ako sa upuan ko.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now