Chapter 57- Choices

157 5 0
                                    

LESSIE'S P.O.V

"Ano nang balak mong gawin ngayon? Will you stay here na ba?" Pag-iiba naman ng topic ni Darcy, medyo kasi nagiging emosyonal ako kapag si Gray ang topic namin.

"Hindi ko pa kasi alam eh. Wala pa akong napapagdesisyonan. Di pa ako nagsasabi kay Lolo. Kasi, baka ayaw na rin ni Lolo rito. Alam ninyo na." Paliwanag ko sa kanila habang kinuha 'yung tubig na ibinigay sa akin ni Jerri at tsaka uminom.

"Ay ganon na? Kala ko are you staying for good na rito." Nalulungkot na sabi ni Jerri.

"Huwag ka mag-aalala mag-uusap pa kami ni Lolo. Pero alam ko naman na papayagan nya akong mag stay dito dahil sainyo." Nakangiting sabi ko, para naman nagkaroon ng liwanag sa mga pagmumukha nila.

"Hay, salamat naman kung ganon.  Kausapin mo na Lolo mo, para makapagpaalam kana."

Excited na tugon ni Jerri. Nakangiti naman ako sa kanila. Kahit na ganoon ang nangyari, tanggap pa rin nila ako. Nakaka touch naman.

"Oo, mamaya sabihan ko haha." Nakangiting sabi ko.

"Oi?  Pero kamusta naman kayo ni Gray Wattson ko dati?" Nakikiusyusong tanong ni Jerri na medyo kinikilig talaga sya. To'ng babaeng to nakapa Maritez.

"W-well. We're good naman. We're doing fine." Sagot ko tsaka uminom ulit ng tubig, mapaparami ata inom ko neto. Kinakabahan kasi ako! Nasa  Hot seat ata ako eh.

"Eh? Ganon ba?" Pagsisiguro nya.

"Oo nga." Sabay linga kay Darcy.
Sinasabi ko kay Darcy na pigilan mo na. Binibigyan ko sya ng sign.

"Kwento naman dyan oi!" Lumapit syang mabuti sa akin at kinukulit ako. Nakakainis na babaeng 'to.

" Jerri tama na 'yan. Napaka maritez mo naman e. Hayaan mo na sila." Sita sa kanya ni Darcy. Kakampi ko talaga to.

"Eh? Nagtatanog lang naman. Ang arti mo naman." Naiinis na sabi nya.

"Tumigil kana, arti mo" pagalit na sabi ni Darcy.

"Okay, fine!" Inis na sigaw nya tsaka padabog na humiga sa sofa. Nakapa arti talaga. Bumaling naman sa akin si Darcy.

"Simula nung mawala ka, mas lalong umaarti ang babaeng 'yan. Pagpasensyahan mo na lang. Alam mo na, papansin." Seryosong sabi nya tsaka naman napabaling sa kanya si Jerri at tinarayan sya, napatawa na lamang ako sa kanila.

"Ikaw Darcy, kahit ano-ano sinasabi mo riyan! Ika nga :tong maarti!" Sabay irap sa amin.

Nagkwentuhan kami ng nag kwentuhan, na miss namin ang bawat isa eh. Sarap sa feeling  na ganito kami palagi.


Gray's P.O.V.

After kong ihatid si Lessie sa dorm ng mga kaibigan nya ay agad na akong nagmaneho papuntang mansyon. Maguusap kami ni Dad at buo na rin ang desisyon ko. Mahigit isang oras ang biyahe tsaka ako nakarating. Agad akong sinalubong ni Mr. Brocke at pinagbuksan ng pinto.

"Magandang Umaga, Mr. Wattson." Bati nya sa akin tsaka nag bow.

"Magandang Umaga naman. Where's my Dad?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Nasa study room sya, pero sigurado na ba kayo sa desisyon nyo? Hindi  ko na ba talaga  kayo mapipigilan?" Nag-aalalang sabi nya. Lumapit ako sa kanya at tinapik sya sa balikat sabay sabing,

"I've done enough. It's time for me to create my own future." Nakangiting sabi ko sa kanya, napababa naman ang tingin nya.

"Paano na ako Young Master? Iiwan mo na ba ako?" Nalulungkot na sabi nya.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now