Chapter 41- Worth

440 18 13
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

1 week later

Lessie's P.O.V

Sa loob ng isang linggo ko rito sa mansyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang matulog, matulala, mag-isip at masaktan. Hanggang ngayon laman pa rin sya ng puso ko, kaya't nasasaktan ako ngayon na iniwan ko syang mag-isa.

Mali yata ang desisyon ko pero, nandito na'to at wala na akong magagawa pa ron. There's no turning back. Miss na miss ko na si Gray Wattson. Kamusta na kaya sya ngayon? Okay lang ba sya? Kumakain ba sya sa tamang oras? Masaya ba sya ngayon? Shit!

I missed him so much that I felt I would die. Sana nasa mabuting kalagayan sya ngayon, sana hindi nya pinapahirapan ang sarili nya, sana hindi sya umi-iyak ngayon kasi hindi ko kaya. Gusto ko syang puntahan pero, hindi ko kaya.

This is my choice and I will stick to this. Wala akong communication sa kanilang lahat. Sa limang buwan ko sa Ashton Academy ay hindi ko man lang nakuha 'yung number nila Jerri. Kainis nman!

Ang may number lang ako kay Gray. Simula ng umalis ako ng Ashton Academ, palagi akong tinatawag at itinetext ni Gray at hindi ko naman 'yun nirereplyan at sinasagot.

Nasasaktan ako para sa kanya, alam kong sobrang hirap ang pinagdanan namin ngayon. Para kaming pinapahirapan sa kasalanang walang katumbas na patawad. Sa ngayon, hindi na sya nagtetext sa akin, siguro maayos na ang kalagayan nya ngayon.

Hanggad ko na maayos na ang kalagayan nya ngayon at masaya sa feeling ng iba, sa ex nya. Owts lang.

Bakit hindi na lang kasi ako eh? Ano pa bang kulang sa akin? Marunong naman akong mag-alaga at magmahal ah? Pero, bakit nakukulugan pa sya sa akin?

Nakatulala ako ngayon sa kawalan habang nandito sa balkonahe ng kwarto ko. Sarap ng dampi ng hangin sa balat ko, at magandang tinginan ang mga bituin na kumikinang sa langit. Simula ng sinabi ko kay Lolo na wala na kami ni Gray ay hindi nya na binanggit pa ang pangalang Gray.

Siguro alam nya naman kung bakit mas pinili kong umalis na lang ng Ashton Academy, kahit na labag ito sa kalooban ko, para maka move on. Pero hindi ko pa rin alam kung tama ba 'tong desisyon ko, effective ba 'to?

Para kasing maloloka na ako kakaisip kung ano ng kalagayan nya ngayon. Parang mas gusto ko na lang na makita syang sinasaktan ako kaysa nandito ako at nagtatago. Mababaliw na talaga ako ngayon dahil hindi ko na sya nakikita! Nakakabaliw talaga nga naman ang pag-ibig.

Kamusta na nga kaya ngayon sina Jerri, Darcy at maging sina Clark? Okay lang kaya sila? Paniguradong grabe 'yung umiyak na dalawa dahil iniwan ko sila, nawalan sila ng best friend.

Yung best friend nilang sobrang ang purok-purok ay nandito tinatakasan ang problema, 'yung sakit. Sana naman naiintindihan nila ako sa naging desisyon ko, paniguradong grabe ang tampo nila sa akin.

Can't wait to see them, pero paano? Hindi na ako babalik doon at wala ng rason pa para bumalik doon. Maya-maya lang may kumatok sa pintuan ko.

"Bakit?" Sigaw na tanong ko. Malayo ang pintuan sa balkonahe ng kwarto ko.

"Kakain na daw po kayo,Ma'am." Sabi ng katulong.

"Sabihin mo wala akong gana." Sigaw ko sa kanya.

"Sige ho."

Isang linggo na rin akong hindi kumain at nagmumukmok lang sa kwarto ko. Wala ibang ginawa kundi ang tingnan ng tingnan kung anong nasa kwarto ko at i-familiarized ito. Maging nga 'yung gagamba sa kisame, kilala ko na.

Ashton Academy  School Of Mafia Onde as histórias ganham vida. Descobre agora