CHAPTER 21- Meeting Lucas

2K 78 27
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie's P.O.V

Naramdaman ko na lang na may humihimas ng pisngi ko at may mukhang inaamoy ang batok ko. Agad akong napakurap sa sobrang nerbyos at iniiwas ang katawan ko sa kanya. Hindi malabong hinihipuan nya na ako. Sa sobrang katarantahan ay minura ko sya.

Tumawa lang 'yung lalaki at may pagnanasang tinitingnan ako. Lumayo naman sya ng konti sa akin. Gray, please help me. Parang gusto kong umiyak ngayon sa sobrang nerbyos ko.  Hindi dahil sa ayaw kong makipagrambulan sa kanila, kundi dahil baka mawalan ako ng virginity. Baka gahasain nya ako, doon ang sobrang natatakot. Hindi pwede to.

Habang sobra ang kabang nararamdaman ko ngayon ay pasimple kong tinitingnan ang palagid. Sana isang kwarto kang sobrang ang lawak at kami lamang dalawa ang naririto, kaya hindi malabo ang iniisip ko. Wala syang suot na damit at tanging pants lang ang suot nya.

Ang dami nyang tattoos sa katawan, kaya sobra akong natatakot sa kanya. Parang gusto kong sumigaw ngayon at humingi ng tulong, pero walang lumalabas na boses sa lalamunan ko dahil sa sobrang kaba. Nakatali ako ngayon sa isang upang kahoy habang umiikot ikot sya sa gilid ko. Naninigas ang katawan ko at isa lang ang laman ng isip ko ngayon.

''Gray, Please help me. I'm so scared!'' sabi ko sa isip ko at bigla na lang may luhang pumatak sa pisngi ko. Naamoy ko pa, na amoy alak ako. Pero ang hindi ko alam ay kung bakit napunta ako dito? Paanong at bakit? Alam kong mahigpit na mahigpit ang seguridad sa Ashton Academy, pero papaano nga ba?

Napasinghap na lang ako ng halikan nya ako sa batok, biglang nanigas ang buo kong katawan. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kaya to, ito ang ikamamatay ko sa lahat. Nagpumiglas ako sa pagkakahalik pero, babae ako at wala akong laban sa kanya, lalo't pa't nakatali ang mga kamay at paa ko.

Ramdam ko pa rin ang konting hilo dahil sa nainom ko. Patuloy na bumubuhos ang luha sa mga mata ko at hindi ito mapiligan. Hindi nya pa rin ako tinatantanan ng paghalik sa leeg ko kahit na sobrang nagpupumiglas na ako. Natigil ang pagpupumiglas ng may naramdaman akong matulis sa bewang ko.  Mas bumuhos pa ang mga luha ko.

''Lord, ito na ho ba ang katapusan ko? Please Lord, hindi naman ho sa ganitong paraan. Hindi ho matatahimik ang kaluluwa ko Lord.'' patawarin nyo na ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko, iligtas nyo lang  ako dito.

''Ang bango mo, sobra.'' itinigil nya ang paghalik at inaamoy amoy nya na ngayon ang leeg ko at hinihipo nya ang likod ko. Napapakurap na lang ako.

''Ano bang gusto mo?''  Galit na sigaw ko sa kanya.

Sa wakas nakapagsalita na rin ako, unti-unti na ring nawawala ang nerbyos ko dahil lumayo sya sa akin at nakaluhod na tinitigan ako. Ngumiti lang sya sa akin na para bang sobra syang naaakit sa akin.

''Fu*k!'' mura ko.

''Alam mo ang gusto ko at huwag mo ng itanong pa. Ikaw yun.'' seryoso at deretsong nakatingin sa akin. Di ako makapagsalita ngayon, dahil parang gusto kong matawa.

''WHAHAHAHAHA''. tawa ko.

''Seryoso ka?'' nang-aasar na sabi ko. Unti-unti na ring nawawala ang kaba ko.

''Mukha ba akong nagbibiro?'' seryosong sabi nya.

''Paano kung, OO?''. Pang-iinis ko.

''Di na kita ibibigay pa sa kanya.'' seryosong sabi nya at doon lang ako tinamaan. Alam ko ang sinasabi nya.

''Hindi lang ito ang unang beses na nagkita tayo Lessie May Addison.'' seryosong sabi nya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

''Hindi ko matandaan.'' sagot ko.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now