Chapter 63- Eye opener

94 2 0
                                    

Lessie's P.O.V

Umiwas na lang ako sa mga tanong nila sa aming dalawa. Naiilang kasi talaga ako sa mga ganyan. Napansin naman nila 'yun at huminto na rin sila sa wakas sa pag-interview.

Dumating naman sina Drey at Clark dala-dala 'yung mga pagkain namin. Kinuha naman ni Gray 'yung para sa akin at tumili na naman si Jerri. Tong' babaeng to e.

"Sweet nyo pu!" Parang kinikiliting batang  sabi nya habang sinusuway na naman sya ni Darcy. Si Darcy talaga e.

"Love birds na'to nakakainggit naman. Paranas naman Martha." Kunwaring na-iinggit na sabi ni Drey habang nagpapakyut lay Martha.

"Tsss. Mukha mo!" Sigaw neto kay Drey.

"Grabe ka naman Martha kay Drey. Ganyan ba magjowa?" Si Clark habang kunware medyo disappointed.

"Alagaan mo naman si Drey Martha. Palagi mong inaaway e. Kapag 'yan humanap ng iba, iiyak ka talaga." Nangbibirong dagdag ni Clark. Tumawa naman si Drey.

"Ay, Aba oo talaga. Kapag nakahanap ako ng chixs dyan, HU U, ka sa akin!" Nang-awsar na sabi Ni Drey habang umiinom ng Juice.

Binato naman sya ni Martha nung tinidor pero agad nya namang nasalo. Brutal talaga tong' mga Mafia na to' e. Mga expert e, nasalo ba naman 'yung tinidor habang kumakain. Hys.

Kung sa akin 'yan nasaksak na 'yan sa mukha ko. Nabigla naman lahat sa ginawa nya. Napasinghap na lang sina Jerri at Darcy. Hindi kasi sila sanay. Ako? Sanay na ako, Mafia Boss ba naman jowa, ewan ko lang kung hindi ako masanay dyan.

"Shit." Inis na sambit ni Drey habang ibinababa 'yung baso na may lamang juice.

"Do you want to kill me?" Inis na sabi neto.

"Gusto mo ba?" Palaban na sabi neto.

"K." Tsaka ito tumayo at umalis na lang.

Bigla kasing nag-iba ang ihip ng hangin sa mesa namin. Hindi naman kasi namin ine-expect na ganon 'yung gagawin nya. Kawawa to' si Drey kapag naging mag-asawa sila. Patay to' kay Martha. Medyo brutal naman kasi si Martha e.

'Yung jowa mo ba naman ay batuhin ka ng tinidor deretso sa mukha? Susss. Break agad 'yan para sakin.  Panatingin naman ako kay Gray. Subukan mo lang gawin 'yun sa akin Gray at iiwanan kita!

"MARTHA!" galit na sigaw ni Gray sa kanya.

"ANO?" Inis na sagot neto.

"Kung ganon lang rin naman ang gagawin mo sa kaibigan ko, buti pa mag break na kayo!" Galit na sigaw neto sa kanya. Nabigla naman si Martha sa sinabe ni Gray.

"Oh? Men? Look whose talking here Gray? At nakikialam ka pa talaga sa aming dalawa? Hindi mo ba alam na 'yang si Lessie ang ipinili mo over us? Kami ang mas nauna sayo Gray, pero bakit sya 'yung gusto mong piliin kaysa sa amin? Putang ina lang Gray!" Galit na sigaw neto.

Nabigla naman ako sa sinabe nya. Hindi ko akalaing magiging ganito 'yung topic sa lamesang eto. Napapayuko na lang habang kinukurot 'yung daliri ko. Shit.

"Shut up, Martha!" Sigaw ni Gray.

"Enough this Martha, nandito si Lessie. Mag-usap kayo in Private!" Galit din na sabi ni Clark.

"EDI wow! Bakit hindi na lang dito? Baka sakaling maintindihan nya kung anong buhay ang papasukin mo, ah Gray? Hindi mo naman kasi sinabe sa kanya e. Hulaan ko ang sinabe mo lang ay magiging okay lang kayo? May makakalaban lang pero kaya? Hell no! Alam mo at alam natin ang mangyayari sayo kapag timagilid kana sa Mafia." Seryosong-seryoso sabi nya.

Hindi ko alam 'yung pinagsasabe nya. Wala akong ideya. Bakit may dapat pa ba akong malaman? Bukod sa mga pinagsasabi sa akin ni Gray? Kasinungalingan ba lahat ng 'yun? Napatingin ako sa kanya at sobra syang galit na galit ngayon. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Naguguluhan ako, naguguilty ako at nasasaktan ako ngayon!

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now