Chapter 48- Still In love with my Ex

418 15 0
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie’s P.O.V

Nagising ako sa sigaw ni Lolo sa kwarto ko. May pasok pa pala ako at malalate ako neto dahil late na naman ako nagising. Hay na buhay 'to talaga. Agad akong bumangon at binuksan ang kwarto ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanya ang natamo kong sugat ng dahil sa lalaking 'yun at ang pinakamasama pa ron ay tinahi ito!

Kainis!

Magpepeklat na 'yun sa katawan ko. Hmm..

‘’Bakit ho?’’ naghihinat na tanong ko.

Agad nya naman akong pinalo sa balikat at bigla naman akong nabuhayan.

‘’Arayyyyy!’’ daing ko. Sobrang lakas talaga nun at ang mas lalong nagpaaray sa akin na muntikan na akong  maiyak, kasi nagalaw 'yung tahi ko. Arowts naman shittttt!

‘’Para magtanda ka. Bilisan mo dyan at baka malate ka na naman at umuwi kung anong oras mo gusto!’’ galit pa rin sya.

Hay naku Lolo. Magsasalita pa sana ako kaso tinalikuran nya na ako. Hinay-hinay akong naglakad papuntang C.R at naligo. Habang naliligo ako iningatan kong hindi masabunan at magalaw 'yung tahi ko, kasi mashaket talaga, alam nyo yun?

Agad akong lumabas pagkatapos ko at dahan-dahan na isinuot ang uniform ko. Isang buwan na ang nakakalipas at syempre may uniform na ako. Ang bilis nga lang ng oras at panahon. Lumabas na ako ng kwarto ko at hindi na ako nagalmusa, hindi talaga ako nagugutom.

Nakita kong nag-aantay na 'yung driver ko sa akin, agad akong lumapit sa kanya at pinagbuksan ng kotse. Napagalitan kaya sya ni Lolo? Hay naku, si Lolo talaga.

Kasalanan ko rin naman talaga kasi, kung hindi ako umuwi ng ganoong oras edi, sana happy,happy kami ngayon. Naawa naman ako  bigla ron sa driver ko. Kinatok muna ako ni Lolo sa bintana bago umalis.

‘’Maglakwatsa ka naman at umuwi kung kalian mo gusto!’’ galit na sabi nya.

Galit pa rin sya. 'Yung itsura nya kasi na ‘’galit na galit gustong manakit?’' mga ganoon ba naman.

Hay naku naman Lolo. Hinawakan ko na lang 'yung sugat ko sa taghiliran. Kawawa naman ako. So, sad. Tumango na lang ako sa kanya at tsaka sya umalis. Kay aga-aga si Lolo talaga high blood agad. Naku naman!

‘’Tara na ho Manong.’’Sabi ko sa Driver at tumango naman sya.

‘’Yes, Maam.’’ Bumiyahe na kami paputan sa Trinity Academy.

Habang nasa biyahe hindi pa rin mapigilan ng isip kong isipan ang mga bagay na pinagsasalita nila sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba 'yun o  pawang gawa-gawa lang nila?

Ang hirap kayang maniwala, ang hirap umasa, malay ko bang maging pakana lang nila lahat ng 'yun. Edi talo na naman ako, talo kana naman Lessie..

Hayst!

Inis kong ginulo ang buhok ko,

NAGUGULUHAN TALAGAAA AKOO AIST!

Binuksan ko 'yung bintana sa gilid ko at dinama ang sobrang preskong hangin. Ang sarap sa pakiramdam at parang tinutulungan nya akong huwag ma stress ngayon kasi sayang daw beauty ko char.

Pinagmasdan ko na lang mga bahay at kung ano-ano pang nadadaanan namin ngayon.  I need to relax myself. I need to relax. Relax. Relax. Relax!

Maya-maya pa ay nandyan na kami sa Trinity Academy, pinagbuksan nya ako at tsaka bumaba naman ako. Naglalakad na ako papasok sa Trinity ng mahagip ng tingin ko si Lucas na seryosong nakatingin sa akin.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now