CHAPTER 17- Acquaintance Party (PART 1)

2.3K 87 6
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!


LESSIE'S P.O.V

Pagkatapos naming kumain ng Lunch ay agad akong dumaretso sa kwarto ko para matulog. Pero laking gulat ko ng makita ko ron si Gray Wattson.  Gray Wattson na nakaupo sa kama ko habang inililibot-libot ang paningin nya. Agad akong lumapit sa kanya at tiningnan sya ng masama.

''Tnong ginagawa mo rito?'' agad na tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Baka kinakabahan ako dahil ayaw kong makita sya nina Jerri at Darcy dito?  'Yun yung dahilan non. Hindi sya sumagot at tiningnan lang ang mukha ko at tsaka ngumiti. 'Yung tingin nya sa akin ay 'yung tingin na sobrang na miss nya ako. 'Yung bang sampung taong hindi kami nagkita.

''I've missed you so much.'' bakas sa boses nya ang sobrang emosyon at idagdag na rin ang expression ng mukha nyang sobrang ang Gwapo. 

Tumigil ka Lessie dyan. Hindi ka pwedeng ma-inlove. Hindi pwede! Nangako ka sa Lolo mo na Study First ka. Kaya huwag kang abnoy dyan!

May kung anong bombang epekto yun sa aking katawan. Hindi ko alam pero parang virus 'yung sinabi nya sa katawan ko. Agad na bumilis na tumibok yung puso ko  at sa sobrang bilis non parang nagpa-panic ako. Pero hindi ko ipinahalata sa kanya. Kailangan mong maging normal Lessie sa harapan nya, kahit abnormal na ang katawan mo!

Please lord, tulungan nyo po ako. Inalis ko sa kanya ang paningin ko dahil kapag patuloy ko pa syang tititigan ay baka mahulog na ako sa kanya. At hindi tama yun, dahil mali yun. Kaaway ko sya  at ang magkaaway ay hindi nauuwi sa pagmamahalan.

''Umalis kana Gray, bago pa may makakita sayo rito.'' seryosong sabi ko na tinapunan sya ng masamang tingin. Pero sa halip na magalit sya ay lalo pa syang ngumiti.

Abnormal yata ang isang to? Iba pala to magmahal. Sobrang makulit!

''Not now, Please?'' halata sa boses nyang nagmamakaawa sya. Kaya ito namang puso kong to, okay na lang daw!

Tumigil ka dyan Lessie. Kailangan mo 'yang paalisin ngayon dahil kapag nakita yan ng dalawa mong kaibigan yari ka talaga. Hindi mo kayang sagutin lahat ng mga tanong nila. At isa pa, hindi pu-pwede dahil GIRLS DORMITORY to at mahigpit na ipinagbabawal na bawal papasukin ang mga Lalaki rito.

Pero sa itsura ng Gray Wattson na to, sinong babae ang hindi babali sa rules para patuluyin lang tong kumag nato sa Dorm nila? Aber sabihin nyo nga sa akin. Isa pa, kahit na makita tong Gray Wattson nato sa loob ng kwarto ay hindi ito mapaparusahan, ako pa nga yata ang mapapagalitan.

Kasi nga makapangyarihan ang lalaking to! Kapag isang Gray Wattson na ang bumali ng Rules wala na itong silbi. Kapag may reklamo ka magtago kana dahil ikaw na ang susunod na aalayan ng bulaklak.

So weird no?

"Umalis kana!" seryosong sabi ko sa kanya. Pero nginitian nya lang ako.

Gago!

"Matagal kitang hindi nakita Lessie. At sa sobrang tagal non, hindi ako mapakali. Hindi ko nagagawa ng maayos ang mga trabaho ko, hindi rin ako makausap ng matino. Palagi akong magagalitin. " Seryoso ring sabi nya.

Hindi ko alam pero, parang may mali eh. Hindi matanggap ng utak ko na kaya nya yun masabi. Na okay lang sa kanyang sabihin ang nararamdaman nya, 'yung emosyon na ipinapakita sa akin ngayon. Hindi kasi yan ang Gray Wattson na nakilala ko.

Ibang- iba sya.

Nagbabago talaga ang isang tao kapag umiibig na ito. Napakamakapangyarihan talaga ng pag-ibig.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now