CHAPTER 4 - Gunshot

3.6K 121 0
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

LESSIE MAY'S P.O.V

Nakaratay lang ako rito sa Clinic, walang magawa at sobrang nakakabagot na talaga. Ang boring, pero okay na rin dahil nakahiga lang at natutulog ang ginagawa ko.

Kamusta na kaya si Lolo?

Kahit ganito ang ugali ko, meron pa rin namang natitirang magandang pag-uugali rito sa puso ko. Sana walang nagsumbong kay Lolo sa nangyari sa akin dito. Mag-aalala na naman sya ng sobra sa akin. Sana walang may magsumbong, hindi sya pwedeng makita ng Gray na yun. Yung Demonyong yun hays. Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko sya.

Walang tao rito sa Clinic, dahil tapos na ang Visiting Hours. Mamaya naman yatang 5:00-6:00 P.M. Hindi ako makakapayag na hindi gumanti sa mga bruhang 'yun. Sa oras na makalabas na ako rito, isusunod ko na ang mga bruhang 'yun sa Deadly List ko. Humanda kayo, sisiguraduhin kong mas malala pa ang aabutin ninyo kumpara sa inabot ko!

Sobrang sakit pa talaga ng buo kong katawan. Dagdagan pa ng bali nitong kamay at paa ko. Naiinis talaga ako! Bakit kasi hindi ako nagawang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila. Kasi naman, malala ang tama ng likod ko.

Dahil sa Demonyong Gray Wattson dahil sa pabalibag nyang pang itinapon yung kamay ko. Kaya talagang hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko. Kaya naman yung nga bruhang 'yun pinagsamantalahan ang kahinaan ko. Biglang bumukas yung pinto.

"Oh my God sa wakas gising kana!" masayang wika ng Doctor. Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa leeg.

"God wala na rin yung lagnat mo. Dahil dyan, mga tatlong araw kapang mananatili rito." mukhang mabait ang Doctor na'to. Palaging nakangiti.

"Bakit naman ang tagal, hindi ba pwedeng ngayon na?" naiinis sa saad ko.

Nababagot talaga ako, kapag nasa Hospital ako o kaya naman sa Clinic.

"Hindi pa pwede Ms. Addison, kailangan mo pang magpagaling dito." pagbabawal ng Doctor.

"No, I will leave now!" Pagmamatigas ko. Nakangiti pa rin sya, kahit na sinisigawan ko na sya.

"No, hindi ka aalis dito, dito ka lang, kailangan pa kitang i-monitor." Tiningnan nya yung mga test ko at saka umiling- iling na ang ibig sabihin ay hindi pa pwede.

"Bigyan mo na kasi ako ng pampabilis na pampagaling na gamot. Hindi yung patuloy ka lang dyang nagsasalita!" Galit na sigaw ko sa kanya.

Hindi ko na kaya ang ganito. Gusto ko ng makaalis sa buwisit na Clinic na'to! At ang dami pang nakasabit sa kamay ko.

"Sorry, pero wala kaming ganyang gamot dito Ms. Addison. Ang nanditto lang yung unti-unting gamot na pampagaling. You need to rest now Ms. Addison. Mamaya nandito na yung mga Friends mo." Sinong friends? Ah, yung dalawang American. Hindi ko sila friends, okay!

Pero pwede na rin.

"I said I want to leave this Damn Clinic!" Sigaw ko ulit sa kanya pero sa halip ay nakangiti pa rin sya imbes na magalit. Wow! Amazing ang personality nya ah?

"I'm sorry, but you're not allowed to leave this Clinic. Even if you try to escape, you will go back again here. Do you understand Ms. Addison? The Head of the Academy, truly knows what happened to you. And they say that you will going to stay here until you fully healed."paliwanag nya sa akin. So, who cares? Basta gusto ko ng makalabas sa pesteng Clinic na'to!

"I'm not comfortable here, so can you just give me an order to leave this Damn Clinic!"sigaw ko sa kanya.

Nakatingin lang sya sa akin. Yung tingin na parang wala planong magalit.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now