Chapter 23- Falling for you

1.1K 38 4
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!


Lessie's P.O.V

Lumipas ang isang Linggo at sa wakas naman ay humupa  na ang tensyon ni Gray. Hindi na sya masyadong overacting sa mga nangyayari at isang linggo na rin ako nakatira sa bahay nya. Dahil sa nangyaring yun ay hindi nya na muna ako pinabalik sa Ashton, kailangan ko raw munang magpahinga.

Hindi na ako nagreklamo pa at sumunod na lamang, dahil kung hindi away na naman yan. Hirap pa naman suyuin ng lalaking yun. Hindi na muna ako pumasok ng isang linggo, sya na daw bahala sa akin. Edi sabi ko ''okey'' katamad naman kasi talagang pumasok eh.

Tinawagan ko na rin 'yung dalawang kaibigan ko kasi alam kong sobrang nag-aalala na sila. Nakakabagot rin pala rito sa bahay ni Gray. Wala kasi sya masyado, palaging may inaasikaso. Gabi lang kami nagkikita, minsan naman hindi na sya umuuwi ng bahay, kaya talagang nag-aalala ako sa kanya. Baka kung ano na pinaggagawa ng lalaking yun. Nakakainis naman!

Ang palagi ko lang kasama rito si Choco, 'yung aso nya kyut at si Manang, yung katulong nya. Pero, umuuwi si Manang tuwing gabi kaya kami na lang talaga ni Choco ang naiiwan dito. Nasa balkonahe ako ng kwarto ni Gray ng  may biglang,

''Aw, aw!'' si Choco paglingon ko.

''Hello, Choco. Gutom kana ba?'' tanong ko sa  kanya.

''Aaw, aw!'' tumahol sya.

''Ah, gutom kana nga talaga. Sige na nga, papakainin na kita.'' naglakad na ako papunta sa kwarto nya, sana all ang aso may kwarto.

Sumunod naman sya sa akin. Sinalinan ko ng  dog food 'yung lalagyan ng pagkain nya at sa kabila naman tubig.  Sarap na Sarap naman sya sa pagkain.

Ikaw busog na busog kana dyan, samantalang ako hindi pa. Wala si Manang kaya walang magluluto ng pagkain ngayon. Kailangan ko magluto para may makain ako at si Gray. Hindi pa naman ako gaanong kagalingan sa pagluluto.

Iniwan ko muna si Choco ron sa kwarto nya at tsaka na ako dumaretsong kusina.  Binuksan ko 'yung Ref at may mga pagkain naman. Pakbet na lang lutuin ko, tutal meron na naman dito. Makalipas ang sampung minuto ay luto na ito. Habang inilalagay ko :yung pakbet sa plato may yumakap sa likod ko. Amoy palang alam mo ng si Gray yun.

''Mukhang masarap yan ah?'' habang inaamoy nya yung bango sa gilid ng leeg ko.

''Tabi na dyan.'' taboy ko sa kanya. Hindi kasi ako makakilos at sobrang nakakailang haha. In short kenekeleg eke!

''Ayoko! Namiss kita, e.'' sobrang lambing ng boses tsaka nya inaamoy ang leeg ko.

''Hindi kita na Miss.'' masungit na sabi ko.

''Ayy ganon?'' sumimangot sya kita ko yun ng iharap ko yung ulo ko sa kanya.

''OO''.  sabi ko. Natatawa na ako dahil nakasimangot na 'yung napakagwapong Gray Wattson.

''Bahala ka dyan!'' nakasimangot syang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Na-guilty naman ako bigla.

Wala na akong nagawa kundi ang  maghanda na lang ng  pagkain. Deretso naman syang naglakad papuntang hagdan.

''Oops. Saan ka naman pupunta?'' tanong ko. Nakasimangot syang tumingin sa akin.

''Magsa-shower lang ako.'' nakasimangot na sabi nya.

''Okay.'' naglakad na sya papuntang taas. Bigla naman sumulpot si Choco sa harapan ko. Kinuha ko sya at hinaplos-haplos.

''Tapos kana ba kumain?'' tanong ko sa kanya.

''Aw, aw!''

''Oh, tapos kana. Kami hindi pa. Gusto mo ba ng Pakbet?''

''Aaw, aw''

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now