CHAPTER 5- Saving the Demon

3.4K 130 2
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!


Lessie May's P.O.V

Hindi ko na hinantay pang sabihin ng Doctor kung kailan ako uuwi. Magaling na magaling na ako. Alam ko 'yan sa sarili ko. Sa loob ng dalawang araw na pamamalagin ko rito sa Clinic, sa wakas gumaling na rin ako. Sobrang nababagot na ako rito. Bakit kailangan pang lagyan ng IV-IV yan.

Pagdating ko sa Dorm wala akong naabutang tao. Nahiga muna ako ng 10 minutes at bumaba na. Kaya ko na ngayong maglakad at rumespabak sa kalaban. Magaling na magaling na ang mga paa at kamay ko, mas lalong- lalo na ang likod ko.

Konti na lang ang peklat sa mukha ko. Kaya naman nagmumukha na akong tao ngayon. Duman ako sa back stairs, baka  kasi makita ako ng Doctor mahirap na. May na aninag akong isang lalaking nakasandig sa pader. Wala sa sariling nilampasan ko lang sya. Pero nagulat ako kung sino ang lalaking yun.

YUNG DEMONYONG "GRAY WATTSON"  lang naman.

Hindi nya ako napansin, dahil busy sya sa ginagawa nya. Lumapit ako ng bahagya sa kanya at nakita kong may sugat sya sa braso. Fresh na fresh pa.

"What are you doing?" nagtatakang tanong ko. Nagulat naman sya sa akin, kaya mabilis nyang tinakpan yung sugat nya.

"Nothing." tipid nyang sagot. Tiningnan ko naman sya ng tinging hindi kumbinsido.

"Nothing huh?" Lumapit ako sa kanya ng konti at tinanggal yung nakatakip sa sugat nya.

Diba tama ako fresh na fresh pa. Siguro mga three or two hours palang itong nangyari.

"Kung gusto mo na namang maghanap ng gulo dahil hindi kapa nadala dyan sa sinapit mo, pwede not now, hindi ako interesado." Inis  nya sabe.

Napa 'WOW' na lang ako. Wow ang galing kasi, as if naman interesado akong makipag-away sa kanya ngayon.

"FYI, I'm not interested." walang emosyong sagot ko. Patuloy pa rin ang pagdurugo ng sugat nya sa braso.

"Leave!" galit nyang sigaw sa akin.

"You need help?" offer ko saka tumawa sa kanya. Tiningnan nya lang ako ng walang expression.

"I don't need your fuck*ng help!" Malakas na sigaw sa akin.

Sya na nga ang tinutulungan, sya pa ang ayaw. Minsan na nga lang akong mag offer ng tulong ayaw pa.

"Okay, ahh? Nakalimutan ko palang si 'Gray Wattson' ka!" diniinan ko pa yung 'Gray Wattson'.

Wala naman akong mapapala rito, kaya aalis na lang ako. Bago ako umalis tiningnan ko lang sya ng walang expression sa mukha.

"Ouch!" Daing nya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng hindi lumilingon.

DEMONYO yun, kaya paano yun mamamatay? Nang malapit na akong lumiko ay lumingon muna ako sa kanya. Nagulat ako ng makitang nakahandusay sya sa sahig. Kaya agad naman akong tumakbo papunta doon.

Medyo malayo pa ang Clinic sa Dorm, kaya nagpasya na lang akong dalhin sya sa Dorm. Tiningnan ko naman yung sugat nya, sobrang dumurugo. Kailangan na itong mapigilan. Wala sa sariling binuhat ko sya pataas ng Dorm.

Kahit ang bigat ng lalaking to, binuhat ko pa rin sya. Kahit na DEMONYO ang lalaking to, kailangan nya pa rin namang mabuhay kahit na papaano.

Kahit na ganito ang ugali ko, matulungin pa naman ako sa nangangailangan. Mabuti na lang at walang tao sa nadaraanan namin. Siguradong nasa Cafeteria na sila at kumakain ng Dinner.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now