Chapter 71- Sampal na katotohanan

89 2 0
                                    

Lessie's P.O.V

Lumipas ang isang linggo na ganon pa rin ang lagay nya. Hindi na ako makakain, makatulog at kung ano-ano pa. Palaging sya ang in-iisip ko, natatakot ako para sa kanya.

Durog na durog na puso ko Gray.  'Yung buong ako. Sobrang sinisisi ko ang sarili ako. Kung bakit ba kasi nangyayari ang lahat ng ito sa akin. Hindi ako mapakali habang nasa labas kami ng ICU, naghihintay sa pag open ng  visiting hours nya.

Alas nuebe kasi ang visiting hours nya at tatagal lang ito ng isang oras. Bale 9-10 lang ito. Sunod naman ay 3-4 tsaka huli ay 7-8. Bali 'yun lang 'yung mga oras na pwede mo syang makita, maalagaan at makasama.

Nandito kami ngayon sa labas ng room nya habang naghihintay kami ni Clark. Wala si Lolo ngayon, kasi kailangan nya munang bumalik sa mansyon dahil may aasikasuhin syang importante. Nandito rin si Martha na may galit pa rin ang tingin sa akin.

Hindi nya pa rin matanggap 'yung gusto namin ni Gray. Sobrang galit na galit pa rin sya akin, sa amin. Pero mas lalo syang galit sa akin. Sinisisi nya ako sa lahat ng eto, na totoo naman.

Hindi naman ako umiimik kahit sobrang sakit na ng mga parinig nya sa akin. Wala naman kasi akong karapatan, kasalanan ko naman talaga. Nagpasalamat naman ako kay Clark na syang palaging nasa tabi ko.

Palagi nya akong pinagtatanggol kay Martha. Hinahayaan ko lang naman 'yun, bahala na sya kung anong isipin nya sa akin. Kung ano-ano pang mga masasakit na salita ang ipukol nya sa akin, tatanggapin ko. Dahil kasalan ko. Lumuluha na lang ako kapag hindi ko na kaya. Sobrang sakit naman talaga kasi e.

"May mukha pa ba 'yang ihaharap dito, matapos nyang gawin ito kay Gray? Sobrang nagpapaawa pa! Nakakairita!" Pagpaparinig nya. Hindi lang ako kumikibo at nanatiling naka upo katabi si Clark.

"Martha, tumigil kana! Hindi kana nakakatuwa! Kanina ka pa!" Iritadong sigaw ni Clark sa kanya.

Hinayaan ko lang silang dalawa. Pinapasok ko sa tenga  ko 'yung mga sinasabi nya at inilalabas sa kabilang tenga. Pero bago 'yun, tinuturok muna 'yung puso ko sa sobrang sakit. Wala naman akong magawa para sa sarili ko!

Papunas-punas lang ako ng luha sa mga mata ko habang sinasabi sa sarili long okay lang 'yun, okay lang ako. Para kahit konti ay nawawala 'yung sakit. Kailangan kong tanggapin 'yun. Kasi 'yun 'yung reality.

"Shut up, Clark! Gumising ka nga diyan! Kasalanan nyan! Ayaw mo lang talagang tanggapin kasi mahal mo sya!" Galit na sigaw ni Martha. Napatingin na lang ako sa kanya.

Hindi ako nabibigla sa mga sinasabe nya lasi totoo naman talaga 'yun. Alam kong gusto ako ni Clark at nilinaw ko 'yun sa kanya, nilinaw kong ayoko sa kanya. Tanggap nya naman, bukal naman 'yun sa kalooban nya. Magkaibigan lamang talaga kami at wala ng hihigit pa ron.

"You're below the Belt Martha!" Galit na sigaw ni Clark sa kanya na halatang nagtitimpi lang.

Hinawakan ko 'yung kamay nya at napatingin sya sa akin, sobrang umuusok naman ang mga mata nya. Tumango ako sa kanya at sinabihang hayaan mo na.

"Hayaan mo lang sya, please?" Seryosong pakiusap ko sa kanya, pilit  naman syang tumango sa akin.

"Napaka korni talaga e. Pa-victim effect ang peg? Nakakairita na 'yan! Pwede bang umalis kana!" Galit na galit na sigaw neto.

"Martha, tumigil kana! Ibang-iba na 'yang ugali mo! Hindi ka naman ganyan a? Ano nangyayari sayo?!" Galit na sigaw ni Drey habang sobrang disappointed sa kanya. Mataray itong tumingin sa kanya.

"Ano bang pakialam mo? Sino ka ba? Jowa ba kita? Diba hindi na? Wag mo akong pakialaman kasi wala lang ambag sa buhay ko!" Sobrang mapanginsultong sabi neto kay  Drey.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now