Chapter 24- Help me

831 33 2
                                    


WARNING: This story contains of Grammatical Errors and Typographical Errors. Pls be aware everyone. Ty.

Lessie's P.O.V

Ashton Academy...

Sa wakas naka balik na rin ako sa Ashton Academy. Agad akong dumeretso sa dorm para makita ko na 'yung dalawa kong kaibigan. Bubuksan ko na sana 'yung pinto ng bigla iyong bumukas. Si Jerri. Muntik na syang masamid sa iniinom nya ng makita ako.

''L-lessie?'' utal na sabi nya.

''Yes? hehe.'' nakangiting sabi ko.

''Lessiee?'' labis ang kasiyahan nya ngayon.

''Oo nga. Bakit?''

''Si Lessieee, Darcyyy Daliiiii!'' sigaw nya.  Agad naman na pumunta si Darcy sa amin.

Niyakap nila akong dalawa ng sobrang higpit.

''Oyy. Tama na kayong dalawa dyan, hindi na ako makahinga haha.'' Pagkukunyari ko. Binitawan naman nila agad ako.

''Sorry na hahaha. Na-miss kasi naman ikaw eh.'' nakangiting sabi ni Jerri ta tsaka na naman ako niyakap. Eto talaga eh.

''Papasok na ba agad kayo?'' tanong ko. Nakabihis na kasi sila. Maaga pa naman sila sa first subject.

''Hindi pa naman, 8:30 pa pasok natin eh. Pupunta muna kami sa Library, maghihiram lang ng librong kailangan natin sa Science.'' sagot ni Jerri.

Lagot talaga, hindi na nga ata ako makakahabol sa mga subjects ko. Patay ako neto, babalik ako neto sa Grade 10.

''Sige, alis na kayo kita lang us sa
Cafeteria.'' nakangiting sabi ko. Tumango naman silang dalawa.

''Oki.'' Jerri

''Ingat ka, hintayin na lang namin ikaw sa Cafeteria.'' sabi ni Darcy.

''Sige. Bye.''

Pagkaalis nila dumaretso na ako sa kwarto ko, nahiga muna ako sa kama ko dahil sobrang na miss ko talaga to. Hindi ko namalayang naka idlip na pala ako sa pagkakahiga,  pero anong oras na ba? Pagtingin ko sa orasan, alas otso na. Patay! 

Dali dali akong naligo at nagsuklay na lang at kinuha 'yung bag ko at tsaka patakbong umalis.  Nakalimutan ko pa 'yung relo ko, kaya hindi ko alam kung anong oras na, basta alam ko lang late na ako haha.  Pagdating ko sa Caferetia ang daming tao talaga. Sa sobrang tao hindi na nga ako makadaan kasi Rush hour na. 

Nakipagsiksikan na lang ako para makadaan, sa gilid na lang ako duman para mas madali. Natatanaw ko na sa malayo sina Jerri na nakangiti at naka order na ng pagkain,  tsaka halatang ako na lang ang hinihintay.

''Sorry, I'm late.'' sabi ko sabay upo sa tabi ni, ni.. Gray! Bwiset talaga!

Ba't ba kasi nandito pa kasi to, eh. Hindi ko naman nakitang nakaupo to  rito kanina. Hayst. Kapag minamalas ka  nga talaga.

''Okay lang. Kumain na tayo para di tayo ma late kay Sir hihi'' sabi ni Jerri.

Tumango na lamang ako at nag-umpisa ng kumain. Wala pa rin kaming kibuan ki Gray hanggang ngayon. 'Yung tipong lilingon sya sa akin at kapag titingin na ako sa kanya agad nyang iniiwas ang mukha nya.

''Mukha bang may problema kayong dalawa?'' nakangiting tanong ni Martha. Agad syang tiningnan ng masama ni Gray.

''Stop it, Martha!'' galit na sigaw nya. Hindi na lang ako nag react ta kumain na lamang.

''Oo na. Hindi na, arte neto.'' sabi ni Martha.

Binilisan kong kumain at ako pa ang nauna sa kanina. Nang biglang tumunog Cellphone ko. Agad ko 'yung kinuha at tiningnan kung sino tumatawag.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now