Chapter 80- All is well.

73 3 0
                                    

Lessie P.O.V

1 Week later...

Lumipas ang mga araw na ganon pa rin ang sistema ng buhay ko. Nakakulong sa kwarto habang nakatulala sa kawalan. Hindi makatulog kasi sa bawat pagpikit ng mga mata ko ay sya parati ang nakikita ko.

Iyak pa rin ako ng iyak kasi sobrang na mi-miss ko na sya. Nasasaktan pa rin ako sa mga nangyayari at sobra-sobra na ang pangungulila ko kay Lolo.

Hindi ako makakain, pati nga maligo at tinatamad pa ako. Nagpapalit naman ako ng damit at half bath lang.

Hindi ko kayang mag move on kay Lolo, ang I-let go sya ng ganon-ganon na lang. Hindi pwede! Sobrang sakit ng sinapit nya bwgo sya mamatay tapos, maglelet go lang ako?

Buhay ng Lolo ko 'yun! Buhay nya 'yung kinuha at kahit na patay na ang pumantay sa kanya ay hindi pa rin 'yun sapat sa akin. Buhay pa ang Ama nya at dapat lang na mamatay din sya!

Iniisip ko ngayon kung para nga ba talaga kasi kami ni Gray sa isa't-isa? Kasi sa kabila ng mga nangyari, puro kamalasan ang dumarating sa amin. 'Yun palagi ang inaabot namin, 'yun 'yung grasyang nakukuha namin.

Iniisip ko ngayon, kung kami ba talaga? Sya na nga ba talaga? Hindi 'yun maalis sa akin 'nung sinabe ni Lolo na boto sya may Gray at gusto nyang si Gray Ang makasama ko habang buhay.

Pero iba 'yun sa mga na-iisip ko ngayon. Paano ko mamahalin 'yung taong sumira ng buhay ko? Nang pamilyang mayroon ako sana ngayon? Paano ko 'yun masisikmura? 'Yung Ama nyang sinira ang buhay ko?

Paano ko sya matititigan araw-araw kung ang palaging lama ng isip ko 'yung Ama nya, 'yung Kapatid nya? Mahirap 'yun. At talagang mahihirapan lang talaga kaming dalawa.

Mahal na mahal ko sya actually, pero sa ngayon. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita sya parati. Hindi ako makaka move on. Hindi ko ma-le-let go 'yung galit ko sa pamilya nya, kung nakikita ko sya araw-araw.

Hindi ko kayang mawala sya, pero ito lang talaga ang paraan para makalaya ako sa halat. Ang mag heal, ang mag isip, at magkaroon ng sapat na oras para sa sarili ko.

Iyak ako ng iyak ngayon habang inisip na iiwanan ko na naman ulit sya. Pero 'yun talaga 'yung makakabuti sa amin. Alam ko na maging sya ay nasasaktan dahil sa kagagawan ng Ama nya, ng dahil sa kapatid nya.

Alam kong mahirap sa kanyang makita ako araw-araw pero, nandito sya sa tabi ko. Handa syang damayan ako kahit na anong gawin ko sa kanya, kasi alam nyang mas sobra akong nasasaktan kumpara sa kanya.

Pinatay lang naman nila ang Lolo ko kaya kami nagkakaganito. Sana naman ay hindi totoo 'yung sinasabe nya sa akin na buhay nya ang magiging kapalit sa pagpatay nya sa kapatid nya. Hindi ko 'yun makakaya kung pati sya ay kukunin pa sa akin.

Ang gusto ko lang ay space, gusto ko ng time na buuhin ulit ang sarili ko. 'Yung talagang ako, na kahit na wala na 'yung Lolo ko ay makakaya ko pa rin.

Palagi naman ako ni Gray na ipinagluluto ng pagkain pero hindi ako kumakain. Pinipilit nya naman ako, pero minumura ko sya at pinagsasalitaan ng hindi maganda.

Ramdam na ramdam kong nasasaktan sya. Hindi nya naman 'to deserve kasi, dapat hindi nya na lang naging Ama 'yung hayup na 'yun! Hinda sana sya nagdurusa ng ganito, hindi na sana kami umabot pa sa ganito.

Sa lahat ba naman ng mabiyayaan ng Ama, 'yun pa talagang hayup na 'yun! Mamatay na sya, hayup syan Tungkol naman sa Ama nya, nabalitaan kong na coma ito.

Nasa ICU at hanggang ngayon at  hindi pa rin nagigising. Mismong si Gray ang nagsabi sa akin non. Inutusan ko syang patayin ang Ama nya pero hindi nya ginawa.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now