Chapter 46- Unknown Man

344 17 0
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie's P.O.V

Nakatutok pa rin sa akin 'yung matulis na bagay sa taghiliran ko, balak ko sanang lumingon para makita kung sino 'yun pero malabong mangyari dahil masasaksak nya ako ng wala sa oras.

''Lucas, I know it is you. Pakawanan mo na ako!'' galit na sabi ko pero hindi nya ako pinansin.

Walang boses akong narinig sa kanya. Possible bang hindi sya si Lucas? Pero imposible naman 'yun ata!

Mas lalo nyang itinutok sa taghiliran ko 'yung matulis na bagay, hula ko kutsilyo ito o balisong. Tinakpan nya ang bibig ko para hindi ako makapagsalita at iginaya ako sa isang abandonadong Classroom.

Sumunod ako sa inuutos nya kasi no choice ako, ayoko pang mamatay! Mahal ko pa si Gray at ang sarili ko. Char. Sarili ko pala.

''Lu--cas.. pakawalan mo na ako!'' inis na sabi ko sa kanya habang mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakatakip sa bibig ko.

Hindi ba talaga sya si Lucas? Hindi pa rin sya nagsasalita hanggang sa makapasok na kami ng Classroom.

What the fuck?

Natatakot na ako ngayon at isa lang ang pumapasok sa isip ko. Si Gray Wattson. Help me Gray, please help me. Pero paano nya ako matutulungan kung hindi nya nga alam kung nasaan ako?

Nawawalan na ako pag-asang matulungan nya pa ako kasi hindi nya na ako mahal at wala na syang pakialam pa sa akin.

Shemay ka Gray Wattson.

Pinilit kong tanggalin 'yung kamay nya sa bibig ko para makasigaw ng tulong kasi natatakot ako sa kanya, baka hagasain nya ako rito at patayin! Paano ko pa makikita si Gray Wattson? Ang Lolo ko? Ang mga kaibigan ko! Pakshet naman itong Lucas na'to!

Hindi nakakatawa ang mga biro nyang 'to kung nagbibiro lang sya, o kaya naman dahil ba binasted ko sya kaya nya ginawa lahat ng to sa akin? Kasi gumaganti sya kasi hindi nya matanggap 'yung nangyari?

Hay naku Lucasssss nakakatakottttt kaaaaa!

Habang pilit kong tinatanggal 'yung pagkakahawak nya sa bibig ko mas lalo kong nararamdamang bumabaon sa taghiliran ko 'yung matalim na hawak nya kaya itinitigil ko na lamang ito. Medyo parang nasugatan ako ng maliit, nakaramdam kasi ako ng hapdi sa aking taghiliran. Papatayin nya ba ako? Shet naman.

Huwag mo naman akong patayin ngayon!

Shetttt kaaaa!

''Pakawalan mo na ako!'' Pagsisigaw ko sa kanya habang nakatakip pa rin sa bibig ko 'yung kamay nya. Ano bang plano nyang gawin?

Bwisit kang Lucassss kaaa magsalita ka!

''So, you're Lessie May Addison? The gurl that caught the heart of the most powerful lider in the Mafia world.''

Nabigla ako ng magsalita sya, hindi sya si Lucas. Iba ang boses ni Lucas sa boses nya. What the fuck? What's happening?

Pinilit kong tumingin sa kanya kahit na nasasaktan na ang tanghiliran ko. Ramdam na ramdam akong mas lalo itong humahapdi at ramdam na ramdam ko ring may dugo ng umaayos dito.

Pilit kong tinatanggal 'yung kamay nya sa bibig ako at humarap sa kanya. Gusto kong dumaing sa sakit na nararamdam ko ngayon, pero hindi ko ginawa kasi gusto kong makita ang mukha nya at mamukaan sya.

''Ops. Don't be like that Lessie, you're hurting yourself.'' Sabi nya sa tenga ko. Kinilabutan naman ako sa kanya.

Who's this man?

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now