Chapter 32- Takot

379 13 0
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie's P.O.V

Agad akong pumunta ng CR. Mura ako ng mura ngayon dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon.

"Ngumiti ka lang! Ngumiti ka lang!" Sigaw ko sa loob habang binabasa yung damit ko. Iniisip ko pa rin 'yung ngiti ni Kiah nung pagkabungo sa akin.

"Shet!"

"Shet!"

"BULLSHIT!"

Sigaw ako ng sigaw dito sa loob. Buti na lang walang tao. Kung may  tao talaga rito hindi ko papapasukin. Baka makabugbog pa ako sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko.

Hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung ginawang pagtitig lang ni Gray sa akin. Well? What would I expect?

Would I expect na tutulungan nya  ako? Well?  Hindi na maaari kasi walang kami! May iba na sya! Gustuhin ko mang suntukin 'tong salamin sa harap ko, pero hindi ko na ginawa. Ayokong mageskandalo rito, ayokong makapirwesyo kaya ang mainam gawin na lang ay huminahon.

"Huminahon ka Lessie" habang tiningnan ang itsura ko sa salamin.

Maganda ka naman ah? Bakit iniwan ka? Kawalan lang nya lang sayo. Yun na lang ang taning pumasok sa isip.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkusot ng damit ko. Sobrang basa na ng damit ko at wala akong ibang long sleeve bukod dito, kaya naman ay pinatuyo ko muna ito ng madali bago ako nagpasyang lumabas ng C.R.

Pagkalabas ko ng C.R, naaninaw ko sa malayo :yung babaeng nakasabayan ko sa elevator. Natakot  naman ako ng ngumisi sya sa akin.

"What the hell?" Bulong ko sa sarili ko. Nagpapansin ba sya?  Parang tanga!

Hindi ko na lang sya pinansin kasi nasasaktan pa ako ngayon. Tsaka ko na iisipin ang mga bagay-bagay na yan. Kainis. Naglakad na ako papuntang room namin. Medyo tuyo-tuyo na rin yung damit ko at medyo okay okay na rin.

Hindi na masyadong madumi kumpara kanina, pero madami pa rin yung mantsa. Hindi ko na lang yun pinansin at pumasok na sa loob.

Pagpasok ko, agad akong nilapitan nila Jerri kasama rin si Clark.  Luminga-linga ako sa paligid nakita ko  si Gray nakaupo at nakatingin sa kawalan.

"Okay kana ba?" Nagaalalang tanong ni Jerri. Tumango ako.

"Okay lang ako." Nakangiting sabi ko.

"Seryoso ka?" Seryosong tanong ni Clark. Tumango ako.

"Oo. Tara na upo na tayo." Nakangiting lahad ko sa kanila. Tumango naman sila. Nagpaiwan si Clark para makapantay ko syang maglakad.

"Are you sure that you're okay?" Ulit na tanong nya ulit. Tinanguan ko ulit sya.

"Okay na ako." Hindi ko sya tiningnan. Nakatingin lang ako sa baba habang naglalakad papuntang likod. Napansin ko na lang na may naglagay ng jacket sa unahan ko. Agad akong nagulat. Sobrang pagkagulat.

"Wear this." Mahinahong sabi ni Clark at tsaka nya isinuot 'yung jacket nya sa akin. Wala na akong nagawa dahil naisuot nya na sa may braso ko.

"Clar--"

"Wear that para hindi ka lamigin." Ngumiti sya sa akin. Umiling naman ako.

"Hindi ako nilalamig. I'm fine." Walang emosyong sabi ko.

"Oh. Ano yan? New boyfriend?" Natingin kaming lahat kay Tanisha na kakapasok lang at nagsalita na agad ng ganyan.

Does she knows? Agad na tanong ko sa sarili ko. Pero, wala namang makakaalam bukod sa amin lang.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now