Chapter 34- Closure

369 14 2
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie's P.O.V

Napadpad ako sa isang garden dito sa Ashton Academy. Naupo ako sa damuhan at umiyak ng umiyak. Sobrang fresh pa rin sa utak ko 'yung nangyari sa akin kanina. Hindi  ito maalis-alis sa isipan ko. Bakit nya ba ginagawa lahat ng 'to sa akin? Ano bang ginawa kong mali? I taught he loves me? But, why? Why are you doing this to me, Gray!

Wala akong magawa kundi ang magmura. Mura ako ng mura dahil wala akong magawa. All I need now is closure!

I need closure!

'Yun 'yung tanging paraan ko para malinawan ako sa lahat ng nangyari sa amin ni Gray. Kung bakit nya agad ako iniwan? Kung bakit nya ginagawa sa akin lahat 'to! Kung bakit paulit ulit nya akong sinasaktan. Shet, naman Gray!

How could you do this to me! All I need to do, is to love you. But, shet! Ito ata ang ganti nya sa pagmamahal na binigay ko sa kanya. 'Yung sakit! Sakit ang isinukli nya sa lahat ng pagmamahal ko. Patuloy lang na umaagos ang mga luha ko.

Hindi ko mapigilan eh. Durog na durog na naman ako. Always na lang akong durog. Para akong  dinidikdik sa sakit ngayon and I hate it!

"Kung hindi kita makukuha Gray sa huling pagkakataon, iiwan na kita ng tuluyan."

Tumayo na ako sa pagkakaupo at naglakad-lakad na lang sa buong Ashton Academy. Hindi ako pumasok sa klase ko. Wala akong lakas ng loob na pumasok. Ayoko pa syang makita. Ayokong kaawaan nila akong lahat dahil hindi naman ako ganito! Pero bakit ang rupok rupok ko na? Shet!

Preskong hanging ang dumadampi sa balat ko na may kasamang konting sinag ng araw. I can't help it but to recall our memories with each other. Napapangiti na may halong pag-iyak ang ginagawa ko ngayon.

Napapahagulgol na lang ako tuwing na-iisip ko 'yung mga panahong magkasama kaming dalawa na nagbabangayan. Nung first time ko rito, hindi ko inakalang sya agad ang makakabangga ko.

Na yun pala agad ang first encounter namin. Mas lalong hindi ako makapaniwala ng bigla syang mag-confessed sa aking gusto nya ako. Nabigla talaga non, at until-unti habang tumatakbo ang panahon ay na fall na rin ako sa kanya. Pero mas nabibigla ako ng isang araw pagkatapos ng date namin, bigla nya na lang akong iniwan sa ere. How ironic is it right? HAHAHA I can't help myself, but to laugh.

Patuloy lang ako sa paglalakad, ito na naman 'yung time na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napadaan ako sa may konting tubig sa lupa ng maaninag ko ang itsura ng mukha ko.

Tama si Clark, sobrang ang putla ko na at sobrang pagod na pagod. Hinawakan ko ang pisngi ko ng hinay-hinay at tsaka ito pinagmamasdan ng mabuti.

Napapatawa na lang ako sa mga nakikita ko. Nagmumukha akong tanga. Wala akong magawa ngayon kundi ang tumunganga sa harapan neto.

Nabigla na lang ako ng biglang may humawak sa braso ko. Hindi ako lumingon dahil wala na akong lakas pa para lumingon sa kanya. Kung sya si Lucas, then you're free to get me. I don't care. Tutal wala naman sa akin si Gray. Pag-aari na sya ng iba.

"Is this all you can do?" Nagbigla ako ng may bigla nagsalita. It's Gray!

Unti-unti akong tumayo sa pagkakaupo at tsaka sya tiningnan. Naluluha pa rin ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit nya ako sinundan, pero sobrang ang saya ko. Napakasaya ko ngayon. Tiningnan nya ako sa aking mga mata, hindi naman ako makatitig sa kanya ng maayos.

Hindi ako nagsalita dahil gusto kong marinig ang boses nya. Galit sya kung magsalita. Kaya naman nasisiyahan ako ngayon. Na-miss kong pagalitan nya ako, na miss ko lahat sa kanya.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now