Chapter 75- Clandestine Reveal

72 3 0
                                    

Lessie's P.O.V

Bumalik sina Clark at Drey na hindi man lang nahanap 'yung Lolo ko. Ang nakuha lang nila 'yung Ama ni Gray. 'Yung Mafia Father. Sobrang natatakot akong napatingin kay Gray na ngayon ay problemado na rin sya kung saan at paano hahanapin ang Lolo ko.

"Tawagan nyo si Martha." utos ng Mafia Father. Tumango naman si Clark.

"Diba? Sabe ko naman sainyong hindi nyo sya mahahanap e. Baka nga kako patay na!" bungingis nya pa. Sinapak ko sya sa mukha.

''HAYUP KAAA!'' galit na galit akong pinagsasapak ko sya sa mukha, napapaubo naman sya ng dugo. Wala akong pake.

Agad akong inawat ni Gray habang niyayakap nya ako ngayon. Sobrang kinakabahan akong hindi ko alam ang gagawin ko. Naghy-hysterical na ako ngayon. Problemado kung nasaan na nga ba ang Lolo ko. Nasaan kana ba lolo?!

Shit. 

Sunod-sunod lang ang pagmumura ko habang unti-unti akong pinapakalma ni Gray. Hindi ko rin mapigilang hindi maiyak at mag-isip ng kung ano-ano. Sobrang pre-occupied ang utak ko ngayon, na hindi ako makapag-isip at makakilos ng maayos. 

''Sshhh. I will find him, just calm down.'' sabe nya habang niyayakap nya ako. 

Napatingin ako sa kanya at tumango sa kanya. May tiwala ako sa kanya, sobra ang tiwala ko sayo Gray at alam kong mahahanap nya si Lolo. Sobrang laki ng Mafia nila, kaya alam kong mahahanap nila si Lolo.

''I know, I trust you.'' tumatangong sabe ko tsaka nya pinupunasan ang mga luha na bumabagsak sa pisngi ko.

''I will, promise'' tsaka nya ako hinalikan sa noo.

Nakaramdam naman ako ng konti kaginhawaan sa loob-loob ko. Naging ayos-ayos ang pakiramdam ko ng dahil sa kanya and I cant live without him, forever.

''HAHAHA. TIME IS RUNNING LESSIE!'' tumatawang sigaw ng hayup na Sid na to! 

''MAMATAY KANA HAYUP KA!'' sigaw ko sa rin sa kanya.

Sasapakin ko pa ulit sya kaso pinigilan ako ni Gray sa pamamagitan ng yakapkapsul. Niyakap nya ako sa sobrang higpit at pinakalma na naman ulit.

''Don't waste your time on him, Lessie.'' seryosong utos ni Gray sa akin kaya naman napatango na lang ako. 

''Fine!'' inis na sagot ko.

''Ano raw sabe ni Martha?'' seryosong tanong ni Gray kina Clark.

''Positive, nasa kay Sid ang Lolo nya kaso hindi nya pa ma- locate kung nasaan, pero ginagawan na ng paraan nila.'' seryosong sagot naman ni Clark.

''Pakibilisan kako.'' seryosong sagot naman ni Gray habang hinihilot ng sentido.

Maging sya ay stress na rin dahil sa pinaggagawa ng hayup nyang kapatid na ito, na pati mismong Ama ay dinale.  Walang patawad. Dapat sa hayup na ito ay katayin at itapon sa dagat!

''Sige.'' sagot ni Clark.

Maya-maya lang ay may video na nagplay sa harapan namin. Nandon sa video ang Lolo ko. Iyak ako ng iyak ng makita ko syang nagkakandasugat-sugat ang mukha nya. Ganon din sa pagmumukha ng Ama ni Gray.

Putok ang mga mata ni Lolo at ang daming dugo sa mukha nya. Naikuyom ko ang kaamo ko at agad na susugurin si Sid kaso pinigilan nila akong tatlo.

''Wag!'' utos ni Gray habang pinigilan akong patayin ang kapatid nya.

''Stay put Lessie.'' sabi naman ni Clark.

''HAYUP KA! HAYUPPPP!'' wala akong nagawa kundi ang sumigaw na lang. Ang murahin sya ng murahin dahil sa sobrang galit ko.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now