Chapter 37- Yakap

429 18 3
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Someone's P.O.V

"Sige na, pahirapan na yan!" Sigaw ko sa tauhan ko.

Nandito kami ngayon sa isang bodega kung saan namin sinasagawa ang mga bagay na gusto naming gawin. Ito ang nagiging lugar namin para patayin 'yung mga taong walang silbi at mga traydor. Dito rin namin pinapahirapan at pinapatay ang mga hostage naming kalaban galing sa iba't-ibang Mafia.

Ang sobrang pikapaborito naming patayin na Mafia ay ang Mafia ni Gray Wattson. Hindi madaling pabagsakin si Gray Wattson, kasi hindi sya ordinaryong lider lang ng isang Mafia, napakatalino at napakagaling nya, kaya't hindi na nakakapagtaka kung bakit sya na ang susunod sa Ama nya.

Sobrang napakamakapangyarihang ng kanilang Mafia kaya't marami ang gusto itong pabagsakin at pagharian ng iba at isa na ako ron.

Agad nilang pinaghirapan ang hostage naming isang reaper ni Gray Wattson. Ito ang isa sa mga reaper na pinagkakatiwalaan nyang mabuti. Hindi ko lang alam kung anong hakbang na gagawin ni Gray Wattson para mahanap nya ang tauhan nya.

Daing ng daing 'yung lalaking reaper nya at nagsusuka na ito ng dugo ngayon. Basag-basag ang pagmumukha neto at konti na lang kung huminga. Pagkatapos ng pagpapahirap ay inuupo nila ito sa silya at tsaka tinalian sa kamay at paa.

"Anong gagawin natin sa kanya boss?" Tanong ng tauhan ko.

Ano pa nga ba ang pwedeng gawin sa kanya? Isa lang naiisip ko at alam ko kayo rin. Ang patayin sya!

"Patayin nyo na yan!" Sigaw ko. Pero agad akong sinalungat ng tauhan ko.

"P-pero baka mabulilyaso lahat ng  mga pano natin at masayang lahat ng pinaghirapan natin kung papatayin natin sya? Hindi malabong matunton agad tayo ni Gray Wattson, kapag pinatay natin ang tauhan nya. Alam naman natin na hindi 'yun papayag na hindi maipaghiganti ang sinapit ng kanyang tauhan. Baka mauwi sa wala ang mga pinaghirapan natin." Seryosong-seryoso na sabi nya.

May punto naman sya. Tama 'yung mga sinabi nya. Si Gray Watson ay isa sa mga tinitingalang Lider at isa sa may pinakamakapangyarihan Mafia sa buong mundo at hinding hindi sya papayag na hindi mabigyan katarungan ang ginawa sa kanyang tauhan.

Maaaring matunton nya agad kami at masayang lahat ng mga plano at pinaghirapan namin, dahil lang sa pagpatay sa kanyang tauhan. Pero wala akong pakialam at isa pa, buti kung mahanap nya agad kami.

"Wala akong pakilaam, basta patayin nyo na yan!" Utos na sigaw ko sa kanya.

"P-per--" Hindi nya na naituloy pa 'yung sasabihin nya dahil agad kong kinuha yung baril sa gilid nya at ipinutok sa ulo ng lalaki.

Agad na nagsitalsikan 'yung dugo sa pader ng bogeda, pati rin 'yung mga pagmumukha at katawan namin ay nadali.

"Sige na, iligpit nyo na yan." Utos ko sa kanila.

"Masusunod, Boss". Sagot nila at tsaka na sila gumalaw.

Hindi ko alam kung anong gagawin mong hakbang Gray Wattson para mabigyan hustisya ang ginawa ko sa tauhan mo. Hihintayin ko ang sagot mo sa tanong ko. Pagkatapos ko ron ay nag drive na ako papuntang mansyon ko. Pagdating ko ron ay agad akong sinalubong ng Assistant ko.

"Nagawa ko na 'yung iniutos nyo sa akin." Nakangiting sabi nya. Napangiti rin ako sa sinabi nya.

"Mabuti naman." Nakangiting sagot ko.

"Hindi ko alam kung hindi matakot si Gray Wattson sa pananakot natin. Ang dami nya ng kalaban at kailangan nya ng bumitaw sa pwesto nya." Seryosong sabi nya. Tumawa naman ako.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now