Chapter 51- Sorry

284 6 2
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

- Author-


LESSIE'S P.O.V

"Where is Gray?" Seryosong tanong ko sa kanya. Huminga sya ng malalim bago nagsalita.

"He's in the Hospital with Clark and Drey. " Seryosong sagot ni Martha na medyo lumiwanag ang pagmumukha ng makita nya ako rito.

"Let's go." Utos ko sa kanya.

Sumakay kami ng kotse nya at nagmaneho sya papunta sa Hospital. Ang Hospital sa Ashton Academy ay malayo sa Main place ng Eskwelahan. Kung nalilito kayo, sa madaling salita, malayo ang Hospital sa Building ng Academy kung saan kami nag-aaral.

Naikwento ko na naman sainyo na sa loob ng Ashton Academy ay kumpleto na lahat, Restaurants, Malls, Hospital, and many more. Hindi pa rin ako mapakali ngayon, maloloka na ako sa sobrang pag-aalala at kahit ano- ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Shit!

Mahigpit 20 minutes ang itinagal ng biyahe bago kami nakarating sa Hospital. Agad akong lumabas ng kotse nya habang mangisay-ngisay sa sobrang pag-aalala at sobrang takot.

Para akong mahihimatay habang palapit ng palapit ako papunta sa kanya. Sa bawat yapak ko sa sahig na'to ng hospital, pakiramdam ko mamatay ako, pakiramdam ko konti na lang ang araw ko sa mundong 'to!

Para ako maloloka ngayon. Minura ng mura ko na lang ang sarili ko para kumalma. Tinutulungan ako ng pagmumura ko ngayon na kumalma.
Sinusundan ko lang ngayon ang mga yapak ni Martha na magtuturo sa akin kung nasaan si Gray Wattson.

Habang palapit ng palapit na kami sa room na Gray, hindi ko mapigilang hindi maluha. Parang matatanggal na ang aking puso. Tanaw ko na sa malayo na nasa labas si Clark, hindi ko makita si Andrey. Malala kaya ang sinapit nya? GRAYYYY NAMANNN!

Gusto kong sumigaw ngayon pero wala akong lakas, walang boses na lumalabas sa bibig ko. Bago pa ako makapasok parang nangingisay ang aking katawan. Nang makalapit na ako ron sa pintuan ng room nya, nakikita kong umiiyak si Clark habang nakatingin sa mga mata ko.

Ramdam na ramdam ko 'yung sakit na nararamdaman nya ngayon, parehas kaming nasasaktan ngayon ng dahil sa sinapit ni Gray Wattson. Patuloy lang na tumutulo ang luha ko habang nagkakatinginan kami ni Clark sa aming mga mata. Bigla naman syang nagsalita.

"Thank you for coming Lessie." May bahid na tuwa sa kalooban nya, lumiwanag naman ang mga mata nya.

Wala akong masabi sa kanya kasi naguguilty pa rin ako sa pag-iwan ko sa kanila. Hindi man lang ako nagpapaalam. Tumango na lang ako at tsaka ako iginaya ni Martha sa loob. Huminga ako ng malalim bago nya pa mapihit 'yung pinto.

Dahan-dahan akong naglakad papasok. Mas lalong madaming luha ang umaagos sa pisngi ko. Shet. Napapamura na lang ako at kinukurot ang kamay ko habang papalapit ako ng papalapit sa kanya.

Hindi ko napansin na nalampasan ko na pala si Andrey sa gilid ko, dere-deretso akong naglakad papunta kay Gray. Nang makalapit na ako sa kanya muntik na akong malaglag sa sahig, buti na lang naagapan ako ni Clark sa likod ko. Tumayo ako ng maayos at tsaka umupo sa tabi ni Gray.

"Iiwanan na muna namin ikaw dito Lessie. May aasikasuhin pa kasi kaming tatlo." Seryosong sabi ni Martha. Tumango naman ako sa kanya.

"Sige."

"Ikaw na muna bahala sa kanya Lessie. " Dagdag nya pa.

"Okay, sige. " Tsaka nila ako iniwanan.

Laglag na laglag ang puso kong pinagmamasdan sya. Bakit sya nakaratay sa kamang ito? Hindi dapat sya nandidito! Hindi ka dapat nandidito Gray!

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now