Chapter 68- Holding on

91 2 0
                                    

LESSIE'S P.O.V

"Bitawan mo na ako! Wag mong gawin to, please lang! Wag mo akong gahasain!" Umiiyak na pakiusap ko. Unti-unti nyang tinatanggal 'yung suot kong t-shirt. Shit!

Tinataas nya na ito hanggang sa tiyan ko. Shit! Konti na lang talaga ay makikita na ang dibdib ko, buti na lang natigil ito ng may sumapak sa kanya.

Nabuhayan naman bigla. Agad ko 'yung ibinaba at nakita kong hindi si Gray 'yun. Bigla naman akong nanlumo, ngunit nabigla ng makita ko si Lucas?

"L--ucas?" Na-uutal na sambit ko. Sobrang nabigla naman ako kung bakit at paano syang na rito?

"Lessie, you okay?" Nag-aalalang tanong nya tsaka nya ako hinawakan sa kamay.

"Okay lang ako, bakit ka na rito?" Seryosong tanong ko.

"Tsaka ko na ipapaliwanag, tumakas kana. Puntahan mo na si Gray." Seryosong sabi nya.

"Oo. Mang-iingat ka." Tumango ako sa sinabi nya tsaka ko sya inawanan.

Agad akong naglakad palabas, hindi ko makita si Gray. Patuloy ako sa paglakakad hanggang sa may narinig ako sa may corridor na sumisigaw. Si Gray kaya 'yun?

Patakbo akong naglakad papunta ron at nakita kong pinapapalo sya ng baseball bat ng tatlont lalaki.

Agad kong kinuha 'yung baseball bat sa gilid at pinalo yung isa sa may ulo at tsaka ito natumba, sunod naman 'yung isa sa paa at sa may leeg. Tumayo naman yung pinalo ko sa paa, agad ko syang sinipa sa tiyan at sinuntok sa ulo. Yun, tuloy.

Umiiyak ako habang kinakalagan sya sa mga kamay nya. Puro pasa at sugat ang buong katawan nya, pati 'yung napakagwapo nyang mukha. Tuloy-tuloy akong umiiiyak at sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Shit.

"Gray, are you okay?" Umiiyak na tanong ko.

Puro pasa at putok ang isa nyang mata pati 'yung labi nya. Pinilit nyang ngumiti sa akin kahit ramdam kong sobrang sakit nung mga pasa nya sa kanyang mukha. Gray, why are you like this. Dapat lumaban ka!

"Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo ito ginawa!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya habang hinahawakan sya sa mukha nya.

Pinupunasan ko 'yung dugo sa labi nya gamit 'yung daliri ko. Nakahawak naman sya sa bewang ko habang magkayakap kami.

"I can't. Hindi pwedeng lumaban, kasi nandyan ka sa kanila. Okay lang ako, don't worry." Pinipilit na ngumiti na sabi nya.

Sobrang lambing ng boses nya. Sobrang naaawa ako sa kanya, sobra akong nadudurog habang nakikita syang ganito! Shit. Kasalanan ko 'to e. Kung hindi dahil sa akin, hindi 'to mangyayari sayo!

Dahil sa akin, kaya sya naging ganito! Hindi ko man lang sya na protektahan! Ang tanga ko! Wala akong kwenta! Puro lang ako salita! Ang bobo ko! Tangaaa ko!

"I'm sorry, I failed to protect you. I'm really sorry. Sorry Babe." Tsaka ko syang niyakap ng sobrang higpit. Pinapatahan nya naman ako.

"It's okay. Don't be sorry, this is not your fault. I'm okay, I'm fine. Don't worry about me. Kaya ko pa naman, hindi naman masakit." Malambing na sabi na mas lalong nakapagpaiyak sa akin.

Napakasinungaling nya talaga. Nakikita ko ngang nasasaktan sya tapos walang masakit? Parang gusto ko syang batukan e.

"No, you're not! Wag mong ipakitang matapang ka! Kasi iba 'yun sa nakikita ko ngayon! Aminin mong masakit!  Kung gusto mo sipain kita dyan e." Inis na sabi ko.

"You're so maarte na naman." Inis na sabi nya.

"Sipain kita?" Inis na sabi ko rin.

'Yung nasa alanganin na nga ang buhay namin nagawa pa naming mag-away e. Nagawa pang mag-inarte e. Galeng-galeng.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now