CHAPTER 11-Finding Gray Wattson

2.7K 111 1
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

LESSIE'S P.O.V

Dumaretso na kami ng Cafeteria at nag-order pagkatapos ay kumain. Habang kumakain kaming tatlo, patuloy pa rin ang mga bulong- bulungan nila tungkol sa nangyaring pagpatay sa lalaking 'yun.

Pero ang nakakainis lang sa nangyari, ay wala man lang PULIS na pumunta dito para man lang imbestigahan ang nangyari ron sa lalaki. Hindi man lang nabigyan katarungan 'yung pagkamatay nya.

Pero, kagaya nga ng sinabi ko kanina, ay isa syang SPY ng ibang Mafia, kaya 'yan ang kinahantungan nya. Ginusto nya 'yan kaya panindigan nya! Sinayang lang nya yung buhay nya.

Kung hindi nya sana 'yun ginawa, edi sana buhay pa sya ngayon at nilalanghap pa ang preskong hanging dito sa mundo. Eh, ang kaso nga patay na. Patay na!

Alangan namang tumayo yan ngayon at mabuhay. Sana masaya kana kung saan kaman naroon. Dahil ginusto mo 'yan. Kaya syempre masaya ka dyan.

"Lessie, huwag ka ng lalabas kapag gabi ah? Kapag hindi ka makatulog doon ka lang sa sala at manood ka ng T.V. Delikado na ngayon ang panahon lalo't pa't Bloody Month na ngayon. Uso na ngayon ang patayan. Kahit nga hindi ka sangkot sa gulo nadadamay, kaya umiwas kana muna sa mga gulo rito. " Nag-aalalang sabi ni Jerri.

Kapag kasi hindi ako makatulog kapag gabi ay lumalabas talaga ako ng Dorm para magpahangin at para na rin e-relax ang sarili. Madalas ko talaga yang ginagawa. Pero kahit na basagulera ako ay gusto ko pa rin naman mabuhay, kaya lulubayan ko muna ang gulo ngayon. Ayaw ko pa namang iwan ang Lolo ko no?

Paano na lang sya mabubuhay, kapag wala na ako?

Siguradong malulungkot sya. Kahit naman ganito ang ugali ko, mahal na mahal ako non.

"Oo." sagot ko sabay subo ng kanin.

"Ngayon kasing Bloody Month ay ginagawa 'tong paraan ng ibang mga Istudyante rito para pumatay ng nga kalaban nila, lalong lalo na yung mga taong umaapi sa kanila. Kaya lubay-lubayan muna ang gulo ngayon. Lalo pa't malaking kalaban 'yan si Tanisha kapag Bloody Month. Naghi-hired sya ng mga Mafia reaper  sa labas ng School para ipapatay 'yung mga taong kumakalaban sa kanya. Kaya dapat tayong mag-ingat na tatlo. Hindi natin alam kung anong pwedeng gawin sa atin ni Tanisha at ng mga kasama nya." Nag-aalala ring sabi ni Darcy.

Tama sya. Kaya kailangan kong bantayan ngayon ang bawat galaw ko. Kailangan ko ring pag-isipang mabuti ang gagawin kong mga kilos, baka kasi macorner nila ako at 'yun, wala na akong takasan pa.

Edi, kapag ganoon, ay patay na si Lessie May Addison.

Sino na ang magbabantay ng Lolo ko kapag ganoon?

"Oo, kaya kailangan na nating tatlo mag-ingat."silang dalawa. Tumango na lamang ako.

"At tsaka suggestion ko sana. Huwag sana tayong nagkakahiwalay para walang mangyaring masama sa atin. Kasi kapag magkakahiwalay tayo magkakaroon ng chance 'yung mga kalaban natin na gumawa ng masama sa bawat isa sa atin. Kaya kung sama-sana tayong tatlo ay walang sinuman ang maglalakas ng loob na galawin tayo. Dahil kay Lessie palang PATAY NA AGAD SILA!" proud to be na sabi ni Jerri habang humahalakhak pa.

"Hahahahaha"

"May point ka naman dyan Jerri. Kaya mas mabuting sama-sama tayo para kung may gawin man sila sa ating masama ay magkakasama tayo. Kaya naman nating ipagtanggol ang ating sarili." pagsasang-ayon ni Darcy.

May point naman sila. Dahil kung tatlo kami ay mahihirapan silang umatake sa amin at dahil nga tatlo kami mayroon kaming laban sa kanila. At ang maganda pa rito ay kung mabugbog man kami eh, Tatlo kaming may mga pasa at may mga sugat. Tatlo kaming baldado..

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now