Chapter 64- Threat

77 0 0
                                    

Lessie's P.O.V

"Tungkol nga pala saan 'yung sinasabe ni Martha kanina? May mga hindi pa ba ako alam bukod sa mga nangyayari?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Kumawala sya sa pagkakayakap sa akin at naupo sa couch. Sumunod naman ako sa kanya.

"Wala 'yun. It's just that na sinasabe nya lang 'yun para bumalik ako sa Mafia. Don't mind her." Seryosong sabi nya.

Kung sabagay, ganon naman talaga 'yun e. Hindi ko nga matanggap na ganon 'yung gagawin nya sa akin. 'Yung tono ng pananalita nya at pati na rin 'yung mga salitang binitawan nya. Gusto nya lang talagang pabalikin si Gray at totoong naniniwala ako sa kanya.

Pero, hindi pa rin naman nawawala 'yung pagdududa ko sa kanya. Na baka mas lalo nya lang ipinapahamak 'yung sarili nya para sa akin. Para piliin nya ako over everything he has.

"Totoo ba 'yan?" Pagsisiguro ko.

Lumapit sya sa akin at hinawakan 'yung dalawang kamay ko. Tumingin naman sya sa mga mata ko. Sobrang kalmado sya at alam kong hindi sya nagsisinungaling.

"Oo naman. Why would I lie?"

Nakangiting sabi nya tsaka nya hinalikan 'yung kamay ko. Napasinghap naman ako sa ginawa nya. Sobrang sweet talaga neto.

"I know naman. Naniniwala ako sayo kasi may trust ako. Sana palagi mo 'yung iisipin." Nakangiting sabi ko habang pinipisil pisil 'yung mga daliri nya. Tumango naman sya.

"I promise. Sasabihin ko sayo lahat, hindi ako magsesekreto. I love you Babe." Nagpapakyut na sabi nya.

"I love you too. Siguraduhin mo lang talaga, at kung hindi malilintikan ka! Pero, naiintindihan ko naman kung ba't nya 'yun nagawa. Hayaan mo na lang si Martha."

"Wag mo na syang kausapin, okay na ako. Baka mapahamak ka pa dyan, iba ang ugali nya Gray. Hindi natin nasisiguro na baka may masama syang gawin  laban sayo." Nag-aalalang sabi.

Wala na akong tiwala kay Martha, hawak sya mg Ama ni Gray at malabong walang iutos na masama 'yun laban sa anak nya. Natatakot na ako sa kanya. Umiling naman sya sa mga sinabe ko.

"I know her very well, Babe. Kilala ko sya at hindi nya magagawa 'yun sa akin. Besides we're friends since childhood. Kilalang-kilala ko sya, ang gawi nya at lahat ng likos nya. Hindi nya magagawang saktan ako. I can guarantee you Babe." Seryosong sabi nya habang kita mo naman kung paano sya nagtitiwala sa kanya.

Proud pa talaga sya ron sa kaibigan nya? Hys, Gray. Well. Wala naman akong magagawa, kilala nya 'yun simula bata pa sila,  kaya alam nya kung anong kaya at possible na gawin neto  laban sa kanya.

"Well, okay. Wag ka lang nyang sasaktan kasi ako makakalaban nya." Walang halong birong sabi ko, nabigla naman sya, at tsaka tumawa. 

"Ayy? Ibang klase naman ang jowa ko. Palaban ah? Scary ka Babe." Nag-e-enjoy na sabi nya.

"Tumigil ka dyan! Papansin!" Inis na sabi ko tsaka tumayo at uminom ng tubig.

"Love na love mo talaga ako e, no?"nangiinis na sabi nya.

"Tse. Mukha mo!" Sigaw ko sa kanya.


One week later...

Mabilis na lumipas ang isang linggo at ganon pa rin ang estado ng buhay namin ni Gray. Masaya kami kasama 'yung mga kaibigan namin. 'Yung tungkol naman may Martha, simula nung nangyari 'yun sa cafeteria ay hindi na sya pumasok pa.

Wala namang may nakakapagsabi kung nasaan sya, kasi wala namang nagtatanong. Iniwasan nila ang madawit si Martha sa mga topic namin. Hindi na rin ako nagtanong kay Gray o kina Clark at Drey.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now