Chapter 38- Farewell Letters

422 11 6
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie's P.O.V

Mabilis kaming umalis ng hospital sakay ng kotse ni Clark. Medyo malayo 'yung hospital sa Dorm namin, kaya nagdala ng kotse si Clark para may masakyan kami pauwi. Hindi pa rin ako tumatahan sa pag-iyak kahit sobrang pinipigilan ko na talagang tumulo mga luha ko. Niyayakap ako ngayon nina Jerri at Darcy. Si Clark naman nasa driver seat at nagmamaneho.

"Tahana Lessie." Malambing na sabi ni Jerri.

Hindi pa rin mawaglit sa isip ko 'yung itsura ni Gray Wattson, kung paano sya umiyak, tumulo 'yung luha sa mga mata nya  padaloy sa pisngi nya. 'Yung mga mata nyang sobrang nasasaktan. 'Yung pagyakap sa akin na nagdulot ng matinding epekto sa akin. Gustong bumalik sa kanya, gusto kong kalimutan na lang 'yung nangayari sa amin at bumalik ulit kami sa dati. Gustong-gusto pa rin kita Gray Wattson ka!

"Tama na, Lessie." Si Darcy.

Nang makarating kami ng dorm ay mas naging okay na ako. Hindi ako umiyak at parang ulirat ako sa mga mangyayari sa akin ngayon. Inalalayan nila akong bumaba ng kotse ni Clark. Pagkababa ko agad kong hinarap si Clark para magpasalamat.

"Clark, Thank you very much." Tsaka ko sya niyakap ng sobrang higpit.

Last na'to kaya ito ang magsisilbing farewell ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na niyayakap nya na rin ako ng sobrang higpit. Bumitaw ang yakapan namin ng biglang magsalita si Jerri.

"Ehem, ehem, ehem."

Agad akong bumitaw sa yakap nya at sabay sabing,

"Sorry." tinarayan nya lang ako. To'ng babaeng to! Grrrr!

"Tss."

"Si Jerri daw gusto rin ng yakap mo Clark HAHAHA." pagbibiro ni Darcy.

Ngumiti naman si Clark at inis na hinampas ni Jerri si Darcy sa braso. Dumaing naman ito dahil sobrang lakas ng pagkakapalo nya.

"Aray naman!" Inis na sigaw nito. Tinarayan lang sya ni Darcy. Para 'tong aso't pusa hayst. Mami-miss ko kayo, supper.

"Pasok na nga tayo." Sabi ko sa kanila.

"Oo na po." Si Darcy. Lumingon ako kay Clark at sumenyas na papasok na kami, tumango naman sya sa akin.

"Bakit ba napaka cold sa akin Clark?" Inis na tanong nya sa amin. Habang naglalakad kami papuntang elevator.

"Eh, kasi naman hindi naman ikaw ang gusto non. 'Tong kaibigan natin oh?" Sabay turo sa akin ni Darcy tinarayan ko sya.

"Oy, mali ka dyan sa iniisip mo, magkaibigan lang kami non." Depensa ko sa sarili ko.

"Weh? Di nga?" Hindi kumbinsidong sabi ni Darcy.

"Bahala nga kayo dyan!" Sabay pasok sa elevator.

"Kainis ka, Clark!" Sigaw ni Jerri. Parang bata to.

"Magugustuhan ka naman non Jerri, tiwala lang." Pagpapalakas loob na sabi ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin habang nag puppy eyes.

"Talaga?"

"Oo nga." Nakangiting sagot ko.

"Yehey, ilakad mo ako ah? Close kayo eh." Nakangiting sabi nya.

"Oo nga promise. "

Nang makapasok kami ay agad ako dumaretso sa kwarto ko. Pero bago yun,

"Sige, pahinga na ako. Goodnight sainyo." Sabi ko sa kanila at nahiga na ng tuluyan sa kama ko.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now