CHAPTER 8- Allergy

2.9K 140 8
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

LESSIE MAY'S POV.

"Lessie dito." sigaw ni Jerri habang iwinawagayway ang kamay nito. Tumango naman ako sa kanya. Naglakad ako papuntang mesa nila habang pasulyap na hinahanap si Gray Wattson.

Nasaan naman kaya ang lalaking yun? Ni anino nya hindi ko man lang makita. O, baka naman patay na?

Mabuti na lang talaga hindi na galit sa akin ngayon si Jerri. Pagdating ko sa mesa ay agad naman akong umupo, pero pasulyap pa rin akong tumitingin-tingin sa paligid.

"Uhm.. Lessie anong gusto mong kainin?" Tanong ni Jerri.

"Ahh, bahala na lang kayo, tutal ikaw naman ang mag-o-order diba?"sagot ko.

"Okay, okay lang kung gulay ang  bilhin ko?" Tanong nya.

"Okay." Tipid na sagot ko.

Naiwan kami ni Darcy dito sa mesa ng walang umiimik.

"Ehem, ehem, ehem!" Si Darcy.

"Alam mo Lessie, huwag mo naman sanang mamasamain ang mga ipinapakita namin sayong pag-iingat dahil concern lang kami sayo ni Jerri. Lalo't pa't ikaw lang ang nag-iisang kaibigan namin dito sa Ashton Academy at ayaw namin na may mangyaring masama sayo, dahil hindi namin kaya. Kaya sana naman, pahalagahan mo at mag-ingat ka naman. Hindi namin kayang mawalan ng kaibigan. Kahit na alam kong nakakainis na ang pagka-concern namin sayo, sana naman hayaan mo lang 'yun." Seryosong sabi nya.

Hindi muna ako nagsalita. Ipinangako ko sa sarili ko na bukod kay Lolo ay wala na akong mahal pa sa buhay.

Dahil kapag nagmahal ka ng buong-buo, sa huli iiwan ka rin namin nila.

Kaya 'yun ang naging paraan ko, kaya wala na akong interes pa sa ibang tao. Mas gusto ko na lang na ang makipag-away kaysa sa makipagbarkada. Sa pakikipagaway kasi,sarili mo lang ang maaasahan mo at yang sarili mong yan, hindi ka nyan iiwan,  mananatili lang yang tapat sayo kahit na anong mangyari. 

Ang pakikipagkaibigan? Ni hindi mo nga alam na totoo ba sila sayo? O, baka naman pagnakaharap kulang na lang ay pati regla mo puriin nila, eh? Kapag nakatalikod sila, kulang na lang pati kulangot mo machizmis nila. Kaya mas pipiliin ko na lang ang makipag-ayaw kaysa ang makipagkaibigan.

Pero bakit ngayon parang nagbago na? Nakikipagkaibigan na ako ngayon sa mga taong hindi ko man lang kilala.

Nagsisimula na bang lumambot 'yang puso mo, ah? Lessie May Addison?

"Ah, wala naman talaga akong pakialam doon e." Walang pakialam na sagot ko.

"Ano nga palang pinag-uusapan nyo?" Biglang sulpot na tanong ni Jerri.

"Ah, wala naman." Sagot ko.

"Okay, sige kain na tayo." Masayang sabi nya habang sabay abot ng okrang gulay sa akin.

"Heto ah, kainin mo yan at tsaka heto pa. Ang sabi kasi sa akin ng Lola ko maganda daw yang gulay na yan para sa mga anemic sa dugo.". Paliwanag nya.

Wow naman talaga,  yung mga gulay pa talagang ayaw na ayaw kong kinakain ang binili nya.

Ibang klase naman talaga. Hays, Paano ba to? Eh, hindi naman ako kumakain ng okra. Eh, kasi parang saliva ng tao ang okra. Nakakadiri! Yung ampalaya naman hindi naman talaga kasi ako kumakain ng ganyan kasi ang pait-pait.

Parang naduduwal ako nyan eh. Pero, ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh, nandyan na yan. Bawal namang sayangin ang grasya ng Dyos. Kasi mapaparusahan ka. Karma.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now