CHAPTER 19 - ACQUAINTANCE PARTY 3 (Selos)

2.4K 90 24
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

LESSIE MAY'S P.O.V

Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang yakapin sya. Wala akong pakialam sa ibang tao kapag nasasaktan sila sa Pag-ibig, pero ngayon parang nagbago na ang pananaw ko.

Mahirap ang Ma-inlove? Oo. Pero, mas mahirap ma-inlove kapag alam mong wala ka naman talagang pag-asa. Pero, dahil nga sa mahal na mahal mo sya, ay gagawin ang lahat para sa kanya. Kahit alam mo ng masasaktan ka lang naman. Sumusugal ka parin. Napaka ''KILLER'' talaga ng pag-ibig.

Maya-maya ay kumawala na ako sa kanya. Nakikita ko pa rin hanggang ngayon ang mga luha sa pisngi nya na patuloy na bumabagsak. Bukod sa Hug wala na akong maisip na ibang solusyon para pagaanin nya ang kalooban nya. Wala akong alam sa LOVE, LOVE na yan. Basta ang alam ko lang ay

''HUWAG MONG PAGLARUAN ANG DAMDAMIN NG IBA, DAHIL MAY KARMA!'' turo ng Lolo ko. Kaya ang LOVE na pinag-uusapan mahirap na yan.

''Sorry.'' sambit nya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

''Okay lang yan. Pwede kang umiyak sa harapan ko at pwede mo akong yakapin. Pero, ngayon lang a?'' pagbibiro ko sa kanya. Tumawa naman sya.

''HAHAHAHA.''

''Oops. Tumatawa kana ngayon. Sobrang effective ko na talaga mag-Joke ngayon. Believe na ako sa talent ko ngayon.'' nakangiting sabi ko sa kanya.

''Oo nga no. Sobrang Effective na.'' nakangiti ring sabi nya sa akin.

''Oopss. Finally, tumawa kana rin.''

''Sobrang mahal ko kasi 'yung taong yun e.'' seryoso at derestso nyang sabi. Hindi ako nakapagreact. Parang biglang pumula yata 'yung pisngi ko. Tapos nakangiti pa sya.

Oh? Shit. Huwag kang ngumiti.

''Bolero'' yun na lang nasabi ko.

Mga isang minuto pa kaming nagtagal doon ng matapos na 'yung Music at naglakad na kami papunta sa table namin. Pero, habang nasa kalayuan palang kami ni Clark ay tanaw na tanaw ko na si Gray na deretso at seryosong nakatingin sa akin. Nilabanan ko naman 'yung tingin nya.

Hindi ako papatalo sayo no!

Sobrang gwapo nya talaga sa Suit nya ngayon, talong-talo nya si Clark. Hays may kasalanan ka pa sa akin Gray.

Just ignored him Lessie. Ignored.

Nang makarating na kami sa table namin ay pinagbuhatan ako ng upuan ni Clark at ma-ingat na inalalayan na makaupo. Parang Princess lang ang Peg. Tiningnan lang ako ni Gray ng sobrang galit na galit. Bahala ka sa buhay. Basta galit ako sayo!

''So, ano naman 'yung pa''hug hug'' moments na yun?'' biro ni Darcy habang nakatingin kay Jerri na naiinis na.

''May ibang meaning yata yun eh?'' Banat naman ni Martha.

''Mukha nga eh!''. sabi naman ni Andrey.

Pinagtutulungan talaga kami neto ni Clark. Mukha talagang pinagseselos ang isang to sa kanan ko. Effective naman dahil mukhang magtatransform na.

''Yun ba? Friendly Hug lang yun.'' nakangiting sagot ko sa kanila.

''Pero, mukhang ibang level 'yung Hug mo e? Road to Pag-ibig na ba yun?'' si Martha.

''Kung yun ang tingin nyo wala naman akong magagawa.'' nakangiting sagot ko sa kanila. Hindi naman makapagsalita si Clark. Nahihiya yata sa akin at sa kanila.

''Hahaha. Iba ka talaga Lessie, lakas ng charisma e. Kabog na kabog!'' nakangiting sabi ni Martha sabay inom ng Wine.

''Ganoon ba? Parang hindi naman e?'' sagot ko sabay inom ng tubig.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now