Chapter 22- He saved me

1.4K 46 10
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie's P.O.V

Patuloy lang ako sa pag-ilag sa mga sipa nya. Sobrang bilis nya kaya  hindi ako nakakadiskarteng  umatake sa kanya. Ang taong to' sa  harapan ko ay hindi hamak na sobrang galing nya at wala na akong masabe. Mapapatay ako neto talaga.

Bigla nya akong na-corner sa isang sulok kaya agad nyang nasipa 'yung mukha ko.  Tumilapon ako sa isang sulok at dinamdam ang sakit non.

''Shit!'' bulalas ko ng may dumaosdos na dugo sa suot ko.

Hindi ako makagalaw sa sobrang lakas ng sipa nyang yun. Kailangan ko syang matalo kahit sa anong paraan, hindi pwedeng mawala ako! Hindi pwede! Itinukod ko ang kamay ko sa sahig at unti-unting tumayo.

''Kaya pa ba Lessie?'' pang-iinsultong sabi nya sa akin. Tiningnan ko sya ng masama ng makatayo na ako.

''Palaban talaga HAHA''

Buong pwersa ko syang inatake kaso mas mabilis pa sya sa inaasahan ko. Kung kanina ako ang umaatake sa kanya, ngayon naman sya na ang umaatake sa akin. Sunod-sunod nya akong pinagsususuntok at agad-agad naman akong umiilag. Nang nakahanap na ako ng tiyempo ay agad ko syang sinipa sa paa, kaya naman bumagsak sya sa sahig.

'Yun yung ginagawa kong paraan para umatras sa kanya at kinuha 'yung bakal malapit sa pinto. Paglingon ko sa likod ay nabigla ako ng nasa likod ko na sya, agad nya akong sinabunutan at  pinipilit na kunin 'yung hawak ko.

''Arayyyy!'' daing ko ng mas hinihigpitan nya ang pagsabunot sa akin.

Sinuntok nya ako sa tiyan na syang nagpabagsak sa akin at para mabitawan ko yung bakal na hawak ko.

''Hindi mo ako kaya Lessie.'' tumatawang sabi nya akin.

''Bakit, sino bang may sabing kaya kita?'' pang-iinsulto ko sa kanya. 

Nagtiim ang mga bagang nya at mabilis syang sumugod sa akin at sinapak nya ako sa mukha. Sa sobrang sakit ng pagkakasapak nya feeling ko nagmanhid 'yung mukha ko.

''Wala kang mapapala sa akin kahit na patayin mo pa ako HAHA''  nagawa ko pang humalakhak sa pagmumukha nya.

Ramdam  ko na  ngayon yung sakit ng katawan ko, gusto ko na lang maiyak. Itinayo nya ako gamit 'yung isang kamay nya at sinuntok ang tiyan ko. Napaubo na lang ako ng dugo sa sobrang sakit non. I can die in this situation right now. Gray, where are you now? Help me Pls.

''Patayin mo na lang kasi kaso, para matapos na to!'' eyes to eyes na sabi ko sa kanya.

''Hindi kita papatayin dahil pahihirapan lang kita. Ipaparamdam ko sayo ngayon kung anong klaseng buhay ang mararanasan  mo kapag si Gray Wattson ang makakatuluyan mo. Kaya pwede ka na ngayong magdesisyon kung kanino sa aming dalawa ka sasama. Kung ako na ang pipiliin mo ngayon, hindi na kita papahirapan pa, kasi naaawa na ako sayo. Mukhang hindi mo na kaya.''

''Kahit na ano pang sabihin mo dyan hindi ako mapupunta sayo! Demonyon ka!'' sigaw ko sa kanya.

Isang napakalakas na sampal naman ang dumapo sa mukha ko.  Nahihilo na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang nanghihina na talaga ako.

''Wala na akong magagawa dyan sayo Lessie, pinapili na kita't iba pa ang pinipili mo. Kamatayan lang ang magbubuno sayo ngayon.'' bigla nya akong tinutukan ng baril sa ulo at napapikit na lamang ako.

Nang bigla akong makarinig ng putukan ng baril sa labas. Kahit na sobrang hirap na sa aking igalaw ang katawan ko ay pinilit ko pa rin itong igalaw. Unti-unti ng nabubuhayan ngayon ng pag-asa ang katawan ko. Salamat naman at nandito kaya Gray Wattson. May biglang pumasok na lalaking tauhan ni Lucas.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now