Chapter 52- Meet the Mafia Father

327 11 4
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie's P.O.V

Nagising na lang ako sa liwanag ng sikat ng araw. Naiwan ko palang bukas ng binta ng kwartong ito, kaya
naman ay kinakain na kami ni Gray ng liwanag. Hindi naman masakit sa balat ang init, nakakairita lang sya dahil masakit sa mata.

Tumayo ako at  isinara ang bintana. Dumagdag na naman ang isang araw na hindi pa rin sya nagigising. Sobrang nag-aalala na talaga ako sa kanya, pabalik balik na nga ako sa Doctor nya para magtanong ng magtanong.

Kung bakit hindi pa rin sya nagigising. Palagi nya na lang sinasabi na nagpapahinga pa raw si Gray, kailangan pa obserbahan at kung ano-ano pa. Pero ang mahalaga ay okay naman daw lahat ng tests nya at hintayin na lamang na magising.

Ewan ko lang kung hindi pa 'yun magalit na Doctor sa akin. Kasi naman ang over reaction ko talaga. Kumuha ako ng bimbo at warm water para punasan sya.  Inuna ko ang labi nyang sobrang nakakabighabi.  Parang gusto ko syang halikan.

Sinasabi ng sistema kong halikan mo na, sobrang na miss ko labi nya. Unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa mukha nya. Iniiisip ko, baka magising na sya kapag hinalikan ko?  Ma try nga, parang sa mga fairytale lang? Di yun totoo, fake lang 'yun. Pinagpapaniwala lang nila tayo!

Baliw na ata ako. 

Hinawakan ko muna 'yung labi nya tsaka dinampian ng halik, sobrang na miss ko 'to. Sobrang na miss kitang Demon ng buhay ko!  Kaya sana naman gumising kana dyan. Masama kang tao kaya hindi ka basta-bastang mamamatay. 

Pagkatapos kong pagnasaan ang mukha nya, ay natulog muna ako roon sa sofa, sakit na kasi ng katawan ko at sobrang nakakapagod talaga.  Pero, keri bells naman, para sa kanya.

Nagising na lang ako ng may pumasok na tao, agad akong tumayo at kulang na lang akong matumba dahil sa sobrang pagkabigla ko. Ang Ama nya. Shit. Nakatayo lang  ako ngayon dito at hindi alam ang gagawin.

Nanginginig ako ngayon, shit. Di ko alam kung lalapit ba ako magpapakilala? Magmamano or so what! Sobrang lutang ako sa ngayon. Walang lumalabas na boses sa bibig ko, kahit man lang batiin sya.

Bullshit talaga!

Shit!

Shit!

Shit!

Shit!

Dammit!

Tangging pagmura lang ang alam kong gawin sa ngayon. Natatakot ako sa kanya, sobrang nakakatakot 'yung mga titig nya sa akin. Una nyang tinitigan ang anak nyang nakaratay, sunod naman ako at hanggang sa na pako na ang tingin sa akin at agaw na agaw ang atensyon nya.

Ganon ba ako kasama para sa anak nya? Hindi ba talaga kami pwede? Sobra bang ayaw na ayaw nya sa akin? Luh! Maloloka na akooo!

HELP!

Hanggang sa hindi ko na makayanan ang titig nya sa akin, kaya ako na ang unang bumitaw.  Nakatingin lang ako sa ibaba, sa sahig  habang kinukurot ang mga kamay ko. Para akong suspek sa hindi malamang krimen dahil sa sobrang takot.

In-iisip ko kung hanggang kailan kaya sya aalis? Papaalisin nya kaya ako rito? Hayss na buhay mo 'to Lessie! Mas lalo akong kinabahan ng biglang magsalita ang Secretary nya.

"Sir, sya si Lessie, ang girl--" putol na sabi ng Secretary nya.

Mas dumomble  pa lalo 'yung kaba ko dahil sa sinabi ng Secretary nya.  Hays!  FYI ho, hindi na ho kami ng anak nyo.  Wala na ho kami, pero nandito pa rin ako para sa kanya.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now