Chapter 74- Hostage

72 4 0
                                    

Lessie's P.O.V

Tumalikod na ako sa kanya at lumapit na kay Gray. Nakatayo na rin si Gray at inakbayan ako. Naglalakad na kami palabas ng pinto ng mag ring ang phone ko. Napahinto naman kami sa paglalakad.

"Sandali lang, sagutin ko lang." tumango naman sya.

Agad kong kinuha 'yung phone ko at tiningnan kung sino 'yung tumatawag. Si Lolo pala. Sinagot ko naman kaagad.

"Hello, Lolo." sagot ko.

Isang boses na tumatawa ang narinig kong sumagot ko sa akin. 'Yung boses na 'yun na kilalang-kilala ko. 'Yung taong muntik na kaming mapatay ni Gray. Nangilabot naman 'yung katawan ko at nagsisimula na akong mag panic habang lakas ng tibok ng puso ko.

"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Gray sa gilid ko.

Napaiyak ako habang pinapakinggan 'yung tawa nya. Shit! Bakit syaaa? Si Lolo nasaan?

"Gray, si Lolo." umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Pumunta ka rito ngayon, kung gusto mo pang makitang buhay 'tong uugod-ugod mong Lolo. May isang oras ka lang Lessie May Addison." tumatawang sabi nyang hindi ko na alam ang gagawin ko.

Agad naman na kinuha ni Gray 'yung hawak kong phone, at kinusap 'yung kapatid nya.

"Kuya, please.. Ako ang kailangan mo, wag mo na syang idamay pa. Wala syang kinalaman dito! Please lang Kuyaaa!"

Hindi ko alam ang gagawin ko, niyakap naman ako ni Gray ngayon. Pinapatahan nya ako sa pagiyak. Hindi ko ma kontrol ang sarili ko, 'yung nararamadam ko kakaiba. Pakiramdam ko may masamang mangyayari ngayon.

"Stop crying na. We'll save your Lolo." bakas sa mukha nyang kaya nyang isalba ang Lolo ko sa kamay ng demonyo nya kapated.

Tumango ako habang nakayakap  sa kanya.

"I can't live without him, Gray." napahagulgol na ako sa iyak.

Sobrang intense ng emosyon ko ngayon. Kahit na ano na lang ang sumasagi sa isipan kong hindi naman talaga kaaya-aya. Pinakalma nya ako at tinawagan sila Clark.

Maya-maya lang ay na dyan na sila Clark at Drey. Sobrang bilis nilang hindi umaabot ng isang oras ang biyahe mula ron hanggang dito.

"Anong nangyari?" hingal na tanong nya.

"Nakidnap ang Lolo ko, 'yung walang yang Sid na 'yun!" umiiyak na sabi ko habang pinapatahan ako ni Gray.

"Puntahan na agad natin sya. Isang oras ang palugit, hindi ko kayang mawala 'yung Lolo ko! Nakikiusap ako sainyo, puntahan na natin sya!" sigaw ko sa kanila habang isa isa silang nilalapitan.

"Pupuntahan na namin sya, pero hindi ka sasama." seryosong sabi ni Gray habang pinapaupo ako sa bench. Umiling ako.

"Hindi pwede Gray! Ayoko! Lolo ko 'yun, dapat nandon ako! Ako 'yung kailangan nila! Akoo! Ako ang magliligtas sa kanya!"

Gulong-gulo na ang utak ko na hindi na ito nag-iisip ng maayos. Gusto ko na agad na puntahan sya, iligtas sya. Bahala na kung anong mangyari, basta maligtas  ko lang sya.

"Hindi pwede! Delikado ron, Lessie!" Galit na sigaw nya sa akin.

"Kung ayaw mo akong isama, ako ang pupunta mag-isa ron! Bahala ka!" sigaw ko sa kanya.

Tumayo na ako at iniwanan silang tatlo. Magsama- )sama kayoo! BWISIT! Patakbo akong lumabas ng Hospital. Pagkalabas ko, wala nga pala akong sasakyan. Ano na ang gagawin ko? Mangnanakaw pa ako ng sasakyan? Shit!

Asan na ba sila? Ang tatagal nilaaa! Pakshet! Anong oras na? Buhay ng Lolo ko 'yung nakataya ron! Wala akong choice kundi ang tumakbo palayo. Bahala na sila sa buhay nila. Sa kalagitnaan ng pagtakbo ko may pumarang sasakyan. Sasakyan ni Gray.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now