Chapter 76- Galit

81 3 0
                                    

Lessie's P.O.V

Hinahawak ni Gray 'yung kamay ko pero tinabig ko ito.  Tumawa ako ng sobra ng makita ko 'yung Ama nyang nakatingin sa aming dalawa. At talagang pinagmamasdan nya pa kami ah?

Sa mga ginawa nya sa amin, sa akin, at sa pamilya ko may gana pa syang tingnan ako? Wala ba syang konsensya? Pakshet!

Sunod-sunod na pagmumura ang sinasabe ko sa utak ko. Pinipigilan ko ang sarili kong makagawa ng masama na sa huli ay baka maging regrets ko lang. Huminga ako ng lalim tsaka tumawa.

''So? Ano 'to? Totoo ba ang lahat ng mga ito?'' tumatawang sabi ko sa kanila, sa lahat ng taong nandi-dito ngayon.

Ni isa sa kanila ay walang umimik at naglakas ng loob man lang na magsalita, maliban na lang kay Sid na Satanas.

''Tanga ka ba, Lessie? Totoo 'yan lahat, walang kulang walang labis, pawang katotohanan lang ang lahat. Hindi mo pa rin ba matanggap ang katotohanan na hindi kayo bagay?'' nginitian ko lang sya at tsaka binaril sa kabilang legs nya. Dumaig naman sya.

''Salamat ah, mas maintindihan ko pa tuloy ng dahil sayo.''

Humarap ako kay Gray na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin kahit na ma-se-sense mo sa mukha nyang mahirap din ito para sa kanya.

'' 'Yung Ama mo Gray asan na nga?'' tanong ko sa kanya habang hindi naman sya nagsasalita. Tumawa lang ako.

''Tinago nyo na ba bigla?'' tanong ko ron sa mga tauhan ng Ama nya.

Nakita ko 'yung Ama nyang nakaupo sa isang upuan at nanghihinang nakatingin sa akin. Akma akong lalapit sa kanya ng pigilan ako ni Gray. Hinawakan nya ako sa braso ng sobrang higpit ng hindi man lang ako pinayagang makalakad ng kahit ni isang hakbang man lang.

Nagpupumiglas akong pinagmumura sya, pero sya wala lang sya. Nanatili syang pinipigilan ako na baka natatakot syang kung anong gawin kong masama sa Ama nya. Na 'yang Ama  nya ang dahilan kung bakit naging masalimuot ang buhay ko simula't sapul palang!

''Bullshit Gray, bitawan mo ako kung hindi pagsisisihan mo ang ginagawa mong ito sa akin! BITAWAN MO AKOOO, GAGU!'' pinagmumura ko lang sya pero hindi nya ako binibitawan.

Tawa-tawa naman 'yung satanas nyang kapatid habang pinapanood kaming mag taping! Bullshit.

''PAKSHET KA! BITAWAN MO SABI AKOO!'' pinagkukurot ko na sya't lahat-lahat na pero ayaw nya. Sobra nyang tikas na hindi ko talaga kayang kumawala.

''Stop this Lessie! Hindi ito nakakatulong!'' seryosong sabi nya.

"STOP THIS? SERYOSO KA BA? AH? O TANGA KA LANG?'' galit na sigaw ko sa kanya.

''TUMIGIL KANA!'' sigaw nya rin pabalik.

''At ba't ako titigil ah? Sinira ng Demonyo mong Ama ang buhay ko! Buhay ko ang sinira nya! Pinatay nya ang magulang ko at ngayon sisigawan mo ako ng ganyan at papatigilin? Nahihibang kana ba? Gray Wattson!''

"Alam ko! Narinig ko. Pero wag ganito, Lessie! Nakikiusap ako!" niyakap nya naman ako ng sobrang higpit pero AYOKO!

Tinatanggal ko 'yung pagkakayakap nya sa akin at hinayaan nya naman ako.

''Pwede ba? Wag kang makialam dito Gray, kung ayaw mong masangkot sa gulong ito! Pareho tayong biktima ng kasinungalingan ng Ama mo! Tapos ngayon, ipagtatanggol mo sya sa harapan ko? Putek naman 'yun Gray!'' hindi ko na pigilan ang galit ko.

Sobra-sobra ang galit sa puso ko ngayon at talagang kulang na lang sumabog ang utak ko sa mga nalaman at narinig ko ngayong araw. Imbes na magalit sya sa Ama nya, sa akin sya nagagalit!

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now