CHAPTER 18 - Acquaintance Party 2 (Clark's Moment)

2.4K 91 42
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!


LESSIE'S P.O.V

Nakaupo lang kaming tatlo dito ngayon habang inaantay na magsimula 'yung Party. Hindi ko mapigilang hindi magpalinga-linga sa loob ng Gym nato dahil, hindi ko alam kung ligtas ba kaming tatlo sa lugar na'to o baka naman hindi?

Kailangan talaga ng dobleng ingat ngayon lalo't pa't open gate pala ngayon. In-short labas pasok ang mga outsider ngayon. Patuloy lang akong inom ng inom ng tubig dahil sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gustong lumabas ng puso sa loob ng katawan.

''Lessie, may problema ba?'' Nag-aalalang tanong ni Jerri sa akin.

Kahit hindi ko nakikita ang kabuuan ng mukha nya alam na alam kong nag-aalala sya. Dahil sa tono palang ng boses nya malalaman mo na.

''Uhmm. Wala naman.'' sagot ko sabay ngiti sa kanya.

''Pansin ko kasing kanina ka pa dyan inom ng inom ng tubig.'' Napansin nya pala yun? Nakatatlo na kasi akong baso ng tubig na nainom.

''Ah. Yun ba?  Masakit kasi yung lalamunan ko kaya kailangan ko ng tubig. Napasobra yata 'yung kain ko ng cake na ginawa mo.'' pagdadahilan ko sa kanya. Sana effective!

''Ah, Ganon ba. Sige sa susunod babawasan ko 'yung asukal para hindi na masyadong matamis. Pasensya na.'' Nagu-guilty na sabi nya. Tuloy na Guilty sya.

''Ah, hindi naman. Okay lang yun kasalanan ko naman eh.'' pambabawi ko.

''Ah, okay lang yun. Mukhang magsisimula na yata 'yung Party.'' sabi nya sabay harap sa stage.

Mukhang magsisimula na nga talaga 'yung Party. Kung ako ang tatanungin lahat ng dito ngayon ay sobrang pinaghandaan talaga tong Party na'to. Masasabi kong lahat ng mga taong nandito ay may mga magagarang kasuotan. Kahit ang iba ay simple lang ang suot pero alam kong sobrang ang mamahal non.

Nadinig ko nga kanina 'yung usapan ng ibang mga babae ng dumaan kami Nagpatahi pa daw sila ng damit sa London at 'yung pinakabihasa pa daw ang nagtahi ng Gown nila ngayon. Ng lumingon naman ako doon muntik na akong mapapanganga dahil sa ganda talaga non.

Sorbang nahiya naman ako sa suot kong damit ngayon. Ako lang yata ang may pinakamurang dahit na suot dito ngayon. Nakakahiya naman. Eh, ano naman isang gamit lang naman nito. At pagkaapos gamitin tambak lang naman to sa Cabinet ko. Kaya sayang lang ng pera. Sobrang halaga pa naman ng pera ngayon dito sa Pilipinas.

''Okay, My Dear Students, Please Stand.'' Announce ng Emcee. Tayuan naman kaming lahat.

''So, Ready na ba kayong lahat!'' Super duper energetic na sigaw nya sa Mic.

'Yung mga tao naman dito sa loob ng Gym akala mo nanonood lang ng Basket Ball kung magsigawan. Muntik ng matanggal ng 'yung tenga ko sa sobrang sakit sa tenga.

''YESSSSSSSSS!''sigaw nilang lahat maliban sa akin.

''Okay, SO, LET THE PARTY BEGINSSS!'' Sobrang lakas ng pagkakasigaw nya.

Akala nya naman sa kanya tong Pilipinas. Eh, hindi naman. Joke. Agad na nagpakawala ng nakakalokang tugtog dito ngayon. Wala akong nagawa kundi ang maupo na lamang. Wala akong balak na sumayaw ngayon.

Hindi ako  sanay, agad na nagpuntahan 'yung karamihan sa Dance Floor para sumayaw. 'Yung iba naman na KJ na kagaya ako ay nanatiling nakaupo lang habang pinagmamasdan sila. Sina Jerri at Darcy naman niyaya akong sumayaw pero hindi ako pumayag. Tama ng pinaunlakan ko silang pumunta dito, pero yung sayaw-sayaw na yan.

Stop Me! Hindi ako sumasayaw.

''Hoy, Lessie sigurado ka bang ayaw mong sumayaw dyan?'' tanong naman ni Jerri. Teka, nakailang ulit na ba tong babaeng to kakatanong ng ganyan. Siguro mga anim na beses na.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now