Chapter 84- Worthless

225 4 3
                                    

GRAY'S P.O.V

1 WEEK LATER....

Lumipas ang mga isang linggo  at hindi pa rin sya bumabalik. Mababaliw na ata ako kakahintay sa kanya at talagang hindi ko na kayang hintayin pa sya. Ipinahanap ko naman sya at agad din naman nilang na locate kung nasaan sya.

Nasa ibang bansa sya, nasa South Korea sya. Gustong-gusto ko syang puntahan pero hindi ko ginawa. Nag-aalangan akong baka kapag nakita nya ako ay masasaktan ko ulit sya. Baka hindi nya na naman kayanin at tuluyan na syang mawala sa akin. I cannot afford that.

Kaya naman ay hindi ko na inalam pa ang buong detalye. Ang alam ko lang ay nasa Korea sya. Pinadalahan naman nila ako mga litrato nya at talagang nag-e-enjoy naman sya sa trip nya.

Napapaiyak na lang ako ngayon habang tinitingnan ang mga litrato nya, ang ganda ng mga kuha sa kanya. Enjoy na enjoy ang bakasyon at talagang mahahanap ang inasam-asam nyang kalayaan.

Ang kalayaang makapag-isip at maging mag-isa ng hindi nya ako kasama. Fuck. Napaluha na lang akong napapamura ngayon. I misses her.

I misses her that it breaks my heart.

Na miss-miss nya kaya ako? Paniguradong OO 'yun, nagbigay din ako ng security for her. 'Yung best Mafia reaper ang ipinadala ko sa South Korea para bantayan syang walang mangyaring masama sa kanya, dahil wala ako sa tabi nya para protektahan sya.

Araw-araw naman nila akong pinapadalahan ng mga litrato nya, kung saan sya nagpupunta, kung kumakain ba sya o kung ano-ano pa. Mabuti naman at walang mga lalaking umaaligid-aligid sa kanya kasi bawal 'yun. Takot lang nilang mamatay.

Ayos na ayos sya, mali 'yung akala kong pinapabayaan nya lang ang sarili nya. Hindi 'yun totoo at talagang masaya ako for her, that finally she's happy now. Bilisan nya lang ang pagbabalik nya kasi baka hindi nya na ako maabutang buhay, dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Sinunod ko ang kagustuhan nyang wag ko na syang pupuntahan pa. Pero hanap ko sya. AYOKO na rin magpakita, mas okay na rin na ganito. Yung ako na lang ang nasasaktan para sa kaligayahan nya. Ayos na ako rito.

Simula ng iniwan nya ako, patapon na ang buhay ko. Parang pakiramdam ko mag-isa na lang talaga ako, kahit na nandyan sila Drey, hindi ko pa rin mapigilan hindi mag-isip at ma feel na solo na lang ako. Dama ko 'yung worries nila sa akin.

Alam kong sobra silang nag-aalala sa akin at inaalagaan nila akong mabuti. Pero kasi, may mga bagay na hindi kayang magamot neto. May mga bagay na sya lang talaga ang makapagpapabalik sa akin sa kung ano ako.

Inom lang ako ng inom ng alak. Buong magdamag, walang tulog, palaging tulala sa kawalan at palaging umiiyak. Naging patapon ang buhay ko. Hindi makalabas ng kwarto, hindi na rin ako pumapasok sa Ashton Academy. Nawalan na akong nanggana. Ang gusto ko na lang ngayon ay bumalik na sya, kasi kailangan ko sya.

Mababaliw na ako sa kanya kapag hindi ko sya nakikita, nakakausap, nahahagkam at nahahawakan. Pakiramdam ko malulusaw na ako. Ang hirap para sa akin harapin ang bagong umagang wala sya, pakiramdam ko isang taon ang bilang ng isang araw.

Ang bagal umusad ng oras at mga araw. Pakiramdam ko stock na ako sa isang tunnel na hindi malaman kung nasaan ang labasan. Naliligaw at nababaliw na.

Hawak ang whiskey ay tinungga ko ito na parang tubig lang. Sunod-sunod ang lagok kong hindi ko na iniinda ang pait neto. Napahinto naman ako dahil para hindi ko na kayang inumin pa ito dahil sa sobrang bilis.

Nabulunan naman ako kaya ang sakit ng lalamunan ko. Pero wala akong pake, tinungga ko ulit ito dahil gusto kong malasing ng malasing na lang para hindi ko nararamdaman 'yung sakit.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now