Chapter 70- Critical

84 0 0
                                    

LESSIE'S P.O.V

Naglakad na kami ni Clark papuntang Adoration Chapel para magdasal. Pinagbuksan nya ako ng pinto habang nasa likuran ko sya. Naupo na ako at tsaka nasa likuran naman sya. Lumuhod ako habang lumuluha.

"Lord, please. I know I did many bad things in my life. I'm a sinner, I don't do good things in my life but Lord, I'm begging you. Please save him. Alam kong wala akong karapatang humiling ng kung ano-ano sainyo, dahil isa akong makasalanang tao. Hindi ako sumunod sa mga gusto nyo, sa halip ay taliwas pa nga ang ginagawa ko. Pero, Lord, please, kahit ngayon lang."

"Tulungan nyo po sana kami, tulungan nyo po sana si Gray na gumaling na, na maging okay na po sya, na maging successful ang operation nya. Wag nyo po sanang hahayaang bumigay sya. Dahil hindi ko po alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang hindi sya kasama. Hindi ko po Lord makakaya."

"Please po, iligtas nyo ho sya, promise  magiging mabait na ako. Iiwasan ko ng gumawa ng gulo, ang makipagaway at kung ano-ano pa ho. Alam kong hindi nyo hahayaang may mangyaring masama  sa kanya, kasi madaming tao pa ho ang umaasa at nagmamahal sa kanya."

" Nandito pa ho kami, naghihintay sa pagbabalik nya. Ipinapaubaya ko na ho sya sainyo, kayo na ho ang bahala sa kanya. Isabay nyo na rin ho si Lucas."

"Kahit naman na muntikan nya na akong ma rape non ay tinulungan nya pa rin kami. Hindi nya kami pinabayaan ni Gray at sa halip ay iniligtas nya pa nga ho kami. Maraming salamat po Diyos ko. Tulungan nyo po kami. Amen." Tuloy tuloy ang luha sa mga mata.

Pagkatapos kong mag dasal ay nag sign of the cross na ako at tsaka tumayo. Hinihintay lang naman pala ako ni Clark na matapos.

Tumayo na kami at sumunod sya sa akin. Nauna na akong maglakad, kinakabahan ako sa kung ano ng nangyayari sa kanya. Shit. Sobrang bilis kong maglakad pero pakiramdam ko ang layo-layo ko pa.

'Yung pakiramdam mo na, gustong-gusto mo ng makarating sa paroroonan mo pero pakiramdam mo ang layo mo pa na hindi ka umuusad.

Pagdating namin doon ay sakto namang  kakalabas pa lang ng Doctor. Agad akong lumapit at tinanong kung anong nangyari. Kung naging successful ba 'yung operations nya.

"How's he Doc? Is he okay na?" Tarantang tanong ko habang kinukurot ang kamay ko.

"Well, we can say na hindi pa sya totally okay. The operations was been successful, pero depends pa rin kay Mr. Wattson 'yung desisyon. Kinailangan namin syang dalhin sa ICU, para mas lalong ma-obserbahan."

"Sa ngayon lasi ay ginagawa na namin ang lahat mg aming nakakaya, pero sorry to say na he's in critical condition pa. We need to observe him always and knows if he is progressing. Ang tanging masasabi ko lang ay hintayin na lang natin na kayanin nya, ipagdasal natin na aana gumaling na sya." Paliwanag nya sa amin. Tuluan naman 'yung mga luha ko. Critical? ICU Shit. Kasalan ko to e.

"Akala ko ba successful? Ba't critical pa sya?! Bakit nasa ICU!" Galit na tanong ko sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit sinabi nya. Sinabe kasing  okay naman 'yung operation tapos ngayon ganyan? Kinailangan nya pang ma ICU? Shit. Critical nga. Sobrang critical!

"Lessie, kumalma ka." Si Lolo, tsaka nya ako tinapik sa balikat.

"Dahil sa inabot nyang bugbug ay pati yung organs nya ay nadali. Dahil doon kaya sya nagiging in critical stage, isama mo pa yung tama ng baril sa likod na bahagi ng katawan nya. Successful 'yung operation sa pagtanggal ng bala sa katawan nya, pero 'yung epekto ng bugbug sa kanya, ay ibang level 'yun."

"Dahil doon mas lalong nanghihina 'yung katawan nya  at nagkaroon ng damage 'yung ibang parti ng organs nya. Salamat naman sa dyos at jindi na kinailangan operahan yung damage na organs nya. Kinailangan na lang namin na idaan 'yun sa gamot. Nilagyan namin ngayon ng oxygen si  Mr. Wattson, kasi mababa ang air na pumapasok sa katawan nya."

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now