Chapter 31- He saw me

375 11 0
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie's P.O.V

Agad akong bumangon at naligo na. Matapos maligo nagbihis at tsaka ginamot ang sugat ko. Hindi ko sinabi o ipinakita man lang na may sugat ako. Ayokong mag-alala pa sila. After kong gamutin nilagyan ng madaming band aid ay lumabas na ako ng kwarto ko.

Naabutan ko silang nagsusuklay na rin. 7:00 A.M na at kailangan na naming umalis. 8 A.M -10A.M Ang unang pasok namin. Sunod naman 10:05-12:P.M kung mapapansin nyo may 5 minutes interval. Yung ang break namin 5 minutes ang kuripot nga eh.

"Good morning" bati ni Jerri ng mapansing nasa sala na ako. Hindi nila ako napansin eh.

"Aga mo ah?" Si Darcy.

"Anong aga ka dyan. Malalate tayo kung hindi pa kayo matatapos sa pagpapaganda nyo." Sita ko sa kanila habang tumatawa. Tiningnan naman ako ng masama ni Jerri.

"Infernes tumatawa kana ngayon ah?" Pansin ni Jerri. Hindi ako umimik.

Pansin ko nga rin na tumatawa na ako ngayon. Nang mapansing hindi na ako umiimik nagsalita si Darcy.

"Ano ba namang klaseng tanong tanong yan Jerri." Napagalitan pa si Jerri.

"Sorry. " Nakayukong sabi nya. Nakokonsensya sa sinabi nya kanina.

"Oy. Okay lang naman hahahhaa." Tumawa ulit ako.

Kahit labag naman talaga sa kalooban ko. Gusto ko lang ipakitang okay na ako kahit papaano. Pero alam kong hindi pa. Bahala na.

"Bilisan mo Jerri. Malalate tayo kung naglalagay ka pa ng make up dyan. Doon kana lang sa Cafeteria or kaya sa room maglagay. " Sabi ni Darcy.

Tagal naman talaga kasi neto ni Jerri, palagi syang as always na late sa aming tatlo. Kaya naawa din ako dyan palaging napapagalitan ni Darcy.

"Okay nga. Heto na. "Nagmamadali syang ilagay 'yung mga make ups sa bag nya. Naku. Hilig nyang mag make up.

"Tara?" ng matapos syang magayos ng lahat ng gamit nya.

"Let's go!" Sabi ko at lumabas na ng Dorm.

Naglalakad na kami ngayon papuntang labas ng Dorm. Kung dati rati'y excited akong lumabas ng Dorm ngayon naman ay nakabusangot ako habang naglalakad. Na-iinis ako sa mga babaeng nakikita kong inaantay ng mga jowa's nila. Hinihiling kong Sanang ....

"MAG BREAK KAYO!" Bitter here hahahahaha

Pagkalabas namin, agad akong lumiko-liko ng tingin.

May hinahanap ako eh. Si Gray. Kaso nga lang break na pala kami. Masakit pa rin hanggang ngayon 'yung puso ko. Iniisip ko palang na wala na sya sa akin unti-unti na naman akong nasasaktan.

Shit ka Gray!

Tinginan naman ako nila akong dalawa ngayon na parang nag-aalala.

"Okay lang ako." Nakangiting sabi ko. Kahit masakit talaga. Puro na lang sakit 'yung nararamdaman ko. SHIT!

Tumango lang sila sa akin at agad na kaming naglakad palayo ng Dorm. Ang buong akala ko panaginip lang lahat ng nangyari kahapon. Pero hindi pala. Talagang totoong-totoo.

Umasa pa naman akong baka makita ko syang hinihintay ako at masorry sya, dahil hindi nya naman talaga sadya yun, na  it's a prank lang! Pero,

Shit!

Totoo palang wala na talaga.

Malungkot akong naglakad papuntang Cafeteria para kumain ng breakfast. Pinagtitinginan pa rin nila ako ngayon. Wala akong PAKIALAM sa kanila kaya hindi ko na lang sila pinansin. Mga papansin lang kasi ang mga yan. Kainis!

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now