Chapter 78- Invalidate

71 3 0
                                    

Lessie's P.O.V

"He is dead Lessie, he's dead! He's gone now!"

Mas lalo akong nanghina sa sinabe nya. Na patay na ang Lolo ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng marinig ko 'yun sa kanya.

Nakatulala akong humarap sa kanya dala-dala ang pangarap at hiling kong sanang buhay pa sya ngayon. Na sana'y kapiling ko pa sya ngayon. Hindi ako naniniwala na patay sya, dahil alam kong hindi nya naman ako iiwanan.

'Yung pangako nya, alam kong panghahawakan nya iyon. Malakas si Lolo, hindi sya mahinang tao. Alam ko 'yun, kasi Apo nya ako. Matatag sya, matapang sya, at....hindi nya kayang iwanan ako!

" I don't believe you, Gray, please... I'm begging you, tell me that's he's alive!" Nakikiusap akong inaalog-alog ko ang balikat nya. Ngunit, nakayuko lang sya.

"Putangina naman Gray! TELL MEEE!" Sigaw ko pa.

Para na talaga akong sirang tao. Wala akong magawa eh. Nasasaktan ako at talaga hindi ko matatanggap ang ganito! Walang tatanggap at aakong patay na sya, kasi hindi...hindi ko kaya. Putangina.

"He's gone." Malumbay na sabi nya. Sinapak ko ulit sya ng sobrang lakas.

"NO! He's strong, he's brave, he won't leave me, he won't bear to see me mesirable! I know he's alive! I will go to him." Tumayo ako at akmang aalis na. Pero pagbukas ko ng pinto, muntik ng malaglag ang panga ko.

"OH MY GOD! What's this?" Tanong ko sa kanila ng makita 'yung kabaong sa sala.

Nandon 'yung mga kaibigan ko at pati na rin sila Clark. Nakatingin sila sa akin habang pinapanood akong maging mesirable.

Napahawak ako sa pader habang unti-unting bumababa. Ang sakit, ang sakit ng mga ngiti nyang nakatingin sa akin. 'Yung pictures nyang sobrang laki na para pinupunit ang puso ko. Ang sakit ng makitang nandyan sya, bakit may kabaong?

"ANO YAN? TANGGALIN NYO YAN! HINDI SYA PATAY!" Pinagsisigawan ko silang lahat.

Gumagapang akong lumalapit sa may kabaong, hindi akoo makatayo. Wala akong lakas. Ubos na ubos na ang lakas ko at hindi ko na kaya.

Kinuha ko 'yung mga bulaklak sa baba ng kabaong at pinagtatanggal ito. Binato ko ito palabas habang umiiyak at sumisigaw na,

"HINDI PA PATAY ANG LOLO KOO!"

Sigaw lang ako ng sigaw habang pinagaalis ang mga bulaklak na ito. Pinipigilan naman ni Gray ako sa ginagawa ko. Hinawak nya ang dalawang kamay ko ta itinayo ako.

"Tama na yan Lessie, patay na sya!" Galit na sigaw nya.

Sapak ko lang sya ng makatayo ako. Wala lang 'yun sa kanya, nakakailan na akong sampal sa kanya. At talagang ayos lang 'yun sa kanya.

Wala na palang mas dudurog pa sa puso ko nung makita ko sya sa kabaong nya. Ang gwapo nya habang makikita mo sa expression ng mukha nyang parang nakangiti sya.

Napahawak ako sa kabaong nya at pinaghihimas 'yung mukha nya sa salamin neto. Tulo ng tulo ang luha sa mga mata ko at hindi ako makahinga dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Iniisip ko palang na wala na sya, para na akong mamamatay. Natatakot ako, sobrang natatakot akong maging mag-isa. Naka barong tagalog sya at sobrang gwapo ng pagkakaayos ng buhok nya.

"Lo, isama nyo na pang ako dyan! Hindi ko na kaya! Mamatay na ako! Ayoko ng ganito!" Pakiusap ko sa kanya pero hindi man lang sya sumasagot.

"Sumagot ka naman dyan Lo, oh. Parang awa mo na!" Umubo ako at hinintay ang sagot nya, pero wala pa rin.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now