CHAPTER 3- Saving the trouble maker

3.7K 171 2
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Gray's P.O.V

Buwisit talaga yang babaeng yan. Hindi nya alam kung sino ang kinakalaban nya . Gusto nya bang mawala sa mundong to, kung sa bagay pwedeng- pwede naman. Tumayo na ako at lumabas na ng Basketball Court.

Nandito kami ngayon para magpractice sa nalalapit na Tournament. Obvious naman kung sino ang mananalo.

"Hey, Gray saan ang punta mo?"sigaw ni Clark habang kinukuha ko na yung mga gamit ko.

"Sa langit sasama ka?"sigaw ko rin sa kanya.

"Huwag kang ganyan, hindi mo pa nga nakukuha yung trono" lumapit na sya sa akin dala yung gamit nya. Naiwan si Andrey na naglalaro ng Basketball.

"Tumigil ka nga dyan, baka gusto mong batukan kita dyan eh!" Tinabig ko yung basa nyang kamay na naka lagay sa may balikat ko.

"Easy lang Gray, huwag masyadong mainit ang ulo." straight lang akong naglakad habang sumusunod naman sya sa akin.

"Gray, diba si Lessie yun." sabay turo sa babaeng yun. Nasa gitna sya nila Tanisha kasama ang kaibigan nito.

"Siguradong gulo ito." nakangiting saad ng lalaking to.

"Lapitan natin." sambit ni Clark. Pero pinigilan ko sya.

"Hayaan mo sya dyan, tutal kaya nya naman ang sarili nya diba?" pagmamatigas ko.

"Pero, hindi mo ba alam na may sugat sya sa kamay, at masakit ang likod nya dahil sa ginawa mo." naaawang sabi nito. Naikwento ko kasi sa kanila yung ginawa ko sa babaeng 'yan.

"Pagsinabi kong hayaan mo sya, hayaan mo sya, okay?" Seryosong saad ko. Tumigil naman sya at nag focus na lang sa nangyayari doon.

Kung titingnan talo rito si Lessie, alam kong masakit ang buo nyang katawan, dahil sa ginawa kong pagbalibag sa kanya kahapon. Mabuti yan sa kanya, kasalanan nya naman yun. Biglang sinipa ni Tanisha si Lessie sa may tiyan, pero hindi ito natumba, ni isang aray nga wala. Matibay talaga ang babaeng 'to.

"Ano, magpapakabait kana ba ngayon?" Galit na sigaw ni Tanisha.

Walang emosyon lang itong tiningnan ni Lessie. Kumuha naman yung isang kaibigan ni Tanisha ng pamalo at pinagpapalo nito si Lessie sa likod. Wala lang ginagawa si Lessie kundi ang magpabugbog.

"Gray, mamamatay yan si Lessie kung pababayaan lang natin." nag- aalalang wika nito. Edi, mamatay sya, buhay nya naman 'yan.

"Hayaan mo sya, ang lakas ng loob nyang kalabanin ako pero, dyan sa mga lintang mga yan hindi nya kayang ipagtanggol ang sarili nya. Manood ka lang dyan." lakas ng loob na kalabanin ako, tapos ngayon walang binatbat.

Hambog lang pala kasi.

"Ano, magpapakabait kana ba ngayon?" tumatawang sabi ni Tanisha habang patuloy na pinagpapalo ng kaibigan nya si Lessie.

Yung isa naman pinagsusuntok sya sa katawan at si Tanisha naman sinasabunutan sya. Nakakaawa talaga. Makikita mo kung paano karaming dugo na ang nawawala sa kanya. Si Clark naman nag-aantay lang ng go signal ko na puntahan si Lessie at tulungan. Pero buhay nya yan.

Tumigil sila sa pagbubugbog kay Lessie ng makita nitong natumba na ito, at halatang umiiyak. Kinuha nung babae yung kamay nitong may sugat at tsaka binali. Inaasahan kong dadaing ito pero, wala, napaasa lang ako.

Kaawa-awa na talaga sya ngayon. Kumuha naman si Tanisha ng upuan doon sa gilid at tumatawang ibabato sana kay Lessie ng mabilis akong sumugod doon at pigilan ang pagbato ng upuan.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now