Chapter 69- Gunshot

80 1 0
                                    

Lessie's P.O.V

Nginitian ko sya ng sobra habang pinahiga sya na parang bata sa mga bisig ko. Pinapahid ko 'yung luha sa mga mata nya. 'Yung mata nyang parehas putok na putok na. 'Yung isang mata  nya pinipilit na lang na ibuka.

Umiiyak na lang talaga ako habang pinapakinggan sya kung paano sya dumaig at pinapakiramdaman kung gaano kasakit 'yung nararamdaman nya.

Hinawakan ko sya sa kanyang kamay na sobrang ang dumi na. 'Yung suot nyang baro ay punit-punit na, para na itong basahan. May lumalabas na dugo sa bibig nya at maging sa labi nya. Gulong-gulo 'yung buhok nya at tsaka umuubo sya ng dugo na mas lalong nagpakaba sa akin.

"I need a medicine! I need medicine! I need a Doctor!" Tarantang sigaw ko sa kanila.

Umuubo sya ng dugo shit! Ayokoooo! Hindi ko kaya, sobrang nanenerbyos na ako na kahit ano-ano na 'yung pumapasok sa isip ko. Ayokoooo!

Please, Lord. I'm begging you, AYOKO!

"Gray, please. Kayanin mo! Pleaseee!" Habang patuloy syang umuubo ng dugo na nahahawakan ko na. Hindi ko na alam ang gagawin ko, tarantang- taranta na ako. 'Yung mga dapat hindi mo iniiisip ay naiisip ko na.

"SHIT! GRAY, PLEASEEE!" Umiiyak na pakiusap ko.

Hindi nya na kasi naibubuka pa 'yung isa nyang mata at 'yung isa naman ay unti-unti ng pumipikit. Sobrang hinang-hina naman sya. Tinatapik ko sya sa pisngi nya pero hindi na sya nag-re-respond pa.

"LOOK WHAT HAVE YOU DONE! YOU'RE KILLING YOUR BROTHER!" galit na galit na sigaw ko habang kinakapa sya sa pants nya.

"And that's good!" Tumatawang sabi nya pa na sobrang ikinainis ko.

Nabigla ang lahat ng may putok ng baril sa labas ang narinig namin. Nataranta naman ang lahat, lalo na 'yung kapatid ni Gray. Huli ng makagalaw sila dahil napapalibutan sila ng Mafia ni Gray.

Nakita ko Martha, si Clark, si Drey at si Lolo? Labis akong nabigla ng makita ko sya. A--anong, anong ginagawa nya rito? Ba't nandito sya? BAKIT?!

"Wag mo ng tangkain pang gumalaw  Sid.  Wala kanang kawala rito, lahat ng sulok ng building na ito ay okopado na namin. Wag mo ng tangkain pang pumatol kung ayaw mong mamatay kayong lahat!" Galit na galit na sigaw ni Martha.

Agad naman na lumapit sa amin si Lucas.  Tiningnan nya si Gray na unti-unting nanghihina na dahil sa sobrang gulping na natamo nya. Tiningnan nya ang pulse rate neto sa kamay at maging ang heartbeat ng puso neto.

"He needs to  be rush in the Hospital or else he will die!" Seryosong sabi ni Lucas na agad naman kaming tiningnan ng lahat, lalo na si Sid. 'Yung kapatid nyang Satanas!

"Gray, stay with me please, pleaseee... Open your eyes. Pleaseee, I'm begging you." Umiiyak na pakiusap ko hahang tinatapik sya sa mukha.

Nabigla kami ng nasa amin na ang tutok ng baril ni Sid, nasa kay Gray. Agad naman namin 'yun na hinarangan ni Lucas.

"No, Sid! Nooo!" Sigaw ko.

Nakangisi syang tumingin sa akin at tsaka ipinutok ang baril, inaasahan kong sa akin yung balang 'yun at hindi ako natatakot. Subalit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa sa akin. Pagmulat ng mata ko nakita kong si Lucas ang tinamaan, hinarangan nya ako.

Agad syang napadaig sa sobrang sakit non. Ang daming dugong umaagos sa likod nya shit. Nagpaputok naman si Martha ng baril at tinamaan sa braso si Sid ngunit nagpaputok pa ito ng baril sa akin. Inaasahan ko ng para sa akin 'yun ng hinarangan ako Gray. Shit. Naramdaman ko na lang 'yung dugo na umaagod sa likod nya. Shit.

Sobrang humagolgol ako at hindi na malaman ang gagawin. Nakahiga kaming dalawa, samantalang sa itaas ko sya. Nakita ko na lang na bumagsak si Sid sa sunod sunod na putok ng baril sa kanya.

Ashton Academy  School Of Mafia Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin