Chapter 72- Discharged

92 1 0
                                    

LESSIE'S P.O.V

"Stop crying na. I'm hurting Babe." Malambing na sabi nya habang pinipisil ang daliri ko.

Sobra ko syang na missed. Pakiramdam ko ngayon ang palad palad ko, kasi sa kabila ng mga sinasabe sa akin ni Martha na sobrang nakakadurog, nandito pa rin si Gray sa tabi ko. Hindi nya pa rin ako iniwan, iniiwan.

Sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin, ako pa rin ang pinilipili nya over everything he had. Iyak lang ako ng iyak, hindi dahil sa sakit ng mga pinagsasabi ni Martha, kundi dahil masaya ako at nakasama ko na ulit sya. Na gising na sya at ako pa rin ang mamahalin nya. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang mga nangyayari, naguguluhan pa rin ako.

Isang malaking tanong sa isipan ko kung bakit nandoon si Lolo? Bakit sya nandon? Bakit nya kilala 'yung kapatid ni Gray, si Sid? Bakit alam nya ang lugar na iyon at ano 'yung secreto na gusto nyang sabihin sa akin? Kinakabahan akong hindi ako makapag-isip ng maayos. Dumagdag pa iyon sa aking iisipin.

Pero, hahayaan ko na lang. Ang importante ay gising na sya. Bigla nya akong dinampian ng halik sa labi at sobra naman akong nabigla.

"Gray!" bulalas ko.

"Bakit?" nangiinis na sabi nya.

"Baka may makakita, sipain kita dyan e!" iritadong sabi ko. Tumawa lang sya..

''Walang makakakita, walang tao, tsaka ICU to." palusot nya pa. tiningnan ko naman sya ng masama..

"Ayy, basta! Kahit na!" Pagmamatigas ko. Ngumiti lang sya at tsaka tumigil.

"Okay then, Babe. Sobra ka bang nag-alala sa akin?" Seryosong tanong nya. Tumango naman ako.

"Sobra pa sa sobra kaya, wag mo na ulit 'yun gagawin a? Sobrang nakakatakot kaya." Kinakabahang sabi ko tsaka ko kinurot 'yung kamay nya. Hindi naman sya umaray. Deserve mo yan!

"Sorry for worrying you too much."

"Okay lang naman. Basta next time, wag na!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Okay."

Dumating naman 'yung mga Doctors at tiningnan sya kung okay na ba talaga sya. Labis naman ang tuwa sa akin mga labi ng sabihin nilang pwede na syang umuwi.

"By tomorrow you can be discharged, Mr. Wattson. Okay na ang mga test and lab results mo." sabi ng Doctor.

"Thank you, Doctor." sabi naman ni Gray.

"You're welcome." sabay alis ng Doctor. Bumaling naman sa akin si Gray. Proud na proud na makakauwi na. Napangiti na lang ako sa kanya.

"See? I'm healthy agad." pagmamalaki nya pa. Pinalo ko sya sa noo.

"Mukha kang tanga." inis na sabi ko.

"Sorry na nga kaseee." parang batang sabi nya..

"K" sagot ko.

Dumating ang hapon tsaka palang dumating 'yung mga kaibigan nya. Wala si Martha, tanging si Drey lang at si Clark. Sobrang saya nilang pumasok sa Room ni Clay. Nailipat na sya sa VIP ward, hindi na sya sa ICU, kase okay na sya.

Napaluha namang lumapit si Clark sa kanya. Sentimental lang si Clark ah, sya palaging umiiyak sa mga ganitong pagkakataon. Niyakap nilang dalawa si Gray na parang hindi ata sanay na sa mga ganitong moves.

Feeling hard kasi 'tong si Gray e. Sarap sipain. Hindi ko akalaing mapapahagulgol si Clark ng iyak. Alam kong sobra syang nag-aalala kalagayan ni Gray at alam ko 'yung pakiramdam ng ganon.

Gusto ko na lang din maiyak, kase sobrang nadadala 'yung puso ko sa vibes ngayon dito. Umiwas na lang ako tingin para hindi ako maiyak. Itinuon ko ang atensyon ko sa Television.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now